SLEY likes his woman to be independent and mature—so be clingy and act like an attention whore.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Moana nang makita ang sumunod sa Make-Sley-Hate-You List pagkatapos ng "Pretend to hate animals" kung saan sinabi niyang hindi siya mahilig sa mga hayop at "Be annoying" kung saan tinawagan niya si Sley nang sunod-sunod.
Madali lang ang dalawang nauna. Pero parang nahihirapan siya sa nakasaad sa listahan ngayon. Hindi naman kasi siya clingy, at lalong hindi dependent sa lalaki.
Pero para kay Monina, kakayanin ko 'to.
Humugot ng malalim na hininga si Moana, saka lumabas sa garden ng mansiyon. Naroon ang mga kaibigan ni Sley na sina Melou, Stein, Charly, at Melvin. Dala niya ang tray na may lang mga baso ng juice. Habang isine-serve ang mga inumin sa mga bisita ay napansin niyang si Melou ang bumabangka sa usapan. Napansin din niyang nakalingkis ang babae sa braso ni Sley. Pinigilan niya ang pagtaas ng kilay.
May namamagitan ba sa dalawang ito? Well, bagay naman sila.
Teka, teka. Bakit ba ako naiinis?
"Thank you," nakangiting sabi ni Sley pag-upo niya sa tabi nito, na ang tinutukoy ay ang pagsisilbi niya ng mga inumin.
"You're welcome," ani Moana, sabay yakap sa braso ni Sley. Inihilig din niya ang ulo sa balikat ng lalaki. Napansin niyang natahimik ang mga kaibigan ni Sley at napatingin sa kanila.
Tumikhim si Sley. "Okay ka lang, Monina?"
Tinakpan ni Moana ang bibig, saka eksaheradong naghikab. "Napagod yata ako, bebeh." Sinadya niya ang paggamit ng endearment. Parte ng pagiging clingy ang pagiging possessive. Ipinatong niya ang baba sa balikat ni Sley nang tingnan siya ng lalaki. "Puwede ba tayong mamasyal? Please?" She gave him her best puppy dog eyes.
Ngumiti nang alanganin si Sley. "Monina, we'll talk about that later, okay? May mga bisita pa tayo."
Moana pouted and rolled her eyes. Inihilig na lang uli niya ang ulo sa balikat ni Sley, para kunwari ay nagtatampo siya. Habang sa isip naman ay nagtititili na siya habang sinasabunutan ang sarili.
Yuck! Yuck! Yuck! Kadiri ka, Moana!
Natigilan lang siya sa ginagawang pag-salvage sa sarili sa isip nang maramdaman niyang inalis ni Sley ang kanyang braso sa braso nito, saka naman ipinulupot ni Sley ang braso sa kanyang mga balikat. Ngayon tuloy ay nakahilig na siya sa dibdib ni Sley, at nakapatong naman ang baba ng lalaki sa kanyang ulo. Habang ang kamay naman nito ay masuyong hinahaplos ang kanyang braso na para bang inaalo siya.
Nanigas siya. Awtomatikong nagwala ang kanyang puso dahil sa paggapang ng kakaibang sensasyon sa buo niyang katawan, mula sa simpleng pagkakadaiti ng palad ni Sley sa kanyang balat.
Eksaheradong tumikhim ang mga kasama nila.
Naramdaman ni Moana ang pag-iinit ng magkabilang pisngi dala ng pagkapahiya, pero nang tinangka niyang lumayo ay lalo lang hinigpitan ni Sley ang pagkakahawak sa kanya. Hindi na siya nanlaban dahil ramdam niyang kulang siya sa effort sa paglayo.
"So, as I was saying, ang sabi ni Lord Primo ay free daw siya this weekend," pagpapatuloy ni Melou. "Kaya naisip ko, why don't we do something fun? Like have a barbecue party at my house."
"That sounds fun," interesadong sabi ni Sley.
Napunta na naman kay Melou ang atensiyon ng lahat—pati ang atensiyon ni Sley.
Nakaramdam si Moana ng matinding pagprotesta sa kalooban. "I saw a ghost last night!" biglang bulalas niya na ikinatahimik ng lahat at sabay-sabay ring napatingin sa kanya. Parte pa rin ng plano niya ang pambabastos sa nagsasalitang si Melou. Puwede na ring isama roon ang isa pang nakasaad sa "mahiwagang" listahan.
Sley loves his friends so much—so be rude to them.
"A ghost," komento ni Charly, saka naglabas ng notebook at ball pen. "Saang bahagi ng Luna Ville mo ito nakita? Anong oras? Ano'ng hitsura ng multong ito? May mensahe ba siya sa 'yo?"
Parang nangangain ng impormasyon ang babaeng ito. Dumeretso ng upo si Moana. "Hindi siya multo ng isang tao... pusa ang nakita ko."
Natawa nang marahan si Melvin. "Baka naman pusang-gala lang ang nakita mo, Monina."
"Hindi, ah!" kontra ni Moana. "May nakita na ba kayong pusang nagliliwanag at kulay-blue pa?"
Disbelief was written on everyone's faces. Nagmukha tuloy siyang tanga.
"Monina, are you sure?" tanong ni Sley na walang bahid ng pang-iinsulto o pagdududa.
Tumango lang si Moana.
"So, I guess it's true," biglang komento ni Charly.
"What do you mean, Charly?" usisa naman ni Melou.
"Nakalimutan n'yo na ba ang tungkol sa resident mystical blue cat ng Luna Ville? Ang sabi sa alamat ng mga nakatatanda sa village natin, anyone who touches the blue cat's tail will be blessed with luck and happiness for the rest of his or her life."
Napa-"ohh" silang lahat. Hindi akalain ni Moana na may ganoong legend pala sa Luna Ville. Ngayon lang din siya nakarinig ng tungkol sa mystical blue cat.
"Alam ko na ang gagawin natin sa weekend. Let's search for the mystical blue cat," deklara ni Charly.
"Sounds like fun!" sabay na masayang bulalas nina Melou at Melvin na halatang excited sa sinabi ni Charly. Nag-usap na ang tatlo tungkol sa detalye ng paghahanap sa mahiwagang pusa.
"Thank you, Monina," bulong ni Sley sa kanya.
Tiningnan ni Moana si Sley. And dang, their faces were dangerously close! "F-for what?"
"Sa ideyang ibinigay mo sa mga kaibigan ko," nakangiting sabi ni Sley. "My friends love adventure. I'm sure, they like you more now."
Alanganing napangiti na lang si Moana, saka mabilis na nag-iwas ng tingin. Kabaligtaran na naman ng kanyang plano ang nangyari!
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Storie d'amore"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...