"FINALLY, Monina! Tinawagan mo rin ako!" magkahalong tuwa at asar na bulalas ni Moana sa kanyang kakambal na nasa kabilang linya. Mag-isa lang siya sa bahay kaya okay lang kung magsisigaw siya. "Kumusta ka na? What happened to you? Nasa'n kayo ni Bojo?"
"Relax, sis. I'm okay. Nandito na kami sa Palawan ni Bojo, with his family. Hindi kami nakalabas ng Pilipinas at hindi pa rin kami nakakapagpakasal dahil sa dami ng requirements na hinihingi. Ikaw? How are you and Slater?"
Pasalampak siyang umupo sa sofa. Hindi niya masabi sa kapatid na hindi pa nagbubunga ang kanyang mga paghihirap dahil ayaw niya itong mag-alala. "G-ginagawa ko ang makakaya ko rito."
She heard her sister sigh in frustration. "Hangga't hindi mismo si Slater ang umuurong sa kasal, ipagpipilitan ni Daddy ang lalaking 'yon sa 'kin."
Tumango-tango si Moana. Naiintindihan din naman niya ang kanilang ama kung bakit gustong-gusto nito si Sley para kay Monina. Aside from Sley being handsome, he was intelligent, rich, and very successful at such a young age. "Mon, just hang on, okay?"
"I will, Moa. No matter how hard it is, hindi ako susuko."
Nahimigan ni Moana ang kalungkutan sa boses ng kakambal. Pakiramdam niya, may pumiga sa kanyang puso. "Mon, may problema ba?"
"Wala naman, sis. It's just that... ang hirap pala ng ganitong buhay. I miss you, I miss Mom. I even miss Dad. Terribly."
Nanubig ang sulok ng mga mata niya. She realized how much she missed her sister. Nasasaktan din siya dahil magkalayo sila kung kailan alam niyang mayroon itong pinagdaraanan. Alam niyang nahihirapan na si Monina sa sitwasyon, malayo sa pamilya at mga kaibigan.
Idagdag pa na alam niyang hindi sanay sa hirap si Monina. Kung noon nga, hindi makatagal sa kanilang probinsiya ang kanyang kakambal kahit mansiyon naman ang tinitirhan nila roon, paano pa kaya ngayong payak lang ang pamumuhay nito sa piling ng boyfriend?
Gayumpaman, nararamdaman din niya ang pagiging determinado ni Monina na ipaglaban ang lalaking minamahal. That made her feel proud of her sister. She was moved by her twin's determination and hard work.
"Mon, I promise to do my best to support you. Alam mo naman kung ga'no kita kamahal, 'di ba?" Inilapat ni Moana ang kamay sa dibdib, sa bandang puso. "Nararamdaman kong nahihirapan ka na. As your twin sister, I've got your back. Gusto kitang maging masaya."
Narinig niyang tuluyan nang napahikbi si Monina. "Moa! I love you, sis! I'm very grateful na hindi lang kita basta kapatid o kakambal, you're also my best friend. I really need you now, kaya nagpapasalamat ako sa tulong mo. 'Di bale, promise, kapag ikaw naman ang nangailangan ng tulong, I will be there for you."
Nagpaalam na si Moana sa kanyang kapatid. Mahal niya ang kakambal at gusto niya itong suportahan sa pakikibaka sa pag-ibig. Hindi niya makakalimutan kung ano ang nawala kay Monina noon dahil sa pagliligtas sa kanya.
Noong labindalawang taong gulang siya, naglaro siya sa tree house nila sa probinsiya sa kabila ng pagbabawal sa kanya ng mga magulang. Isinama pa niya si Monina. Bumigay ang sahig ng kubo at muntikan na siyang mahulog sa lupa kung hindi lang siya nahawakan ni Monina. Mataas ang punong iyon kaya siguradong malala ang pinsalang matatamo niya kung nahulog siya. Napuwersa ang kamay ni Monina dahil sa pagpipilit na hilahin siya para hindi siya mahulog. Nagtamo si Monina ng malalang injury, dahilan kung bakit hindi na ito nakapag-piano uli. Oo, pangarap ni Monina na maging piyanista noon pero hindi na iyon natupad dahil sa kanya.
Ang masakit pa, ni hindi man lang nagalit sa kanya si Monina. Ngumiti lang at sinabing mas mahalaga siya kaysa sa pagtugtog dahil kakambal siya nito. Pero gabi-gabi, naririnig niya itong umiiyak dahil sa pagkabigong maabot ang pangarap.
Mula noon ay nangako siya na gagawin ang lahat para makabawi sa pagmamahal na ibinigay sa kanya ni Monina bilang kapatid.
Napaka-selfish niya. Habang nahihirapan si Monina, heto siya at nalilibang sa pananatili sa bahay ni Sley. And it was wrong. Mas mahalaga pa rin si Monina kaysa kay Sley, gaano man tumutol ang kanyang puso.
May kung anong pumiga sa puso ni Moana, isipin pa lang na mula sa magandang pakikitungo ni Sley sa kanya ay bigla na lang itong magagalit sa kanya. Marahas niyang ipinilig ang kanyang ulo. Monina was depending on her, and she would not let her sister down.
Kailangan ko nang itodo ang pagpapagalit ko kay Sley.
With Moana's newly formed resolve, she started her mission. Ginulo niya ang buong bahay ni Sley. Inilabas ang lahat ng pagkain sa ref na puwedeng kainin. Binuksan ang mga stock na junk food, canned food, energy drink, et cetera. Ang junk food ay ikinalat niya sa buong bahay. Hindi rin siya naghugas ng mga pinggan at kawali at hindi rin nagluto ng hapunan.
Ginulo niya ang sofa at ikinalat ang mga throw pillow. She also invaded Sley's room. Hinila niya ang comforter at bed sheet. Pati ang mga picture frame doon ay itinaob niya.
Nang mapagod ay humiga siya sa sofa. Naiinis siya sa hitsura ng center table. Puno iyon ng mga ikinalat niyang pagkain. Ang dumi.
"I'm sorry, Sley..." pabulong na sabi niya.
Siguradong pagod at gutom si Sley pag-uwi. Pero ang madaratnan nito ay makalat na bahay at wala pang makakain. Siguradong madi-disappoint si Sley sa kanya.
"I'm sure he's hungry. Malakas pa naman siyang kumain..." she mumbled before she fell asleep. Naramdaman niya ang mainit na likido sa sulok ng kanyang mga mata. Sley's face was on her mind until everything went black.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romansa"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...