3rd Chapter: Sailing Smooth

4.1K 156 2
                                    

PAGKATAPOS ng pakikipag-usap ni Moana kay Sley sa KopeeBook, inalok siya ng isang nagngangalang "Charly" na ihatid sa bahay ni Sley.

Pero dahil naiinip siya sa loob ng bahay, nagpahangin muna siya sa garden habang nakaupo sa stone bench. Parang naging DVD ang tingin niya sa half-moon sa madilim na kalangitan dahil nag-play bigla sa kanyang isip ang dahilan kung bakit pumayag siya sa kagustuhan ng kanyang kakambal...

"You want me to stop painting, Kaito?" hindi makapaniwalang tanong ni Moana sa kanyang boyfriend.

"Yes. Whenever you paint, everything around you becomes irrelevant. Including me. Tell me, Moa, mahal mo ba talaga ako?"

Bumuga siya ng hangin. Dapat ay isine-celebrate nila ng kanyang half Filipino-half Japanese boyfriend ang kanilang first anniversary sa gabing iyon. Pero heto sila at pinagtatalunan ang kanyang career. "No. I won't stop painting for that petty reason, Kaito."

"Petty reason?" parang hindi makapaniwalang pag-uulit nito. Obviously, he was angry. And hurt. "Moa, napapabayaan mo na ang relasyon natin."

Nakonsiyensiya naman si Moana. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang boyfriend. "Kaito, intindihin mo ako. Kailangan kong tapusin ang paintings ko para sa nalalapit kong exhibit. Pero kapag natapos—"

"Kapag natapos ka na, you will only start working on another project, Moa. It has always been like that. Always."

Matagal bago siya nagsalita. "Hindi ko pa rin bibitawan ang career ko," matatag na sagot niya. Siguro naman ay may ibang paraan para mag-work out ang kanilang relasyon nang hindi niya isinusuko ang pagpipinta.

Kung ngayon pa lang, ganito na si Kaito, nahihinuha na niyang kapag ikinasal sila ay tuluyan na siya nitong pahihintuin sa pagpipinta para maging housewife o maging tutok na ina sa kanilang mga magiging anak. And she did not want that kind of future!

He let out a frustrated sigh. "Moana, I'm going back to Japan next week. I think it would be best if we gave each other space in the meantime."

"Are you breaking up with me?" hindi makapaniwalang tanong niya. His silence pained her.

Oo, hiwalay na sila ni Kaito. Kaya naman kailangan niya ng distraction mula sa heartbreak. And that distraction was to make Sley hate her.

Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon