Kabanata 55

48.1K 1.3K 76
                                    


Tanan

"Sigurado ka bang gusto mo muna rito?" tanong ni Troy habang inaabot sa'kin ang isang baso ng tubig.

"Gusto ko munang makapagisip-isip sila. Nakakapagod na rin makipag-away sa kanila, ni hindi man lang nila naisip ang mararamdaman ko." malungkot kong sabi at tiningnan na lang ulit ang kalangitan na ngayon ay kulay kahel na.

"Paano kung hanapin ka nila? Hindi ka pa naman nag sabi sa kanila kung saan ka pupunta."

Nang makaalis ako kanina sa bahay, dumiretso ako sa bahay ni Troy. Alam kong may posibilidad na puntahan siya nina kuya Ryan do'n, kaya naman sinabi kong dito na lang kami sa bahay ng mga magulang niya. Dito, makakapagpahinga ako saglit. Makakalayo muna saglit sa problema at sakit kasama siya.

Nandito kami ngayon sa balkonahe, nagpapahangin. Kakarating lang din kasi namin galing sa mahabang biyahe.

"Babalik din naman ako agad. Siguro sa lunes? Puwede rin sa susunod na linggo. Basta kapag okay na ako." sabit ko at ininom na ang tubig na binigay niya sa'kin bago 'yon inilapag sa maliit na mesang nasa gilid lang.

"Paano kung gano'n pa rin ang gusto nila kapag umuwi ka na sa inyo? Susundin mo na ba sila?"

"Papayag ka ba kapag iniwan kita?" tanong ko pabalik sa kanya.

Nang tiningnan ko siya ulit, nakatingin na siya sa malayo. Para bang ang lalim ng iniisip niya ngayon. 

"Kapag iniwan mo ako, susunod ako sa'yo." 

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Ang sarap sa pakiramdam na may taong paulit-ulit kang pipiliin. Paulit-ulit kang susundan. At paulit-ulit kang mamahalin. Kaya nga ang hirap-hirap mag desisyon e. Kasi alam ko sa sarili kong sobrang napamahal na siya sa'kin. Hindi ko kakayaning makita siya na may kasamang iba. Lalo na kung si Aya 'yon.

Siguro kung hindi lang ang mga magulang ko ang tutol sa'ming dalawa, matagal ko nang tinalikuran ang lahat para sa kanya. Kung sana ibang tao na lang ang tutol para hindi ganito kahirap.

"Ano namang susunod na mangyayari kapag sinundan mo ako sa Spain?" tanong ko ulit at tiningnan na lamang ang burol na nasa tapat ko.

"Papakasalan kita."

Nanlaki na lamang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nang ibinalik ko ang tingin ko sa kanya, mas lalo akong nagulat dahil may hawak na siyang singsing.

"Anong ginagawa mo? Nagpopropose ka ba? Troy, tigil-tigilan mo ako, mag-iisang buwan pa lang tayo!" natataranta kong sabi.

"Hindi pa ako magpopropose!" nakangiting sabi niya at mas ipinakita sa'kin ang singsing na hawak niya. "Ito 'yong singsing ni Lola na binigay ni Lolo no'ng naging sila. Binigay to ni Lola kay Papa para ibigay sa babaeng mahal niya. At binigay naman 'to ni Mama sa'kin bago siya nawala. Ang sabi niya, napakahalaga ng singsing na 'to kaya dapat kong ibigay 'to sa babaeng mahal ko. Dapat kong ibigay 'to sa babaeng sigurado akong pakakasalan ko."

Napalunok na lamang ako ng dahan-dahan niya 'yong isinuot sa daliri ko. Sakto lang 'yon para sa'kin, para bang ginawa talaga 'yon para sa daliri ko. 

"Isipin mo na lang na promise ring 'to. Na ngayong araw na 'to, ipinapangako kong ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw lang ang pakakasalan ko. Ikaw lang, Kyla."

Napapikit na lang ako nang halikan niya ako sa noo. Ramdam ko ngayon ang pinaghalong kaba at saya dahil hindi ko inaasahang mangyayari 'to. Napatitig na lang ako sa singsing na nasa daliri ko at hindi maiwasang mapangiti.

"Ganyan ka na ba talaga kasigurado sa'kin? Hindi na ba talaga mababago ang isip mo?" 

"Hindi na. Kahit saan ka pa dalhin ng mga magulang mo, susunod ako. Kahit tumutol pa ang lahat ng tao sa mundo, ipaglalaban kita. Kapag sinabi kong mahal kita, mahal talaga kita."

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon