18th Chapter: Sacrifice

3.4K 141 3
                                    

MOANA noticed she had been using dark colors ever since she started to work on her painting. She only painted what was in her heart, and she realized she was really affected by Sley's silence. Hindi siya nakontento sa kinalabasan ng painting. The colors were dark, and the image she could see was dull.

Maaga siyang nagising kanina. Naligo lang siya, pagkatapos ay nagkampo na sa isa pang guest room ni Sley na ginawa niyang pansamantalang studio para sa pagpipinta. Hindi siya kinatok ni Sley kanina para mag-agahan katulad ng madalas nitong gawin noon.

Sigurado siyang masama ang loob sa kanya ni Sley dahil sa ginawa niyang panggugulo sa bahay at hindi man lang paghingi ng paumanhin. Lumabas nga namang napakakapal ng mukha niya dahil siya na nga ang nakikitira, nagdulot pa siya ng perwisyo sa buhay.

You've finally got what you wanted, Moana. Hintayin mo na lang na palayasin ka niya. Congratulations.

Nagtagumpay man siya sa misyon para sa kanyang kakambal, wala pa rin siyang makapang saya sa puso. She knew she was happy for her sister, but she could not feel it in her heart at the moment. Mas nangingibabaw kasi ang kalungkutan dahil alam niyang galit sa kanya si Sley.

Lumabas na siya ng kuwarto. Ang totoo, nagtatago lang naman siya roon dahil umiiwas siyang mapalayas ni Sley. Pero ngayon, handa na siyang umalis para matigil na ang maling daang tinatahak ng kanyang puso.

"Good morning, Monina," matabang na bati ni Sley na kasalukuyang naglilinis ng sala gamit ang vacuum cleaner.

Sa palagay ni Moana ay kanina pa naglilinis si Sley dahil basa na ng pawis ang likod. Humapit na nga sa katawan ang suot nitong puting T-shirt, emphasizing his broad shoulders and strong-looking back. Kaya kahit gawaing-pambahay ang ginagawa ng lalaki ay ang manly pa rin nitong tingnan.

Napansin din niyang bumalik na sa malinis na estado ang bahay. Mabango na uli. Malayong-malayo sa kalagayan niyon kagabi. He did a good job of cleaning the house all by himself.

Ni hindi mo man lang siya tinulungang maglinis, pangongonsiyensiya ng isang bahagi ng isip ni Moana. Tumikhim siya. "Good morning, too."

"Kung nagugutom ka, nakapagluto na ako ng almusal," walang emosyong sabi ni Sley, ni hindi nga siya tinatapunan ng tingin.

Hinintay niyang may sabihin pa si Sley pero nagpatuloy lang ito sa pagba-vacuum. Na-frustrate siya sa pananahimik ng lalaki. "Sley, hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa ginawa ko sa bahay mo?"

Tumigil ito sa ginagawa. He turned to her. She realized he was angry when he squinted at her. "Sasagot ka ba nang maayos? Monina, what have I done for you to do this to me?"

Natahimik si Moana. Kahit gusto niya, hindi niya puwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit niya ito ginugulo. Masisira ang plano nilang magkapatid.

Sley let out a frustrated sigh. "See? Monina, I can tolerate your childish pranks, but the stunt you pulled last night went way overboard. Alam mo namang kahit mag-isa lang ako dito sa bahay, I always make sure it's clean. You didn't even offer an apology for what you did."

"Pinapaalis mo na ba ako dito sa bahay mo?" deretsahang tanong ni Moana. Habang pahaba kasi nang pahaba ang panenermon ni Sley, parami rin nang parami ang matutulis na bagay na tumutusok sa kanyang puso. She wanted to put an end to it.

Halatang nagulat si Sley sa kanyang tanong, tumalikod at saka ipinagpatuloy ang paglilinis. "Hindi kita pinapaalis, Monina. Pero sana, maintindihan mong may hangganan din ang pasensiya ko. You just can't do whatever you want."

Nanakit ang lalamunan ni Moana sa pagpipigil umiyak. So, this was really good-bye. Nagtagumpay na nga talaga sila ni Monina sa plano. "I understand. Aalis na ako. Itatapon ko lang muna 'yong garbage bag sa labas." Hindi na niya hinintay ang tugon ni Sley. Kinuha niya ang itim na garbage bag malapit sa pinto at dumeretso sa labas para itapon ang bag sa trash can sa tabi ng gate.

Naiinis siya sa sarili dahil wala siyang magawa para baguhin ang masamang impresyon sa kanya ni Sley. Gusto niyang ipakita sa lalaki na hindi siya ganoong klase ng babae. Pero hindi naman niya puwedeng isakripisyo ang kapakanan ng kanyang kakambal. She did not want to be selfish. Especially if it still was not clear to her why she wanted to impress Sley.

Pabalik na sana sa loob ng bahay si Moana nang may marinig siyang sigawan. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng ingay, nakita niyang masasagasaan ng humaharurot na kotse si Botchog—ang matabang puting pusa ni Sley!

Bago pa maiproseso ng utak niya ang nangyayari, nauna nang kumilos ang kanyang katawan. Mabilis siyang tumakbo sa gitna ng kalsada at maingat na niyakap ang pusa habang nagpagulong-gulong siya papunta sa kabilang panig ng kalsada. Kasabay niyon ang malakas na pagtawag sa kanya ng kung sino.

Aray ko po...

Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon