Pagtingin
Pagkatapos ng pangyayaring yun ay sinubukan akong kausapin nina lola at lolo para raw magkabati na kami ni Aya pero tumanggi ako. Ayaw kong magpaka-plastik sa harapan niya. Ngayon ayaw ko na siyang kausapin, masyado ng masama ang loob ko para isiping kaibigan ko pa siya.
Mas lalo lang din nadagdagan ang sama ng hindi man lang ako kinausap nina mommy at daddy. Para bang wala silang pakialam sa nararamdaman ko pero kay Aya mayro'n. Kahit gutom ay hindi ako lumabas para sabayan sila sa pagkain. Tinanggihan ko rin naman ang hinatid na pagkain dito sa kuwarto ko. Nanatili akong nakatulala sa kuwarto ko at ayaw kong kumausap ng kahit sino.
Napahawak nalang ako sa tiyan kong kumakalam na talaga. Kahit tubig wala, ayaw kong lumabas kaya kailangan kong tiisin 'to. Huminga ako ng malalim at nag desisyong matulog nalang para makalimutang gutom ako pero hindi rin natuloy ng may biglang kumatok sa pinto ko.
Malapit ng mag hating gabi, may gising pa ba sa mga kasama ko rito sa bahay? Nang buksan ko ang pinto ay bumungad naman sa'kin si Art na may dalang pagkain.
"Anong kailangan mo?" malamig kong tanong.
"Ah, hindi ka kasi kumain kanina kaya inisip ko baka nagugutom ka na ngayon. Nag luto ako ng kaunti para sa'yo." aniya sabay pakita ng pagkain sa'kin.
Napalunok nalang ako ng maamoy ko ang niluto niya. Parang masarap! Mas lalo kong naramdaman ang gutom pero tumikhim nalang ako at iniwas ang tingin sa pagkaing dala niya.
"Hindi ako gutom."
"Sayang naman 'tong niluto ko kung hindi mo kakainin. Masarap naman 'to e."
Masarap nga! Pero ayaw ko pa rin.
"Parang hindi naman masarap. Hindi 'yan magiging sayang kung ikaw mismo ang kakain. Sige na, matutulog na ak--" natigilan nalang ako ng biglang tumunog ang tiyan ko.
Takte, Kyla! Traydor 'yang tiyan mo!
Napatingin nalang ako kay Art na nakangising nakatingin sa tiyan ko. Argh! Makakalusot na sana ako pero pahamak 'tong gutom na 'to!
"Kita mo na, gutom ka e." aniya sabay pasok sa kuwarto ko.
Gusto ko sana siyang pigilan pero nang ilagay niya na sa kama ko ang pagkain ay wala na akong nagawa pa.
"Kainin mo na 'yan. Dito na muna ako habang kumakain ka para kapag tapos ka na, huhugasan ko na ang pinagkainan mo." aniya
Umupo siya malapit sa pinto at sumandal sa pader habang nakatingin pa rin sa'kin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na may nakatingin sa'kin na kumakain pero gutom talaga ako e. Agad na akong lumapit sa kama ko at kinain ang dala ni Art.
"Nagpaalam ka ba kay lola na magluluto ka?"
"Oo, kaunti lang naman ang niluto ko at sinigurado kong walang masasayang."
Tumango-tango naman ako. Sunod-sunod pa ang subo ko sa sobrang sarap! Kahit ano siguro ang ipaluto sa kanya, palaging masarap ang kalalabasan.
"Hindi halatang gutom na gutom ka ah."
"Shh, istorbo ka sa pagkain ko."
"Hinay-hinay, baka mabulunan ka."
Inirapan ko lang siya at ibinalik ulit ang atensyon sa pagkain. Ilang minuto bago ko naubos ang kinakain. Ang dami kasing kanin na nilagay sa plato pero ang sarap kasi talaga ng kalderetang niluto niya. Pagkatapos kong ubusin ang isang basong tubig na dala rin ni Art ay nilingon ko na siya.
Akala ko gising pa siya pero nakaidlip na pala habang nakasandal sa pader. Inayos ko naman ang pinagkainan ko bago siya nilapitan. Pagod na pagod yata ang isang 'to ah? Yumuko ako para titigan lalo ang mukha niya. May pagka-maamo naman kaunti kapag tulog. Pero bakit niya kaya ako pinagluto? Naaawa siguro siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...