Sapa
"Sofia!"
Napalingon nalang ako sa batang lalaki na tumawag sa akin. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang maglakad ito papalapit sa akin.
"Pinayagan ka bang lumabas ngayon?"
"Oo! Pumayag sina lola kasi alam naman nilang ikaw lang kalaro ko e!"
"Dala mo na ba yung kahon na hinanda natin kahapon?"
"Hala, oo nga pala! Muntikan ko ng makalimutan. Saglit lang, babalikan ko lang sa kuwarto ko. Diyan ka lang ha?" sambit ko sabay takbo papasok ng bahay.
Nang makapasok ako ay agad kong kinuha sa kama ko ang maliit na kahon kung saan nakalagay ang mga laruan at litrato namin ni Vincent. Balak naming ibaon 'to ro'n malapit sa burol at balikan kapag malalaki na kami. May pagka-malayo yun dito pero maalam naman siya sa pasikot-sikot dito kaya alam kong hindi kami mawawala.
Nang makalabas ulit ako ng bahay bigla nalang bumagal ang lakad ko hanggang sa may maramdaman akong masakit sa ulo ko. Nang hawakan ko ito at tiningnan ang kamay ko ay may dugo na ito. Hinanap ko si Vincent pero nang makita ko siya ay naglalakad na siya papalayo sa'kin.
Gusto ko siyang tawagin at pigilan sa pag alis pero hindi ako makasigaw. Sa isang iglap ay napabalikwas nalang ako nang bangon at patuloy na hinahabol ang hinga. Nang hawakan ko ang ulo ko at tiningnan ko ulit ang kamay ko ay wala naman kahit anong dugo gaya ng nasa panaginip ko kanina.
"Sofia? Apo? Gising ka na ba? Mag uumagahan na tayo."
Napatingin nalang ako sa pinto ng kuwarto ko kung saan kumakatok si lola. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at pinagbuksan ito ng pinto.
"Goodmorning po, Lola." sabay halik ko sa pisnge nito.
"Goodmorning din. Mag handa ka na, kakain na tayo. Hihintayin ka namin sa hapag." aniya sabay ngiti.
Tumango naman ako sa kanya bago sinara ang pinto at dumiretso sa banyo. Nang matapos ako sa pag-aayos ay lumabas na ako agad. Bumagal nalang ang lakad ko nang marinig ko na naman ang boses ni Aya na nakikipag kuwentuhan kina lola at lolo habang nasa lamesa.
Hindi muna ako lumapit sa kanila at sumilip muna para makita kung anong ginagawa nilang lahat. Nagtatawanan na sila habang nagkukwento si Aya. Masyado pa namang maaga para mairita pero naiinis talaga ako kapag nakikita ko silang maayos ng wala ako. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya naman babalik na sana ako sa kuwarto ko ng bigla akong tinawag ni lolo.
"Sofia, nariyan ka na pala. Hali ka na at kakain na tayo." aniya
Napabuntong hininga nalang ako at walang ganang sumali sa kanila. Nang makaupo ako ay tahimik lang akong nakinig ulit sa mga kwentuhan nilang hindi ko naman masabayan.
"Napaka masiyahin naman pala nitong si Aya, apo. Buti nalang at sinama niyo ito rito para naman hindi lang ikaw ang babae at may makakwentuhan ka palagi habang nandito kayo." si lola habang kumakain kami.
Gustong-gusto kong umirap sa harap nilang lahat pero tipid na ngiti nalang ang binigay ko at nagpatuloy sa pagkain. Sobrang sama lalo ng loob ko habang tahimik lang na nakatingin sa kanila. Gusto kong umalis at maglabas ng sama ng loob kung saan pero ayaw ko namang maging bastos.
Ang sama na nga ng simula ng araw ko dahil sa lintik na bangungot na yun, nadagdagan pa ngayon. Napatingin nalang ako kay Aya na ngayon ay malaki ang ngiti at nakatingin kay Troy. Nang tiningnan ko naman si Troy ay nakangiti naman itong nakikipag-usap kay Grey. Wala naman dapat akong pakialam, pero paano kung may gusto si Aya kay Troy? Napabalik ulit ang tingin ko kay Aya at mas lalong nakaramdam ng inis sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...