FEELING ni Moana ay pinagpapawisan siya nang malamig tuwing makikita niya sa rearview mirror ang mga shopping bags na pinamili nila ni Sley sa mall kanina. Unlike her sister, mas kumportable siya sa T-shirt and jeans lang, kaya naman ang laki ng panghihinayang niya sa perang ipinambili ni Sley sa mga mamahaling damit at sapatos. Nagpipinta siya kaya aanhin naman niya ang mamahaling damit? Nakakainis lang dahil hindi kakikitaan ng iritasyon si Sley.
"Monina, puwede bang dumaan muna tayo sa Space Zoo?"
Moana turned to him. "Space Zoo?"
"A zoo owned by me. Do'n din nakatayo ang clinic ko. May nag-field trip kasing nursery kids sa Space so I want to personally give them a tour of the place." Sinulyapan siya ni Sley. "I hope you don't mind."
Umiling siya. "Okay lang. Ngayon lang uli ako makakapunta sa zoo."
Ngumiti ang lalaki. "Thanks."
Sumilip siya sa labas ng bintana ng kotse nang mabasa niya ang karatula ng "Space Zoo" sa kanilang pinasukan. They got out of the car. Agad niyang inilibot ang tingin. Hindi kalakihan ang zoo pero malinis at nakaka-refresh tingnan dahil sa mga disenyo na halatang ginawa para sa mga bata.
"Let's go." Hinawakan siya ni Sley sa braso at inakay papasok sa pinakaloob ng zoo.
Una, tumawid sila sa isang maiksing wooden bridge kung saan may pond sa ilalim.
"Sley, Koi fish ba ang mga 'yan?" excited na tanong ni Moana habang nakatingin sa malalaki at orange Koi fish sa ilalim ng bridge. Dahil sa magandang tanawin, pansamantala niyang nakalimutan ang mga alalahanin, o na dapat ay lumayo na siya sa lalaki.
"Yes. Do you like them?"
"Oo! Gusto ko nga rin sanang magkaroon ng Koi pond sa bahay, kaya lang mahal, eh. Puwedeng ipag-plastic mo 'ko ng dalawang Koi fish bago tayo umuwi?" biro niya.
Natawa nang marahan si Sley. "Halika nga rito, puro ka kalokohan." Inakbayan siya at inakay na para magpatuloy sa paglalakad.
Sa kabila ng pagtutol ng isipan, kumportable si Moana sa paghawak ni Sley. "Bakit kailangan nakaakbay ka pa?" pabirong tanong niya. Pinigilan niya ang kilig sa pamamagitan ng pagsimangot at tuluyang paglayo. Hindi naman na siya hinila pabalik ni Sley nang marahil mapansin nitong nagbago ang kanyang mood. "Inaakit mo ba ako?"
Tiningnan siya ni Sley, napakainosente ng guwapong mukha. "I don't know how to seduce anyone."
Nag-iwas ng tingin si Moana. He had an innocent face, but his sexy voice and sultry eyes said otherwise. He was definitely seducing her! "Sinungaling."
Bago pa madepensahan ni Sley ang sarili ay may narinig na silang malakas na iyakan ng mga bata. Sabay silang napatingin sa direksiyon ng ingay. May mga paslit sa tapat ng cage ng mga ibon. Nilapitan nila ang mga bata. The kids were probably three to five years old and they were accompanied by two middle-aged female teachers.
"Ma'am, I'm Slater John Enriquez, and I own this zoo," magalang na pagpapakilala ni Sley sa mga guro. "Ano ho'ng problema?"
"Natakot kasi ang mga bata nang makita nila ang lions kanina. Nang umiyak ang isa, nag-iyakan na rin ang iba," nag-aalalang sabi ng isang guro.
"Hindi na nga namin alam ang gagawin. We should call their parents to calm the kids down," suhestiyon ng isa pang guro.
Nagpaalam muna ang dalawang guro upang tawagan ang magulang ng mga bata.
Nag-squat paupo si Sley sa harap ng mga batang umiiyak pa rin. "Kids, I'm Kuya Sley. Don't cry, hmm? The lions won't hurt you, you're safe here. Do you want me to show you around so you could see the other animals?"
Napangiwi si Moana nang lalong lumakas ang pag-iyak ng mga bata. Nagpatuloy naman si Sley sa pag-alo sa mga paslit. Tahimik lang niyang pinapanood ang lalaki. Napatunayan niyang pasensiyoso nga talaga si Sley dahil hindi ito kakikitaan ng kahit katiting na pagkaasar while dealing with the whining kids. Sa halip, pang-unawa pa nga ang nakita niya sa mga mata ng lalaki.
Y R U so kind, Sley?
Natawa si Moana sa sariling kalokohan. Saglit na tumigil sa pag-iyak ang mga bata at sabay-sabay na napatingin sa kanya. She stopped laughing and thought of a way to entertain the children. "Kids, let's sing and dance!"
Walang nag-react sa mga paslit.
Nagsimula naman siyang kumanta at sumayaw ng nag-iisang Tagalog nursery rhyme na natatandaan niya. Ikinuyom niya ang mga kamay at pinagalaw ang mga braso na animo'y mga pakpak ng manok. "May tatlong bibe akong nakita. Mataba, mapayat, mga bibe. Pero ang may pakpak sa likod ay iisa." She swayed her body habang nasa magkabilang gilid ng bibig ang mga kamay, pretending it was a megaphone. "Siya ang leader na nagsabi ng kwak, kwak. Kwak, kwak, kwak. Kwak, kwak, kwak. Siya ang leader na nagsabi ng kwak, kwak!"
Napansin niyang tumigil ang mga bata sa pag-iyak. Napangiti na at halatang naaaliw sa kanyang ginagawa. Maging si Sley na nakatayo na ngayon at nakahalukipkip habang pinagmamasdan siya ay halatang natutuwa sa kanya, base sa kislap ng mga mata.
Napangiti na lang din tuloy siya para pagtakpan ang kahihiyang nararamdaman, lalo na nang mapansin niyang pinapanood at pinagtatawanan na siya ng lahat ng taong naroon sa zoo.
Ewan ba niya pero imbes na mahiya ay lalo siyang ginanahang magsayaw. Nagpatuloy siya sa pagkanta at pagsayaw ng nursery rhyme. Kumendeng pa siya habang umiikot dahil iyon ang hinihiling sa lyrics ng kanta. "Tayo na sa ilog ang sabi. Kumendeng, kumendeng ang mga bibe. Pero ang may pakpak sa likod ay iisa. Siya ang leader na nagsabi ng kwak, kwak. Kwak, kwak, kwak. Kwak, kwak, kwak. Siya ang leader na nagsabi ng kwak, kwak!"
Nagtawanan ang mga bata. Pero imbes na mapahiya ay natuwa pa si Moana dahil sinabayan na siya ng mga paslit sa pagkanta at ginaya pa ang dance moves niya. Tuluyan na ngang nakalimutan ng mga bata ang pag-iyak.
Nagtama ang mga mata nila ni Sley. Nakatakip ang kamay ng lalaki sa bibig habang nakahawak naman sa tiyan ang isa pang kamay. Halatang pinagtatawanan siya ng lalaking ito!
Hah! Akala mo, ha!
Nilapitan niya si Sley at hinila sa gitna ng "dance floor." Ngayon ay napapaligiran na sila ng mga bata na patuloy lang sa masiglang pagsayaw at pagkanta. "Sabayan mo kami, Sley."
Agad namula ang magkabilang pisngi ng lalaki. "But I don't know how to—"
"C'mon, Sley. Sa 'yo ang zoo na 'to kaya obligasyon mong pasayahin ang mga bata," pang-uuto ni Moana. Ikinuyom niya ang mga kamay ni Sley at pinilit itong pagalawin ang mga braso na animo'y mga pakpak ng manok. She did the same. "Gayahin mo kami." She started to sing along with the kids again, while moving her arms as if they were chicken wings.
Nag-aalangan man ay nagsimula na rin si Sley na gayahin siya. He was so cute, blushing madly like that! His next moves made her freeze. Kumendeng si Sley habang umiikot! She did not know the "duck dance" could be this sexy! Gah! The way his hips moved was really sexy!
Naramdaman ni Moana ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi.
Nang pag-ikot ni Sley paharap uli sa kanya ay nagtama ang kanilang mga mata. He gave her a sexy smirk, probably because he caught her while she was in the middle of fantasizing about him, and then he shamelessly winked at her!
She had not realized how gorgeous Sley was until now.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romance"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...