"HELLO, Monina!"
Marahas na nilingon ni Sley ang pinanggalingan ng boses. Nakita niyang niyakap ni Melvin si Monina bilang pagbati. Normal lang naman iyon dahil niyakap din ng ugok na iyon sina Melou, Umi, at siyempre, si Genna.Pero hindi niya matanggap na niyakap ni Melvin si Monina. His hand was itching to whack that happy-go-lucky jerk on the head. Lalo na nang makita niyang nakangiti si Monina habang nakikipag-usap kay Melvin.
Naiinggit siya.
Pagkatapos kasi niyang sigawan si Monina kanina, hindi na uli siya pinansin ng babae habang papunta sila sa parke ng Luna Ville kung saan gaganapin ang "Search For The Mystical Blue Cat" contest nila.
Inaamin naman niyang kasalanan niya. Tinangka niyang humingi ng tawad, pero pagdating kay Monina, natataranta siya hanggang sa mawalan siya ng lakas ng loob na magsalita.
"Sley, baka gusto mong makinig?"
Saka lang natauhan si Sley. Tiningnan niya si Charly na nakasimangot sa harap niya. He smiled apologetically. "Sorry. Ano nga pala uli 'yong sinasabi mo?"
Ipinakita ni Charly ang pulang stick. "Tayo ang magka-partner sa paghahanap sa mystical blue cat."
Napatingin si Sley sa hawak niyang stick. Pula rin iyon. "Hindi ko namalayang tapos na palang magbunutan."
"Oo. Titig na titig ka kasi kay Monina."
Napangiti at napakamot na lang sa batok si Sley. He couldn't deny that.
"Attention, everyone!" pagtawag ni Primo sa kanilang atensiyon. "Babanggitin ko ang lahat ng grupo. Orange team is me and my sister Umi. Sa yellow team naman, sina Alaude at Genna. Sa green team, ang kambal na Stein at Melou. Sa red team naman, sina Sley at Charly. And for the blue team, sina Melvin at Monina."
"What?" biglang bulalas ni Sley nang marinig ang huling pares. Napalingon sa kanya ang lahat—maliban kay Monina na inirapan lang siya.
"Better luck next time, dude!" nakangising sigaw ni Melvin.
Tinapunan lang ni Sley si Melvin ng masamang tingin. Binatukan naman ni Genna si Melvin para sa kanya.
Tumikhim si Primo. "Quiet, children. Anyway, the pairing is final. Don't forget our goal, people. We have to find that mystical blue cat. As your lord, if I happen to touch its tail, I will wish for endless happiness for everyone here in our beloved Luna Ville."
Lahat sila ay pumalakpak at humiyaw dahil sa sinabi ni Primo. Bilang the sole owner ng Luna Ville, masasabi ni Sley na mabuti talaga itong pinuno.
Tumingin sa relong-pambisig si Primo. "It's exactly eleven in the evening. Pagkatapos ng tatlong oras, babalik tayo rito sa park. Everything we need for our night barbecue party will have been prepared by my people by then."
Natawa silang lahat. So, in the end, barbecue party pa rin ang bonding time nila. Sa mga nakaraang buwan kasi ay naging abala ang lahat sa kani-kanilang trabaho, kaya ngayon ay pinilit talaga nilang maglaan ng oras para mag-relax at magkasama-sama.
"Good luck, everyone!" sigaw ni Primo na tanda ng pagsisimula sa paghahanap sa mystical blue cat.
Nagsimula na rin silang maghiwa-hiwalay. Nabali naman ang leeg ni Sley kalilingon kina Melvin at Monina. Nagtungo ang dalawa sa direksiyon ng Luna Ville's Mini-Forest. Man-made forest lang iyon na ipinagawa ni Primo para sa pagpi-picnic nila noong mga bata pa sila. Walang mababangis na hayop at regular din ang maintenance ng lugar kaya siguradong safe.
"Sley, nag-away ba kayo ni Monina?" biglang tanong ni Charly.
Napakamot na lang siya sa kilay. "Medyo."
"Hindi naman sa nangingialam ako pero, gano'n na nga. Mangingialam na 'ko. Ano'ng pinag-awayan n'yo? Baka makatulong ako."
Nag-isip si Sley. Hindi siya mahilig magbahagi ng problema sa ibang tao. Pero dahil si Charly ang kausap niya, alam niyang wala siyang maitatago sa babae. Ganoon ito ka-observant. "Nakita kong gamit ni Monina ang butterfly clip na iniregalo ko kay Alyssa noon."
"I knew it had something to do with Alyssa," komento ni Charly na halatang hindi na nagulat.
"Napagtaasan ko siya ng boses nang makita ko 'yon," pagpapatuloy niya. "Nataranta ako, because I suddenly saw Alyssa's image in her. I suddenly felt afraid that she would abandon me like Alyssa did."
Natigilan si Charly sa paglalakad. "Sley... ano na ba si Monina sa 'yo?"
Bumuga siya ng hangin at marahas na ginulo ang kanyang buhok. "Nalilito ako, Charly. I had no fucking idea that I've become this attached to her until I felt the fear of losing her. Hindi ko alam kung nasanay lang ba ako sa presensiya niya o may mas malalim pang dahilan. Pero ang alam ko, bumalik ang takot na maiwan muli. Nangyari na ang kinakatakutan ko. I've grown so used to her presence and I'm damn afraid because of it."
Noong araw pa lang na dalhin ni Primo sa Kahit Saan ang walang-malay na si Monina, may naramdaman na siyang kakaiba na hindi naman niya naramdaman nang ipakilala sa kanya noon si Monina ng mga magulang niya. From that moment, he could not take his eyes off her. Yes, dammit! He was attracted to her and he was damn afraid of his growing affection for her!
"And it's crazy since it has only been a week since she stormed into my life," naiiling na sabi niya.
Matagal bago sumagot si Charly. "Nourish that feeling, Sley. Nourish it hanggang masiguro mo kung patungo na ba 'yan sa pagmamahal, o talagang natutuwa ka lang sa kanya. Answer your questions one at a time, Sley. Don't be afraid to take a step away from your past. Tandaan mo, iba ang nakaraan sa kasalukuyan."
Natahimik siya habang pinag-iisipan ang mga sinabi ni Charly. Nataranta lang naman siya dahil pagkatapos kay Alyssa, ngayon lang uli siya nakaramdam ng pagkagusto sa isang babaeng kakikilala pa lang niya. Pero tama si Charly. He should not be afraid of it; he should nourish it. In that way, he could finally say good-bye to his traumatic past.
Huminga siya nang malalim. "Thank you, Charly, really."
"You're welcome. Side line talaga ng mga romance novelist ang maging love doctor," biro ng babae.
Natawa siya nang marahan. "Nasabi ko na ba sa 'yong mahal kita?"
"Puwede bang i-convert mo na lang sa cash ang pagmamahal na 'yan?"
Nagkatawanan na lang sila. Sley felt so light. Nabawasan ang kanyang mga alalahanin at alam na niya ang gagawin.
"Yo!" bati ni Melvin, saka sila nilagpasan.
Melvin?!
Hinila ni Sley sa kuwelyo si Melvin bago pa ito tuluyang makalayo, na ikinareklamo naman ni Melvin. "Hoy, lalaki. May kasalanan ka sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romansa"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...