Ligaw
"Ang bigat-bigat mo naman." reklamo ni Troy.
"Sino bang nag sabi sa'yo na pasanin ako? Kaya ko namang mag lakad mag-isa kahit masakit ang paa ko." sambit ko sabay irap.
Kanina pa kami naghahanap sa kakahuyan. Nakasalubong na nga rin namin sina Peter pero hindi pa rin talaga namin nakikita si Aya. Plano rin sanang sabihin nina JB kina mommy na nawawala si Aya pero hindi pumayag sina kuya kasi baka masyado silang mag alala at mag mangyari pang hindi maganda.
"Puwede ka naman kasing umuwi nalang at mag pahinga kasi kaya naman naming hanapin si Aya ng kami lang."
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayaw ko? Ang kulit mo ah. Ibaba mo na nga ako."
"Hindi puwede."
"Ibababa mo ako o sasapukin kita?" pagbabanta ko.
"Kyla--"
"Isa."
Wala siyang ibang nagawa kung 'di ang ibaba ako. Kahit paika-ika ay nauna akong maglakad sa kanya. Hindi ko alam, pero naiinis ako sa tuwing sinasabi niyang umuwi nalang ako at sila nalang ang maghahanap kay Aya. Para bang iba ang dating no'n sa'kin.
Paano kung siya ang makakita kay Aya? Anong gagawin niya? Yayakapin ang takot na takot na si Aya? Bubuhatin kasi nanghihina? Iniisip ko palang naiirita na ako. Ilang buwan kong iniwasang maramdaman 'to ulit, pero dahil sa lintik na bakasyon na 'to at pagka-ligaw ni Aya, nandito na naman. Nakakaramdaman na naman ako ng selos.
"Kyla, hintayin mo nga ako. Baka ikaw naman ang sunod na maligaw."
"Wala akong pakialam."
May nararamdaman na ba talaga ako kay Troy? Gaka huni-guni ko lang 'to? Ang hirap kasi kung sakaling mayro'n nga. Pakiramdam ko may gusto si Aya sa kanya. Tapos may Trisha pa. Ang daming babaeng nakapaligid sa pangit na 'to, ayaw kong nakikipag-agawan.
Halos kalahating oras ulit kaming nag hanap pero wala pa rin. Hinihingal akong umupo sa tabi ng malaking puno at hinawakan ang paa kong medyo namamaga na.
"Sumakit ba lalo?" tanong ni Troy sabay umupo sa tapat ko.
"Hindi naman." umiwas ako ng tingin dahil nakatitig na naman siya sa'kin.
Ayaw kong magpalinlang sa mga titig niya. Kung mahuhulog man ako ulit sa isang lalaki, hindi magiging siya yun. Dapat pigilan ko yung nararamdaman ko habang maaga pa. Baka nga pinagtitripan lang ako ng isang 'to. Baka kaya siya mabait, maalaga at nagbibigay ng atensyon sa'kin , e, dahil gusto niyang patunayan na lahat ng babae magkakagusto talaga sa kanya.
"Galit ka na naman ba sa'kin?"
"Hindi."
Nakatingin ako sa malayo habang ramdam ko naman ang tingin niya sa'kin. Nang maramdam ko ang hawak niya sa namamaga kong paa ay agad na bumalik ang tingin ko sa kanya. May kinuha siya panyo sa bulsan niya at tinupi ito saka tinali sa paa ko.
"Hindi ko alam kung bakit mo ako iniiwasan lagi. Hindi mo rin ako kinakausap sa tuwing nilalapitan kita. Ilang buwan kong inisip kung ano bang nagawa kong mali sa'yo. May nagawa ba ako, Kyla?"
Dahil sa tanong niya ay gusto ko nalang magpalamon sa lupa ngayon din. Nang tingnan niya ako sa mata ay gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Para bang may pumipigil sa'kin.
"W-Wala. Wala kang nagawang mali sa'kin." kinakabahan kong sabi.
"Pero bakit mo ako iniiwasan? Okay naman tayo no'n ah? Bakit biglaan?"
"Ah, tara na. Hanapin na ulit natin si Aya." sambit ko sabay tayo.
"Kyla, h'wag mo namang iwasan yung tanong k--"
"Tulungan mo nalang kaya akong mag hanap ng puwedeng maging sungkod ko para makapag-lakad ako ng maayos."
Hanggat maaari, ayaw kong malaman niyang may ganito akong nararamdaman. Ayaw kong malaman niya ang rason kung bakit ako umiiwas. Ayaw kong isipin niya na ang bilis-bilis kong makaramdam ng ganito dahil lang sa mga ginagawa niya.
"Ako nalang ang maghahanap, dito ka nalang muna. Babalik ako agad."aniya at tinalikuran ako.
Napabuntong hininga naman ako habang nakatingin sa kanyang naglalakad palayo. Napasandal nalang ako sa katawan ng puno sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kaya ko 'to. Hindi ako mahuhulog sa kanya. Mapipigilan ko 'tong nararamdaman ko basta ipagpatuloy ko lang ang pag iwas sa kanya.
Ipagpatuloy ang pag iwas pero sumama ka ngayon sa kanya, Kyla? Sumama ka hindi dahil nag aalala ka kay Aya kung 'di takot kang si Troy ang makahanap sa kanya at magkaroon sila ng pagkakataong mag sama sa lugar kung saan sila lang. Bakit ba hindi magkasundo ang isip at puso ko? Nakakatanga naman e.
Napaayos nalang ako sa pag tayo ng may marinig akong kung ano sa paligid. Nang lumingon-lingon ako ay wala pa naman si Troy. Maingay ang tuyong dahon kapag natatapakan kaya naman hindi ko alam kung sino pang ibang tao rito kung wala pa naman si Troy.
Baka si Aya? Sinundan ko kung saan ko narinig ang ingay na yun. Kinakabahan ako pero baka si Aya na talaga 'to.
"Aya? Ikaw ba 'yan? Si Kyla 'to!" sigaw ko at dahan-dahan pa ring naglalakad.
Napalingon nalang ako sa hindi kalayuan ng may mapansin akong tumakbo. Agad kong sinundan yun at nagbabakasaling baka may makitang tao pero wala ulit.
"Aya! Nasaan ka na ba?! Kanina ka pa namin hinaha--Ahh!"
Hindi ko napansin na malalim na hukay palang ang naapakan ko dahil puno ito ng tuyong dahon. Sa pagkakabagsak ay nauna pa talaga ang tuhod ko kaya naman ito ako ngayon at namimilipit sa sakit.
"Tanginang buhay 'to, ang sakit!" sambit ko at hawak-hawak pa rin ang tuhod.
Ilang minuto kong tiniis ang sakit ng tuhod ko habang sumisigaw para makahingi ng tulong. Sa lalim ba naman ng hukay kung saan ako nahulog siguradong hindi ako makakaalis dito kung walang tutulong sa'kin.
"Troy! Tulungan mo ako! Tulong!"
Kahit masakit pa rin ang tuhod ko ay sinubukan kong tumayo at humanap ng ibang paraan para makaakyat. Gusuhin ko mang tumalon, baka bumigay ang tuhod ko. Para na rin akong naliligo ng tuyong dahon dito at nangangati na talaga ako.
"Troy! Nasaan ka na ba?! Tulong mo nga ako! Tulungan niyo ako!" sigaw ko ulit.
Wala akong pakialam kung mamaos, basta makaalis lang ako rito dahil hindi ko alam kung ano pang puwedeng mangyari sa'kin kapag nanatili ako sa hukay na 'to. Baka tuluyan akong ilibing ng buhay rito.
Habang sumisigaw at humihingi ng tulong ay natigilan nalang ako ng may marinig akong kung ano sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"A-Ahas! Ahas! May ahas! Tulong! May ahas!"
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...