Tawag
"Kyla, sinong hinihintay mo?" biglang sulpot ni Aya sa gilid ko.
"Ah, si Miko. Hindi kasi siya pumasok sa klase, hindi ko rin siya makita kaya hinihintay ko nalang rito."
"Si Miko? Nakita ko siya kaninang umalis. Magkasama sila ng Papa niyang umalis e. Hindi ba siya nakapag-paalam sa'yo?"
Napatingin naman ako sa selpon ko dahil wala naman akong natanggap na text mula kay Miko. Umiling ako kay Aya at inayos nalang ang bag ko na nakasabit sa balikat ko.
"Anong oras na ah, hindi ka pa ba uuwi?"
"Hihintayin ko nalang sina kuya Ryan at kuya Calvin para sa kanila nalang ako sumabay ngayon."
"Gano'n ba? Sige, mauna na ako. Ingat ka!" aniya sabay kaway sa'kin.
Kumaway naman ako pabalik sa kanya bago huminga ng malalim. Dahil nga sasabay ako sa mga kapatid ko ay agad akong dumiretso sa canteen kung saan sila tumatambay lagi. Magkakasama ulit silang magkakabarkada at kumakain.
"Oh, Kyla? Bakit hindi ka pa umuuwi?" si kuya Calvin habang kumakain ng donut.
"Sasabay na ako sa inyo."
"Sasabay? Hindi ba si Miko ang naghahatid-sundo sa'yo? Nasaan na ba yun?" si kuya Ryan naman ngayon.
"Nauna na siya, may importante yatang gagawin."
"Baka may ibang inaasikaso." singit ni Art at makahulugang tumingin sa'kin.
"Anong ibig mong sabihin?" baling ko sa kanya.
"H'wag mo nang isipin pa ang sinabi niya, sabayan mo nalang muna kami sa pagkain." si kuya Ryan at inabot sa'kin ang box ng donut.
Kunot noo naman akong tumingin sa kanilang lahat bago umupo at kumain. Nagkukwentuhan sila habang ako ay tahimik lang na nakikinig ng biglang dumating si Troy at may kausap sa selpon.
"Hindi nga po ako makakauwi sa susunod na linggo, masyadong marami ang ginagawa ko rito para isingit ko pa ang pag punta ko riyan. Babawi nalang ako sa pasko." aniya at seryosong nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya.
Nang ibaba niya na ang tawag ay bigla naman siyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko at kumuha rin ng donut sa box.
"Bakit ka nandito? Hindi ba dapat nakauwi ka na kasi hinatid ka na ni Miko sa inyo?" tanong niya.
"Bakit mo tinatanong? Close tayo?"
"Ang taray mo na naman, nagtatanong lang e." aniya at inubos ang isang donut saka kumuha ulit.
"Bumili ka nga ng iyo, binigay sa'kin to ni kuya Ryan." sabay kuha ko ng box.
"Ang damot mo naman, may tatlo pa riyan oh, kala mo naman mauubos mo lahat."
"Mauubos ko naman talaga 'to, anong akala mo sa'kin mahina?"
"Mahina ka naman talagang nilalang."
Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Bigla naman akong inabutan ni Kurt ng juice.
"Baka mabulunan ka." aniya at habang kumakain din ngayon.
"Thank you."
Kukunin ko na sana ang juice ng inunahan ako ni Troy at siya ang uminom nito. Gulat ko naman siyang tiningnan ng ubusin niya ito.
"Salamat, Kurt." aniya sa kaibigan.
"Akin yun!" reklamo ko habang matalim ang tingin sa kanya.
"Sa'yo ba? Pasensya na, nauhaw kasi ako. Bili ka nalang do'n." aniya sabay ngiti sa'kin.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...