HINDI pa rin makatingin si Moana kay Sley habang pinapakain niya ng feeds ang mga Koi fish sa pond. Tuwing napapatingin kasi siya sa lalaki ay naaalala niya ang sexy nitong pagsayaw sa nursery rhyme na "Tatlong Bibe." It was the way his hips moved that was sexy in her eyes.
"Thanks a lot, Monina."
Naglakas-loob si Moana na tingnan si Sley. Nakapatong ang mga braso ng lalaki sa wooden railing ng bridge na kinaroroonan nila habang nakatingin pababa sa pond. "For what?"
"Sa pagpapatahan sa mga bata. Nang dahil sa 'yo, kumalma sila at naipagpatuloy nila ang pamamasyal sa zoo ko."
Napangiti siya nang maalala ang ngiti ng mga paslit kanina. "Wala 'yon. Masaya akong mapasaya ang mga bata."
Napangiti si Sley kahit hindi nakatingin sa kanya. "You're incredible, Monina."
"B-bakit naman?"
"You can make me do ridiculous things easily. Ngayon lang yata ako napagtawanan sa buong buhay ko," anitong parang tuwang-tuwa pa sa nangyari.
"Mukha namang nag-enjoy ka."
Tiningnan siya ni Sley. "I always enjoy my time with you, Monina. Kahit pa siguro saan tayo mapunta, makakagawa ka pa rin ng paraan para mapangiti ako."
Nag-iwas ng tingin si Moana. Siya lang ba o talagang painit nang painit ang mga tingin ni Sley sa kanya ngayon? "Kung hindi siguro ako nagpipinta—kung hindi ako nagtatrabaho sa kompanya namin, baka naging clown na ako." Vice-president kasi ng Solesar Corporation ang tunay na Monina.
She heard him chuckle. "Silly girl. Iba ang nagpapatawa sa nagpapasaya."
Ipinatong niya ang mga siko sa wooden railing at nangalumbaba. "Sley, bakit kinukunsinti mo ako sa lahat ng kalokohan ko? Kakalustay ko lang sa pera mo."
"Monina, I'm a man. Nothing makes a man feel more satisfied than giving his woman what she wants."
Sumimangot si Moana. Kunsabagay, kahit mabait si Sley, lalaki pa rin ito at may-pagka-egotistical din. Pero dahil mas lang naman ang magagandang katangian ng lalaki, pinalagpas na lang niya. "Hindi lang naman ngayon, eh. Parati kang nagba-back down sa mga maliit na argument natin para lang pagbigyan ako. At kahit inis na inis ka na sa 'kin, hinahabaan mo pa rin ang pasensiya mo."
Ngumisi si Sley. "Hindi ako naiinis sa 'yo, Monina. Nakukulitan, oo. Pero naku-cute-an ako sa kakulitan mo."
Natahimik si Moana at nakagat ang ibabang labi. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa realisasyong tumambad sa kanya—kabaligtaran ang epekto ng "Make-Sley-Hate-You Mission" niya kay Sley!
He rested his cheek on his arms, nakatingin pa rin sa kanya pero dahil sa posisyon nito, bumagsak sa mukha ang bangs at halos matakpan na ang mga mata.
But she could still feel the intensity of his stare.
Ang cute ng mokong.
"I won't hold back from now on, Monina. So you'd better be prepared," he said gently.
Isang alanganing ngiti lang ang isinagot ni Moana bago siya nag-iwas ng tingin. Hindi niya gaanong naintindihan ang ibig sabihin ni Sley dahil mas nangingibabaw sa kanyang isip ang sariling problema. Ngayon lang niya naramdaman ang pagnanais na tawagin siyang "Moana" ni Sley at hindi "Monina."
I want to hear you call out my name, Sley.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romance"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...