Kabanata 21

55K 1.6K 61
                                    


 Agaw

Paulit-ulit akong dumadaan sa lugar kung saan nanatili sina Angelo at dinadalhan sila ng makakain at laruan. Natutuwa rin kasi ako kapag nakikita silang masaya habang naglalaro. Ngayon ay pupuntahan ko ulit sila para ibigay ang binili kong burger at fries. Kakagaling ko lang sa eskwelahan pero hindi na ako sumabay sa mga kapatid ko para makapunta sa kanila.

Nang makita ko na sila sa hindi kalayuan ay nag taka nalang ako ng may isang lalaking nakaluhod sa harap ng tatlong bata at kausap sila. Napansin ko ring maraming dala ang lalaking yun kaya agad na akong lumapit.

"Hello!" sabay kaway ko sa mga bata.

Nakatalikod sa'kin ngayon ang lalaking kausap nila kaya naman hindi ko makita ang mukha nito.

"Ate, alam mo po ba, pupunta na kami sa bahay ni kuya pogi! Doon na daw kami titira!" masayang sabi ni Ayen.

Nagulat naman ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam, masaya ako kasi magkakaroon na sila ng mas maayos na titirahan. Pero nalulungkot ako kasi baka hindi ko na sila palaging makita. Hindi naman kasi sigurado kung papayag ang kukupkop sa kanila na bisitahin ko sila.

"Talaga? Ngayon na? Siya ba ang tinutukoy niyong kuya pogi?" tanong ko sa kanila sabay turo sa lalaking sa harapan nila.

Tumango naman silang tatlo kaya napatingin ulit ako sa lalaking nakatalikod ngayon. Tumayo siya kaya naman umatras ako ng kaunti. Laking gulat ko nalang nang humarap siya sa'kin.

"Dale?"

"Kyla?"

Napatingin ulit ako sa mga bata na nakatingin lang sa'ming dalawa. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Dale ay kitang-kita na nagulat din siya.

"Ikaw yung kukupkop sa mga bata? Ikaw yung tinatawag nila kuya pogi?"

"At ikaw rin yung lagi nilang nababanggit sa'kin na dumadalaw rin sa kanila?"

Ilang saglit kaming nagkatitig bago natawa. Ang liit nga naman ng mundo, 'no? Yung taong kukupkop sa mga batang napalapit na sa'kin, e, kaibigan ng mga kapatid ko at kakilala ko na rin.

"Hindi ko akalain na ikaw pala yung ate Kyla na sinasabi nila. Akala ko kapangalan mo lang. Isa pa, mahilig ka pala sa mga bata? Ngayon ko lang nalaman yun ah?"

"Hindi ko nga akalain na ikaw rin yung tinatawag nilang kuya pogi. Pogi ka pala?"

Bumusangot siya sa'kin kaya naman mas natawa ako sa reaksyon niya.

"Biro lang! Pero hindi naman talaga ako mahilig sa mga bata, napalapit lang talaga ako sa kanila. Mababait din naman ang mga 'yan e."

"Magkakilala po pala kayo?" singit ng tatlong bata.

Tumango naman kami pareho ni Dale sa kanila kaya mas lumaki ang ngiti nila.

"Magkakilala sila!" sigaw nilang tatlo sabay talon.

"Bakit? Ano bang mayro'n kung magkakilala nga kami?" tanong ko sa kanila.

"Mas masaya po! Lagi na naming makakasama si kuya pogi tapos palagi ka na rin po bibisita sa amin!" sambit ni Andie.

"Aysus, oh ito. May dala ako para sa inyo. Kainin niyo muna 'to kasi binili ko talaga 'to para sa meryenda niyo." sabay abot ko sa kanila ng paper bag.

Agad naman nila yung tinanggap at nagsimula nang kumain. Nang bumaling ulit ako kay Dale ay nakatingin pa rin siya sa'kin.

"Bakit ganyan ka makatingin sa'kin?"

"Naninibago lang ako. Ngayon ko lang kasi nakitang ganyan ka."

"Bihira lang talaga ako bumait, kaya ang suwerte mo kasi nakakita ka ng mabait na, maganda pa." nakangisi kong sabi.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon