Habulan
"Ang sarap po ng adobo!" si Ayen habang kumakain.
Kompleto na kami ngayon sa bahay ni Dale. Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Ayen at tiningnan si Art.
"Sinabi niyo pa! Parang paborito ko na tuloy 'to." sambit ko
"Ganyan talaga kapag masarap din yung nagluto." si Art sabay kindat sa'kin.
"Pagkain ka po ba, kuya Art?" inosenteng tanong ni Angelo.
Agad ko namang sinipa ang paa ni Art sa ilalim ng mesa dahil katapat ko lang naman siya. Halos mapatayo naman siya dahil do'n.
"Ang sakit no'n ah!" reklamo niya.
"May mga bata, kung ano-ano 'yang lumalabas sa bibig mo." sabay irap ko sa kanya.
"Totoo naman kasi. Ang dami na kayang tumikim sa'kin, lahat sila sinasabing masar--"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sinipa ko na naman siya. Napalakas na talaga ang sigaw niya dahil do'n kaya napangisi nalang ako.
"Buti nga sa'yo."
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at panay ang dagdag ko sa plato ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong kumain ngayon. Kasi naman, wala rin akong ganang kumain sa bahay dahil nga sa mga nangyayari kaya lagi akong gutom nitong mga nakaraang araw. Pakiramam ko tuloy nagiging kalansay na ako.
"Ang lakas palang kumain ng kapatid mo, tol. Parang ilang linggong gutom ohh." si Grey sabay siko kay kuya Calvin na nasa tabi niya.
"Ewan ko nga rin sa isang 'yan, sa bahay hindi naman masyadong kumakain. