20th Chapter: Blast from the Past

3.6K 146 1
                                    

KopeeBook, third floor

SLEY could not believe that after five years, he was now face-to-face with Alyssa again. Charly let them use KopeeBook's third floor dahil alam nitong importante ang pag-uusapan nila ni Alyssa. Maingat niyang inilapag ang tasa sa mesa. "Kumusta ka na, Alyssa?"

Humugot ng malalim na hininga si Alyssa, saka ngumiti. Her tense shoulders relaxed. "Mabuti naman." Itinaas nito ang kanang kamay. "Promise."

Natawa siya nang marahan. Alyssa was seven years older than he was, but because of her cheerfulness, she looked younger than her real age. Noon pa man ay maganda na talaga si Alyssa. Pero ngayon, mas maaliwalas na ang mukha. "I can see that," he said gently.

Biglang namuo ang luha sa mga mata ni Alyssa, pero yumuko ito upang marahil itago ang luha. "I'm sorry, Sley. Alam kong nasaktan kita nang iwan ka. Pero gusto kong malaman mo na ginawa ko 'yon dahil alam kong 'yon ang mas makabubuti sa 'yo. I... I was pregnant with my husband's son then. You were young then, and you deserved someone better."

Hindi naramdaman ni Sley ang kirot sa kanyang puso na inaasahan niya sa pagbubukas ni Alyssa sa kanilang nakaraan. Ngayon lang niya nalaman ang totoong dahilan kung bakit iniwan siya nito. Nagulat siya, pero wala na ang sakit.

When he met Alyssa, she was already married. He was twenty-three and she was thirty then. She was a vet, too, at ito ang naging mentor niya noong nagsisimula pa lang siya sa propesyon kaya naging malapit sila. She was a battered wife. Hindi siya nakatiis nang minsang mahuli niya sa aktong binubugbog si Alyssa ng asawa sa mismong animal clinic nito.

Kinupkop niya si Alyssa sa kanyang bahay at inilayo sa asawa. Sa ilang buwang pag-aalaga niya kay Alyssa, may namuong pag-iibigan sa pagitan nila. Tinulungan niya itong mag-file ng annulment laban sa asawa.

Nang malaman iyon ng kanyang pamilya, tumutol ang mga magulang at lolo niya. They said they would not let him marry a much older and formerly married woman. He stood up to his parents for Alyssa, at sinagot pa niya ang kanyang lolo. Dahil doon, inatake sa puso ang kanyang lolo na ikinamatay nito. Hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang guilt sa kanyang puso kaya nga pumayag siya sa huling kahilingan ng kanyang lolo na maikasal siya sa anak ng pamilya Solesar.

During those times when he needed Alyssa, she left him.

"How's your son?" tanong ni Sley sa mahinahong boses. "Kumusta na kayo ngayon?"

Gumuhit ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Alyssa habang nagkukuwento tungkol sa anak. "His name is Alexander, he's four years old now. Nasa nursery na siya ngayon. We're doing good, Sley. I'm proud to be a single mother. Nagtayo ako ng maliit na canteen malapit sa school ng anak ko para naman nababantayan ko siya."

His heart was enveloped by warmth. Masaya siyang makitang maayos na ang buhay ng babaeng minsan niyang minahal. "That's good. Alyssa, kung kailangan mo ng tulong, 'wag kang mahihiyang lumapit sa 'kin."

Biglang tumulo ang mga luha ni Alyssa. "Nakakainis talaga ang pagiging mabait mo, Sley. S-sana mapatawad mo ako sa ginawa kong pang-iiwan," paghingi nito ng tawad sa pagitan ng paghikbi.

Wala na siyang maramdamang galit, sakit, o kalungkutan. "Alyssa, napatawad na kita."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Alyssa. "Sley..."

Ngumiti siya at kinuha ang kamay nito. "Aaminin ko. Nasaktan ako nang husto nang iwan mo ako. I was broken. You were my first love, Alyssa, and you left me just like that. Sa limang taong lumipas, 'akala ko, hindi ko na magagawang magmahal uli katulad ng pagmamahal ko sa 'yo. Para sa 'kin, kung hindi ikaw, pare-pareho lang ang lahat ng babae. Na walang papalit sa 'yo sa puso ko. Masyado akong nakulong sa alaala mo. But now..." He paused to find the right words to say.

"But now, you realized you were wrong," pagpapatuloy ni Alyssa sa nais sana niyang sabihin. "Dahil nahanap mo na ang tamang babae para sa 'yo."

