MOANA felt nostalgic as she roamed her eyes around KopeeBook, pero sa ibang branch. Ang akala niya, exclusive lang sa LV ang KopeeBook, hindi pala. Then, she missed Luna Ville as if she had lived there all her life.
"Moa?"
Natauhan lang siya nang tawagin siya ni Kaito. "Kaito... may gusto sana akong sabihin sa 'yo."
"Don't Moa. Let me the one to end this."
Nagulat siya sa sinabi ng lalaki. "Kaito..."
Ngumiti ito nang malungkot. "Hindi na kita pipiliting makipagbalikan sa 'kin. Sinayang ko ang pagkakataong paibigin ka nang nakipaghiwalay ako sa 'yo. You're totally free now, Moa."
Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Napayuko siya upang ikubli iyon. "Minahal naman kita, Kaito, eh."
"Pero hindi 'yon sapat. Alam ko namang no'ng una pa lang, matatapos din ang relasyon natin. But because I love you, I still took the chance to win your heart. Pero kahit ano'ng gawin ko, tuwing nakatingin ka sa 'kin, alam kong hindi mo pa rin ako nakikita. You only see me as a friend, as a confidant. At iyon ang klase ng pagmamahal na mayroon ka para sa 'kin."
Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Moana. He knew all along. "I'm sorry, Kaito. I'm sorry dahil pinatagal ko pa 'to. Nasaktan ka tuloy. Kung no'ng una pa lang, naging tapat na ako sa nararamdaman ko, hindi na sana tayo umabot pa sa ganito."
Pinisil ni Kaito ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha upang harapin niya ito. "Don't be guilty, Moa. Hindi mo naman sinadyang saktan ako. Nagkataon lang na ngayon mo lang napag-isipan ang totoong damdamin mo para sa 'kin. Thank you for your honesty."
Napahikbi siya. "Nakakainis ka naman, eh. Bakit ba ang bait mo sa 'kin?"
He chuckled and gently brushed away her tears with his fingers. "Ah, stop crying, you crybaby."
Napangiti na rin siya. "Thank you."
Nag-ring ang phone ni Kaito. He excused himself to take the call. Pagbalik sa mesa, parang nagmamadali ang lalaki. "Moa, I'm sorry, but I need to get going. May emergency sa company namin. Do you want me to drive you home first?"
Umiling siya. "No, I'm fine. You should go, mukhang importante 'yan, eh."
Niyakap siya nito nang mabilis at saka binulungan. "Thank you for everything, Moa." Then, he was gone.
Nakagat na lang niya ang ibabang labi. Kaito's voice was shaking. He was obviously hurt by their breakup.
You deserve someone better, Kaito.
Alam niyang balang-araw ay makakahanap din si Kaito ng babaeng mamahalin ito at aalagaan. She was not that woman. Ngayong nagawa na niyang tapusin ang kanilang relasyon, oras na para harapin naman niya ang sariling problema—si Sley.
"Ah, fancy meeting you here, Moa."
Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita. Kumunot ang kanyang noo habang kinikilala ang guwapo at matangkad na lalaki sa harap niya. The man had a smug smile while looking down at her. Every thing about him spoke of power, confidence, and dominance. Iisang tao lang naman ang kilala niyang may ganoon kalakas na aura. "Seigo Alicantre?"
"Bingo!" Walang permisong umupo ito sa katapat niyang silya. "How are you, Moa?"
Nagkakilala sila dahil madalas silang nagkakasabay sa pag-attend sa iba't ibang art exhibit sa Europe. Tatlong beses na ring bumili si Seigo ng paintings niya. Hindi sila magkaibigan, pero si Monina ay malapit kay Seigo. "I'm doing good. Ikaw?"
"Okay lang," matipid na sagot ni Seigo. "Anyway, kumusta na ang misyon mong 'Make-Sley-Hate-You'?"
Nagulat siya. "Paano mo nalaman..." Hindi na niya naituloy ang tanong nang may ideyang pumasok sa kanyang isip. "Ikaw 'yong sinasabi ni Monina na 'mapagkakatiwalaang source' niya? Ikaw ang nagbigay sa kakambal ko ng mga impormasyon tungkol kay Sley?"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romance"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...