"BOJO and I are married, Mom, Dad," pagtatapat ni Monina.
"What?!" hindi makapaniwalang bulalas ng kanilang ama.
Maging si Moana ay nabigla. Paano naikasal ang dalawa? Pero sa nakikita niyang mahigpit na pagkakahawak-kamay sa isa't isa nina Bojo at Monina, hindi na siya nagtaka kung paanong nalagpasan ng magcouple ang lahat ng pagsubok.
"Paano nakalaya ang lalaking 'yan?!" galit na galit na tanong ng kanyang ama.
"I helped him, Sir," sagot ni Sley na ikinagulat ni Moana.
"Slater?"
"Yes, Sir. I hired a lawyer for Saavedra. Mahina ang kasong kidnapping laban sa kanya dahil may mga ebidensiyang nagpapatunay na magcouple sina Monina at Bojo, at siyempre, ang mismong pagtanggi ni Monina sa akusasyon ninyo."
Napaupo ang kanyang ama sa silya, dala marahil ng panghihina.
"Honey!" nag-aalalang bulalas naman ng kanyang ina.
"Sir, mahal ko ho ang anak ninyo," sabi ni Bojo sa matatag na boses. "Pasensiya na pero hindi ko ho siya isusuko. Kahit ilang beses n'yo ho akong ipakulong, I will still crawl back to her."
"Daddy, pabayaan n'yo na ho sina Monina at Bojo," mariing sabi ni Moana. "Hayaan n'yo nang maging masaya ang kapatid ko. Nakikiusap ho ako."
"Honey, tama na. Masyado ka nang naging malupit sa mga anak mo," mangiyak-ngiyak naman na sabi ng kanyang ina. "Hindi ko na kayang manahimik na lang. Give Monina the freedom to be with the man she loves."
Bumuga ng hangin ang kanyang ama. "Fine. Bahala na kayo. Pero oras na magsisi ka sa desisyong ginawa mo, Monina, 'wag na 'wag kang babalik sa 'kin."
Ngumiti si Monina. "Yes, Dad."
Walang nakita si Moana na bahid ng pagsisisi sa mga mata ng kanyang kapatid. Monina gave up everything for the man she loved, and she was proud of her sister's courage.
***
Luna Ville, Enriquez Residence
NATAUHAN lang si Moana mula sa pagbabalik-tanaw nang maramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso ni Sley sa kanyang baywang. "Sley."
"Ano'ng iniisip mo?" tanong nito sa halatang pagod na boses.
"Naalala ko lang si Monina. Sana kahit itinakwil siya ni Daddy ay maging masaya pa rin sila ni Bojo."
Ipinatong ni Sley ang baba sa kanyang balikat. "Of course they will be happy. As for your dad, mawawala rin ang galit niya."
Pumihit si Moana paharap kay Sley. Naawa siya nang makita ang pagkahapo sa mukha ng lalaki. "You look tired. Sorry. Dahil sa daddy ko, nahihirapan ka nang ganyan."
Naalala niya ang araw na hingin ni Sley ang kamay niya sa kanyang ama...
"You want to marry my daughter after you betrayed me?!"
Napapiksi si Moana sa lakas ng boses ng kanyang ama. Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Sley sa kanyang kamay na para bang sinasabi nitong wala siyang dapat ikatakot. Dahil doon, kumalma siya at nadagdagan ang lakas ng loob na harapin ang galit ng kanyang ama.
"Sir, tinulungan ko si Monina dahil alam kong 'yon din ang gustong gawin ni Moana. And I don't regret doing it."
"Ano?!"
Tumikhim si Sley. "Mahal ko po si Moana, kaya sana ay payagan n'yo na kaming magpakasal," matatag na sabi ng lalaki.
Hinilot ng kanyang ama ang sentido. "You disappoint me, Slater. Gusto sana kita noon, dahil kahit doktor ka at walang kinalaman sa negosyo, nagmula ka naman sa mayamang pamilya, at dahil kinikilala ko ang kasunduan ng ama ko sa lolo mo na pag-isahin ang pamilya natin balang-araw. Pero kinalaban mo 'ko."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romance"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...