Nagulat si Sley sa sinabi nito. Sa ngayon, naguguluhan pa siya sa kanyang damdamin. Kaya paano nito nalaman ang pinoproblema ng kanyang puso?

She chuckled. "Iniisip mo siguro kung pa'no ko nalaman, 'no? Simple. I can see it in your eyes." Ipinatong nito ang kamay sa kanyang kamay. "Tell me more about her—the woman you were about to violate earlier," halatang nagbibirong sabi nito.

Natawa siya nang marahan. "You bully. I wasn't about to violate Monina."

Binitawan na ni Alyssa ang kamay niya, saka ikinulong ang tasa ng kape sa pagitan ng mga palad. "Oh, so her name's Monina, huh? Beautiful."

May kakaibang mainit na bagay ang bumalot sa puso ni Sley. Monina's angelic face, bubbly laughter and bright smile filled his senses. "Yes, she's really beautiful. If she was a headache, I wouldn't drink any medicine so I couldn't get rid of her. Kayang-kaya niya akong galitin, pero kayang-kaya rin niya akong pakalmahin. Siguro nga, madalas ay gumagawa siya ng mga nakakainis na bagay, pero mas kakayanin kong tiisin lahat ng kalokohan niya, kaysa naman mawala siya sa tabi ko."

Matagal bago sumagot si Alyssa. "You're in love with her."

Natahimik si Sley. Alam niyang espesyal si Monina sa kanya, pero hindi pa siya sigurado kung umabot na ba iyon sa pagmamahal. Katulad nga ng sinabi niya kanina, pagkatapos ni Alyssa ay hindi na niya inisip na magagawa pa niya itong palitan sa kanyang puso. Natatakot siyang baka ginagawa lang niyang pampuno si Monina sa naiwang puwang ni Alyssa dahil pagkatapos ng mahabang panahon ay ngayon lang uli siya nagkaroon ng interes sa isang babae. He was afraid that he might end up hurting Monina.

"Sley, let me tell you one thing." Alyssa smiled, though the smile did not reach her eyes. "Noon pa man, alam kong hindi rin magtatagal ang relasyon natin. You never really loved me."

"Minahal kita, Alyssa. If I didn't love you, bakit nasaktan ako nang husto sa pagkawala mo?"

Umiling ito nang marahan. "Marahil nga minahal mo ako, Sley. Pero tuwing tumitingin ako sa mga mata mo, mas matimbang ang awa na nakikita ko kaysa pagmamahal. Bilang isang mabuting kaibigan, hindi mo lang matiis na makita akong sinasaktan, kaya gano'n na lang ang kagustuhan mong protektahan ako. Naipagkamali mo sa pagmamahal ang awang nararamdaman mo. You might have been hurt when I left you, but it was probably out of guilt. Masyado kang natali sa pangako mong hindi mo ako pababayaan. Kaya nang umalis ako, mabigat ang kalooban mo dahil hindi mo na matutupad ang pangakong iyon."

Hindi nakapagsalita si Sley dahil totoo ang mga sinabi ni Alyssa. He felt really guilty for being unable to fulfill his promise to her. The realization started to hit him. Marahil, naramdaman din ni Alyssa ang pag-aalinlangan niya sa ipinaglalaban nilang pag-ibig kaya siguro siya nito pinakawalan.

All these years, he made himself believe she was the one who left him when in reality, it was the other way around.

Yumuko siya at pinisil ang pagitan ng kanyang mga mata. "I'm sorry, Alyssa. Naduwag ako noon kaya hindi kita naipaglaban. Sa limang taong lumipas, hindi ka nawala sa isip ko. Because I was guilty. Pakiramdam ko, ako ang sumira sa buhay mo dahil inilayo nga kita sa asawa mo, pero hindi naman kita naalagaan gaya ng ipinangako ko. I was young, stupid, and irresponsible. I'm really sorry."

Narinig niya itong humikbi uli. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Sley. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil iniligtas mo ako sa dati kong asawa. Sobra-sobra na ang tulong na iyon para maayos ko ang buhay ko." She cupped his face and brushed away his tears with her fingers. "Magpatawaran na tayo, Sley. I'm happy with my life now. And you should be, too."

He smiled. "Thank you."

Ngumiti lang din si Alyssa. "And Sley, you never looked at me the way you look at Monina. Your eyes are filled with so much love and love alone."

May malakas na bagay na bumunggo sa kanyang dibdib. Suko na siya. Mukhang hindi na niya kayang ipagkaila ang kanyang damdamin para kay Monina.

Yes, I love her.

Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon