Surprise
"Nga pala, tumawag si Ryan sa'kin no'ng isang araw." si Troy habang kumakain kami.
Napatingin naman ako sa kanya. Ang tagal ko ng hindi nakakausap ang mga kapatid ko. Bukod kasi sa pinagbabawalan silang puntahan ako, bawal din nila akong kausapin. Ni hindi na nga sila nagkikita nina Troy dahil kahit sila pinagbawalan ng puntahan sa bahay ang mga kapatid ko. Para bang lahat ng konektado sa'kin ay hindi na rin puwedeng maging konektado sa mga kapatid ko. Nakakalungkot tuloy isipin na dahil sa'kin, parang nakakulong nalang sa bahay ang dalawa.
Bumuntong hininga ako at ibinalik ang tingin sa pagkain. "Anong sabi?"
"Sila raw ni Calvin ang gagastos sa pag-aaral mo ngayong pasukan. Ayaw nilang tumigil ka dahil lang sa problemang kinakaharap niyo ngayon. Alam niyang hindi mo tatanggapin yung alok namin na pagtutulong-tulungan namin ang gastos kaya gagawan daw nila ng paraan para matulungan ka kahit patago."
"Maayos ba ang lagay nina kuya Ryan at kuya Calvin sa bahay? Si mommy at daddy? Masaya ba sila kasama si Aya?" tanong ko at binaliwala muna ang sinabi niya tungkol sa gagawin ng mga kapatid ko.
Natigilan naman siya Troy dahil sa tanong ko.
"Alam mo, hindi naman talaga ako galit sa mga magulang ko e. Kay Aya lang ako galit. Sobrang nasaktan lang talaga kasi ako dahil mas pinili nila si Aya kesa sa'kin. Na no'ng mga araw na sila yung kailangan ko, nasa iba ang atensyon at oras nila. Miss na miss ko na yung mommy ko na lagi akong tinuturing na baby. Miss na miss ko na yung daddy ko na lagi akong kinakampihan pag dating kina kuya Ryan at kuya Calvin. Ang saya kaya namin noon. Kahit palagi kaming nag aaway ng mga kapatid ko, kahit lagi kong sinusumbong sa mga magulang namin ang mga kalokohan nila, masaya pa rin akong kasama sila sa pagkain at pag celebrate ng mga okasyon."
Malungkot akong ngumiti kay Troy. Tahimik lang siyang nakikinig sa'kin habang tinititigan ako.
"No'ng araw na nasigawan ako ni daddy sa bahay ni lola, sobrang nasaktan ako no'n. Akala ko mag aalala sila sa'kin kasi muntikan akong matuklaw ng ahas, pero hindi e. Tapos no'ng nalaman kong nag layas naman si Aya sa kanila at pumunta sa bahay yung mga magulang niya na basang-basa sa ulan, naawa ako sa mga magulang niya kasi kitang-kita na mahal na mahal nila si Aya. Nainis ako sa mga magulang ko no'n kasi bakit hinayaan nilang gawin ni Aya yun sa mga magulang niya. Nakakapanghina yung araw na yun e, kasi nadala ako ng emosyon ko at umalis ako sa bahay pero imbis hanapin nila ako, hinayaan lang nila ako hanggang sa tuluyan na nila akong itaboy."
Parang pinipiga ang puso ko nang maalala ko kung paano ako napagbuhatan ng kamay ni mommy. Ni minsan hindi niya yun nagawa sa'kin dati. Takot nga yung madapa ako no'ng bata pa ako kasi ayaw niyang nasusugatan ako. Napaiwas nalang ako ng tingin kay Troy dahil sa mga luha kong umaamba na namang tumulo.
"Gusto kong bawiin yung pamilya ko kay Aya. Gusto kong ibalik yung dati. Kaso alam kong hindi ko yun magagawa hanggat durog pa ako. Masyado pa akong mahina para lumaban mag-isa." hindi ko na napigilan pa ang umiyak sa puntong 'to.
Hinarap naman ako ni Troy sabay hawak sa kamay ko.
"Hindi ka naman mag-isa e. Nandito kami na mga kaibigan mo. Nandito ako para sa'yo, Kyla. Kung mahina ka, ako ang magsisilbing lakas mo. Kung durog ka, tutulungan kitang mabuo ang sarili mo hanggang sa maging maayos ka. Hinding-hindi ko ipaparamdam sa'yong mag-isa ka lang. Sasamahan kita lagi kahit saan ka pumunta."
Napapikit nalang ako ng maramdam ko ang pag halik ni Troy sa noo ko. Parang may humaplos sa puso ko dahilan para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Nang dumilat ako ulit, napangiti nalang ako habang nakatingin sa mukha niya. Ang dating Troy na kinabubwesitan ko, siya na yung nagpapalakas ng loob ko ngayon. Yung taong hindi ko kailan man naisip na magugustuhan ko, siya na yung hinahanap-hanap ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...