MOANA had a weird nightmare. Nang kakainin na raw niya ang isang buong roasted chicken, bigla iyong nabuhay at siya naman ang tinangkang kainin.
"Nooooo!" Napabalikwas siya, tumaas-baba ang dibdib sa hingal. "Grabe, ang sama ng chicken na 'yon!" As soon as she mentioned the word "chicken," her stomach growled loudly. Humiga uli siya sa malambot at malaking kama at nagpagulong-gulong. "Nagugutom na ako—ang bango naman ng unan na 'to."
Natigilan siya sa paggulong-gulong. Hindi ganoon ang amoy ng kanyang unan. Napabalikwas siya at inilibot ang tingin sa paligid. She was not in her room!
Magpa-panic na sana siya nang isa-isang bumalik sa kanya ang lahat kung paano siya napunta roon.
I'm in Sley's house.
Paglabas ng silid ay nalanghap agad ni Moana ang amoy ng chicken na ipiniprito pa lang. Idagdag pa ang tunog ng mantikang kumukulo at ang pagsigaw-sigaw ni Sley. Sinundan lang niya ang ingay at nakarating siya sa kusina.
Pinigilan niyang matawa sa nadatnang hitsura ni Sley na iwas na iwas sa kalan habang tumiparangmsik ang mantika mula sa kawali. Hirap na hirap na ang lalaki sa pagpiprito.
"Good morning, Sley!" masiglang bati niya.
Nilingon siya ng lalaki. And despite his situation, he still managed to give her a smile. "Good morning, too, Monina."
Sanay na si Moana na matawag sa pangalan ng kakambal dahil sa madalas nilang pagpapalit. Pero hindi niya alam kung bakit kapag si Sley ang tatawag sa kanya ng "Monina," nadidismaya siya.
"Damn!" reklamo ni Sley nang marahil ay matalsikan ng mantika sa mukha, kinamot kasi ang pisngi.
Naawa siya sa kalagayan ng lalaki kaya nilapitan niya at inagaw ang siyansí. "Ako na."
"Are you sure? Monina, frying is dangerous!"
Natawa si Moana sa reaksiyon ni Sley. "Kaya ko na 'to." Nagpalinga-linga siya. "Nakapagluto ka na pala ng fried rice. Ayusin mo na lang 'yong table."
"All right."
Tahimik sila habang may kanya-kanyang ginagawa sa kusina. Pigil na pigil niyang magmura tuwing natatalsikan siya ng mantika sa braso. Ayaw niyang mag-alala si Sley. Nasa nature na kasi yata ng lalaki na mag-alala sa sangkatauhan.
Nakapaghain na sa mesa si Sley nang matapos siyang magprito. Sabay na rin silang kumain.
Tumikhim si Moana. "Sley, salamat sa breakfast. Lalo na sa fried chicken." Ngumiti ang lalaki pero napansin niyang parang may malalim itong iniisip. "Sley?"
"Bakit nagpupumilit kang tumira sa bahay ko, Monina?" seryoso pero parang nahihiyang tanong nito. "Are you conducting a trial and error experiment? Na kapag hindi tayo nagkasundo, iuurong mo ang kasal?"
Kinabahan siya. Malapit sa katotohanan ang nahihinuha ni Sley. Masyado yata siyang naging halata sa kanyang plano. Mabilis siyang nag-isip ng palusot at isa lang ang nag-click na ideya sa kanyang isip. Hinawakan niya ang kamay nito. "I like you, Sley. As in, I really, really like you. At gusto kong magustuhan mo rin ako para kapag ikinasal na tayo, mahal na natin ang isa't isa."
He just smiled awkwardly before he gently pulled his hand away. "Monina, you don't have to worry. Magiging mabuting asawa ako sa 'yo."
Nakaramdam si Moana ng pagpiga sa puso habang nakatingin siya sa walang-buhay na mga mata ni Sley. Hindi rin niya nagustuhan ang sinabi nitong magiging mabuti itong asawa sa kanya. Right then and there, she realized one important thing. "You're cold, Sley," komento niya.
Kumunot ang noo ng lalaki. "What?"
Nagkibit-balikat siya habang inililigpit ang pinagkainan. "Siguro nga, gentlemanly ka at mabait. Pero nakakasakit ka ng damdamin dahil kahit kabutihan ang ibinibigay mo sa isang tao, wala naman 'yong kalakip na pagmamahal. Para ka lang robot na naka-program tumulong." Tumayo siya at nagtungo sa lababo para maghugas.
Sa isip-isip, sinasabunutan na niya ang sarili. Shucks! That was so poetic, Moana!
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Storie d'amore"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...