KaibiganHindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa pag-aalala kaya naman kinabukasan nang magising ako ay agad akong bumangon at dumiretso sa kuwarto ng mga kapatid ko. Nang makitang walang tao ro'n ay agad naman akong bumaba para sana tanungin ang mga kasambahay kung nakauwi na ba ang dalawa pero agad ko naman silang nakita hapag kainan.
"Oh, Kyla? Anong oras na at bakit hindi ka pa rin naka-ligo? Nakalimutan mo bang may pasok ka?" si Mommy at agad akong nilapitan.
Nakatingin pa rin ako sa dalawa kong kapatid na seryosong kumakain ngayon.
"Ah, akala ko po kasi maaga pa. Maghahanda lang po ako saglit." paalam ko at umakyat na ulit papuntang kuwarto.
Hindi naman na ako natagalan sa paghahanda kaya ng matapos ako ay inutusan ko nalang ang kasambahay na gawan ako ng sandwich at 'yon nalang ang kakainin ko sa sasakyan.
"Sigurado kang hindi ka na kakain, Kyla?" si Mommy ng kinuha ko na ang sandwich.
"Opo, Mommy. Baka matagalan kami lalo kung kakain pa ako." sambit ko at hinalikan na siya sa pisnge.
Nang makapag-paalam na kami ay sumakay na rin kami sa sasakyan.
"Anong nangyari sa inyo kagabi?" tanong ko habang nagmamaneho na si kuya Ryan.
"Kalimutan mo na kung ano man ang nangyari kagabi." seryosong sabi ni kuya Ryan.
Kalimutan? Sa tingin ba nila gano'n nalang 'yon? Kapatid pa rin naman nila ako kaya ako nag-aalala ah?
"Bakit ba kasi ayaw niyong umalis sa grupo na 'yan, kuya? Alam kong hindi ito ang unang beses na muntikan na kayong mapahamak, pero paano kung matuluyan kayo? Paano kung may masamang mangyari sa inyo at wala 'yang lintik na grupong 'yan para iligtas kayo? Ano sa tingin niyo ang mararamdaman ni Mommy at Daddy?"
"Puwede ba, Kyla? Ang aga-aga, nagbu-bunganga ka na naman." si kuya Calvin naman ngayon.
"Ano ba talagang mayro'n sa grupong 'yan? Ano ba talaga ang pinapagawa sa inyo ng Troy na 'yan? Nagdo-droga ba kayo? Bakit no'ng tatawag na sana ako ng pulis kagabi, hindi nila ako hinayaan kasi baka mas mapahamak daw kayo? May ilegal ba kayong ginagawa?"
"Wala! Hindi kami nagdo-droga kaya puwede ba tumahimik ka na!" biglang sigaw ni kuya Ryan.
"Kyla, mas mabuting h'wag ka nang makialam sa kung ano man ang ginagawa namin, ikakapahamak mo lang. Sarili mo nalang ang isipin mo." si kuya Calvin.
Hindi na ako naka-sagot pa hanggang sa makarating na kami sa eskuwelahan. Nauna na akong bumaba sa sobrang inis sa kanila. Habang naglalakad papunta sa classroom ko ay bigla kong nakasalubong ang grupo ni Lane.
"Oh, nandito na pala ang prinsesa." aniya at humarang sa daan.
"Puwede ba, Lane? Tumabi kayo ng mga alipores mo." seryosong sabi ko.
"Nang-uutos ka?"
Tinaasan ko lang sila ng kilay at pinantayan ang titig ni Lane sa'kin.
"Napaka-yabang mo. Ang lakas ng loob mo para mag mataas dahil lang may mga kapatid ka rito." aniya at lumapit sa'kin.
"Ang sabihin mo naiinggit ka sa'kin. Hindi ko kailangan mag yabang at mag mataas dahil lang sa mga kapatid ko. Bawas-bawasan mo ang pagiging inggetera mo Lane, minsan nakakamamatay 'yan." lalagpasan ko na sana sila ng bigla niya akong hinawakan sa braso.
"Ako? Maiinggit sa'yo? Walang nakakainggit sa'yo, Kyla."
"Kung gano'n, bakit ka nagkaka-ganyan? Tinatanggi mong inggetera ka pero sa kilos mo halata naman." agad kong inalis ang hawak niya sa braso.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...