Ulan
Halos sabunutan ko na ang sarili ko kinabukasan nang maalala ko ang mga nangyari. Hinatid niya ako rito sa bahay kagabi! Buti na lang talaga at tulog na ang mga tao kaya walang nakakita sa amin! Tuwang-tuwa pa siya nang makitang inis na inis ako sa kanya. Bwesit talaga ang lalaki yun.
At dahil nga nauna akong umuwi dahil sa pangit na yun, tinext ko nalang ngayon si Cara dahil sa biglaang pagkawala ko kagabi. Hindi siya nakapag-reply agad, siguro natutulog pa yun. Maaga pa naman at masakit din ang ulo ko sa dami nang nainom ko kagabi pero naligo na lang ako at balak kong magluto para sa sarili ko. Wala pa rin akong balak sumabay sa kanilang kumain.
Matagal akong natapos sa pag ligo kaya nang makalabas ako sa banyo ay saka ko lang napansin na umuulan pala ng malakas sa labas. Pagkatapos mag bihis, bumaba na ako agad para makapag-luto. Nakasalubong ko naman sa kusina si ate Yan kaya tipid nalang akong ngumiti sa kanya.
"Ma'am, kakain ka na po? Gusto mo po ba ipagluto na kita?" tanong niya.
Umiling naman ako sa kanya at kumuha na ng itlog na lulutuin ko.
"Hindi na po, ako na magluluto para sa sarili ko."
"Sigurado ka po?"
Tumango na ako sa kanya kaya naman wala siyang ibang nagawa kung 'di ang mag linis nalang sa ibang parte ng bahay. Mag-isa na lang ako sa kusina ngayon kaya tahimik lang din akong nag hintay na maluto ang pagkain ko.
Pagkatapos kong maihanda ang umagahan ay babalik na sana ako sa kuwarto ko nang biglang pumasok si Aya dito sa kusina. Bakit siya nandito? H'wag mong sabihin na dito siya natulog? Wala ba siyang bahay? Magsasalita sana siya pero agad ko rin siyang nilagpasan. Wala akong oras para makipag-usap sa mga taong kagaya niya.
Nang makita ko si ate Yan sa sala ay nilapitan ko na siya para mag tanong kung dito ba natulog si Aya.
"Opo, ma'am. Do'n po siya pinatulog ng mommy niyo sa guest room."
"Pero bakit? May bahay naman siyang inuuwian, bakit siya makikitulog dito? Balak niya na ba talagang magpa-ampon sa mga magulang ko?" hindi ko maitago ang inis ko.
Mapapalampas ko pa sana ang palagi niyang pag punta rito e, pero ang matulog dito? Na parang bahay niya na? Hindi yun puwede. Inilapag ko sa coffee table ng sala ang pagkain ko at babalikan sana si Aya sa kusina ng bigla nalang bumukas ang pinto ng bahay at pumasok ang basang mga magulang ni Aya.
Sa gulat ko ay hindi ako agad naka-kilos. Malakas ang buhos ng ulan at sobrang basa sila! Umiiyak pa ang mommy ni Aya habang pinipigilan sila ng guard na pumasok. Nang matauhan ako ay nilapitan ko agad sila para tanungin kung anong ginagawa nila rito.
"Tita, Tito, ano pong nangyari sa inyo? Basang-basa po kayo!" tiningnan ko naman si ate Yan para utusan. "Kumuha ka ng malinis tuwalya para sa kanila dali!"
"Kyla, pasensya na sa abala pero nandito ba si Aya? Sobrang nag aalala na kami sa kanya. Hindi naman namin sinasadyang mapagalitan siya kahapon." umiiyak na sabi ng mommy ni Aya.
Kunot noo naman akong napatingin sa kanila. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
"Ano po bang ibig niyong sabihin?"
"Nag layas si Aya kahapon, Kyla. Nag tanong na rin kami sa mga dati niyang kaibigan pero wala naman silang alam kung saan siya nag punta kaya rito na kami dumiretso. Ikaw nalang ang huling pag-asa namin para makita si Aya." sambit naman ng daddy ni Aya.
Nang makabalik na si ate Yan dala ang dalawang tuwalya ay agad ko itong ibinigay sa mga magulang ni Aya. Halatang lamig na lamig na sila pero tinitiis nila yun para lang malaman kung nandito ba si Aya. Bumigat nalang bigla ang pakiramdam ko habang nakatingin sa mga magulang ng babaeng yun.
Hindi ba siya naaawa sa mga magulang niya? Nag layas siya ng hindi man lang iniisip na ganito ang mangyayari sa mga magulang niya? Mahal na mahal siya ng mga magulang niya pero nagawa niyang makisingit dito sa pamilya namin! Tapos ang mas mahirap pang paniwalaan, kinukunsinte siya ng mga magulang ko!
"Tita, h'wag po kayong mag alala. Nandito po si Aya. Pasensya na po kung kinailangan niyo pang sumulong sa ulan para lang hanapin siya."
"Kyla, puwede ko bang makausap ang anak ko? Gusto ko lang humingi ng tawa--"
"Anong kaguluhan 'to?"
Pare-pareho kaming napalingon sa kakagising lang na si mommy at daddy. Hindi nila kilala ang mga magulang ni Kyla kaya siguro ganito ang reaksyon nila sa nakikita nila. Dahil sa galit ko sa paglalayas ni Aya at pag kunsinte nila rito, nag lakas loob akong lapitan sila.
"Bakit niyo kinunsinte si Aya na mag layas sa kanila?"
"Kyla, bakit ganyan ang tono ng pananalita mo? Baka nakakalimutan mong mga magulang mo kami?" galit na sabi ni daddy.
"Hindi ko po nakakalimutang mga magulang ko kayo, pero nakalimutan niyong anak niyo ako. Mommy, Daddy, nakikita niyo ba sila?" sabay turo ko sa mga magulang ni Aya. "Sila lang naman ang mga magulang ni Aya na nilayasan niya kahapon at ngayon sumulong pa sa ulan para lang hanapin siya."
Kitang-kita ang gulat sa mga mukha ng mga magulang ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Parang hindi ko na kilala ang mga taong nasa harapan ko.
"Kinunsinte niyo ang pag lalayas niya pero hindi niyo inisip ang mararamdaman ng mga magulang niya. Ganyan niyo na ba kagustong maging anak si Aya? Kinimkim ko mommy, na mas may oras ka sa kanya. Kinimkim ko daddy, na siya na yung tinuturing mong prinsesa. Pero ang makitang sariling mga magulang niya inaabanduna niya, hindi yun ayos sa'kin. Alam ko kung gaano nila kamahal si Aya, kitang-kita ko yun. Pero lagi nalang siyang nasa tabi niyo. Lagi nalang niyang binabaliwala ang sarili niyang pamilya. Habang kayo, binabaliwala niyo ako." hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa pag-iyak.
Parang pinipiga ang puso ko sa mga oras na 'to. Hindi ko matanggap na umiikot lahat ang mundo nila kay Aya. Ano bang mayro'n siya? Bakit parang ang bilis niyang makuha lahat ng gusto niya?
Nang makita ko ang pag labas ni Aya sa kusina ay agad ko siyang nilapitan at hinablot ang kamay niya.
"Kyla, bakit?" nagtataka niyang tanong.
"Anong klaseng anak ka para layasan ang mga magulang mo?" lumuhang tanong ko sa kanya.
"Ha? Anong ibig mo sabihin?"
"Nakikita mo ba 'yan?!" hinarap ko siya sa umiiyak niyang mga magulang. "Basang-basa ang mga magulang mo kakahanap sa'yo! Hindi nila inisip na puwede silang magka-sakit kasi gusto ka nilang makausap ng maayos at masolusyonan kung ano man ang problema niyo! Inaabanduna mo ang sarili mong pamilya at nakikisingit ka sa pamilya ko!"
"Kyla! 'Yang bibig mo!" sigaw ni daddy.
Hinarap ko naman sila ulit. Punong-puno na ako e. Kaya ko pa na ako lang yung nagtitiis. Pero ang makitang pati ang mga magulang ni Aya nasasaktan na, hindi na yun puwede sa'kin. Dahil sa sigawan dito sa baba ay pati sina kuya Calvin at kuya Ryan ay napalabas na rin sa mga kuwarto nila.
"Bakit? Totoo naman po, 'di ba? Tiniis ko e. Nagtiis po ako kasi akala ko pansamantala lang yung ganito. Pero mali pala yung akala ko kasi mas naging anak niyo na si Aya kesa sa'kin! Dati ako yung prinsesa niyo. Dati ako Yung lagi niyong kasabay sa pagkain. Dati ako yung lagi niyong kasama. Dati ako yung lagi niyong nabibigyan ng oras. Dati ako lagi yung pinagtatanggol niyo. Pero ngayon siya na po, 'di ba? Naging anino nalang ako sa bahay na 'to. Hinahayaan niyo na ako. Wala na kayong pakialam kung hindi ako kumain. Kung mag lasing man ako. O kung saan man ako pumunta. Nagising nalang ako isang araw, hindi na pala ako yung anak niyo."
"Kyla, ana--"
Umatras ako ng balak sana ni Mommy na hawakan ako sa kamay. Umiiyak na rin siya habang nakatingin sa'kin pero pinangungunahan ako ng galit ngayon. Sobrang nasasaktan ako ng sarili kong mga magulang. Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa puntong gustong-gusto ko nalang mag mura nang mag mura.
"Ayaw ko na. Ang sakit na po e. Ang sakit palang maging anak niyo. Kung gusto niyo pong ipalit sa'kin si Aya, makipag-usap nalang kayo sa mga magulang niya. Basta ako? Ayaw ko na sa bahay na 'to. Sinanay niyo ako sa masayang pamilya tapos biglang itatabi niyo na ako dahil nakilala niyo si Aya. Siya nalang ang gawin niyong Kyla Delos Reyes. Kasi ako, ayaw ko ng maging isang Delos Reyes."
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...