25th Chapter: Awkward Dinner Date

3.6K 146 3
                                    

THE DINNER was awkward for Moana. Ni hindi niya magawang mag-angat ng tingin kay Sley na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Monina. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang magkatabi ang dalawa. Hindi niya maiwasang isipin na siya dapat ang nasa puwesto ng kanyang kapatid.

"I'm glad you made it here, hijo," tuwang-tuwang sabi ng kanyang ama. "By the way, this is Monina's twin sister, Moana."

Nagbilang nang tatlo sa isip si Moana bago nag-angat ng tingin kay Sley. Nang magtama ang kanilang mga mata, wala siyang nakitang emosyon sa guwapo nitong mukha. There were no recognition and warmth in his eyes, unlike in the past. It seemed he was staring back at a stranger. Well, ngayon lang naman niya nakilala si "Moana" kaya talagang stranger ka sa kanya. Pilit siyang ngumiti kahit ang totoo ay gusto niyang maiyak. "Hi, Sle—Slater."

Being the nice guy that Sley was, he smiled back at her. "Hello," matipid nitong sagot.

"And that is Kaito, Moana's fiancé," pagpapakilala ng kanyang ama kay Kaito.

Nagbatian din sina Kaito at Sley samantalang kunot-noong napatingin naman si Moana sa kanyang ama. Bakit naman ipinakilala ng kanyang ama si Kaito bilang fiancé niya gayong alam naman nitong hindi pa sila nagkakabalikan? Napayuko na lang siya sa kanyang pagkain. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, naramdaman niya ang pangongontrol ng kanyang ama. Ngayon ay alam na rin niya ang pakiramdam ni Monina nang piliting ipakasal sa lalaking hindi naman nito mahal.

"Hon, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kaito sa kanya.

Tiningnan ni Moana si Kaito, saka binigyan ng tipid na ngiti. "I-I'm fine..."

Parang diskumpiyado pa rin si Kaito. Masuyong pinunasan ng lalaki ang butil ng pawis sa kanyang noo gamit ang daliri. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Hinawakan naman nito ang kanyang kamay. "If you've not feeling well, I'll drive—" Hindi na naituloy ni Kaito ang sinasabi nang may kung anong ingay na bumasag sa katahimikan nilang lahat habang kumakain.

Dumako ang tingin ng lahat kay Sley. Ito kasi ang padarag na tumusok sa karne ng steak na kinakain gamit ang steak knife.

"What's wrong, Sley?" nagtatakang tanong ni Monina.

Ngumiti lang si Sley na parang hindi kamuntikang mabasag ang plato nang "saksakin" nito ang inosenteng steak. "Nothing. Pasensiya na. Matigas lang kasi ang karne ng steak ko."

"Oh, really? But mine is tender," Monina commented casually. "I must say Violet Cloud is one of the best restaurants in the country when it comes to steaks."

"My friend would be glad to hear that."

"Ah, yes. Kaibigan mo nga pala si Alaude Voux Sarmiento. Wait, may sauce ka sa gilid ng lips mo." Pinunasan ni Monina ang gilid ng mga labi ni Sley gamit ang tissue napkin.

Nag-iwas ng tingin si Moana. Kahit alam niyang umaarte lang si Monina, nasasaktan pa rin siyang makitang may ibang babaeng umaasikaso kay Sley. Kahit kapatid pa niya iyon.

"Bagay sila, hindi ba, honey?" tanong ng kanyang ama sa kanyang ina.

"Oo naman."

Nauwi kina Monina at Sley ang usapan ng lahat, nakalimutan na ang kakaibang inakto ni Sley kanina.

Hindi kinaya ni Moana ang eksena. She excused herself when everyone was engrossed in the topic.

Pagdating niya sa comfort room ay humarap siya sa malaking salamin. Tinapik-tapik niya ang magkabilang pisngi. "'Wag kang iiyak. 'Wag kang iiyak, Moana. Kaya mo 'yan." Pero may nakatakas pa ring mga luha mula sa kanyang mga mata nang maalala niya ang sweet moment nina Monina at Sley kanina. Hindi tuloy niya maiwasang kuwestiyunin ang sarili kung tama pa bang isakripisyo niya ang sariling kaligayahan para sa kapatid. Pero hindi rin naman niya kayang pagtaksilan si Monina.

Tiyak na magagalit din sa kanya si Sley kapag nalaman nito ang panloloko nila, at iisipin ni Sley na ang lahat ng pinagsamahan nila sa Luna Ville ay isa lang malaking kalokohan.

Iyon ang kinatatakutan niyang mangyari. Ayaw niyang magalit si Sley, at ayaw niyang isipin nitong pagkukunwari lang ang lahat ng pinagsamahan nila. Mas gugustuhin niyang isipin ni Sley na ang nakasama at minahal nito sa Luna Ville ay ang totoong Monina upang hindi na ito masaktan.

Inayos muna niya ang sarili bago siya lumabas ng comfort room. Napasinghap siya nang malakas nang paglabas ay nakita niyang nakasandal sa pader si Sley at nakahalukipkip na animo may hinihintay.

"S-Sley... ter..." Hindi niya puwedeng tawaging "Sley" ang lalaki dahil si "Monina" ang nakakaalam ng nickname nito at hindi si "Moana."

"Hi," pormal na bati ni Sley. "Moana."

Parang lumukso ang kanyang puso nang sa wakas ay marinig na niyang tinawag siya ni Sley sa kanyang tunay na pangalan. Pero hindi niya magawang maging lubusang masaya dahil hindi naman alam ni Sley na siya ang nakasama nito sa Luna Ville at hindi ang kakambal niya. "A-ano'ng ginagawa mo rito, Slater?"

He pushed himself off the wall and walked towards her. "Gusto ko lang makasiguro na maayos na ang pakiramdam mo." Tumayo ito sa harap niya at walang sere-seremonyang sinalat ang kanyang noo. "Wala ka namang lagnat."

Muntik nang mapaiyak si Moana. The sparks brought by his touch were still there. Dumaloy ang init na hatid ng palad ni Sley sa buo niyang katawan na nagpakalma sa kanyang buong sistema.

Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang likod ng kamay. "Ah, your color is back to normal. Napansin ko kasing namumutla ka kanina."

Tumibok nang mabilis ang kanyang puso. Pakiramdam niya, tatalon na iyon palabas ng kanyang dibdib anumang oras. Kung ganoon, kanina pa siya pinagmamasdan ni Sley kung napansin nito ang pagbabago ng kulay ng kanyang mukha! "P-pero bakit? Bakit mo 'to ginagawa?"

May kumislap na emosyon sa mga mata ni Sley pero agad ding nawala. "Bakit?" Bumaba ang kamay nito hanggang sa kanyang leeg. Tiny jolts of electricity crept all throughout her body when he rested his hand on her neck, and gently brushed his thumb against her cheek. Then, he withdrew his hand. "I'm a doctor, kaya normal lang sa 'kin ang mag-alala sa mga may sakit—kahit hayop man 'yon o tao. Lalo na at kakambal ka ng pinakamamahal kong si Monina." Then, he started to walk away.

Nalaglag ang puso ni Moana sa mga sinabi ni Sley. Because of his gentle ministration and sweet gestures, her heart hoped that somehow, he would recognize her as the woman he fell in love with. Pero mukhang hindi siya nakilala ng puso ni Sley dahil ang tingin lang ng lalaki sa kanya ay ang kakambal ng "pinakamamahal" nitong si Monina.

Ang sakit naman, o.

Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon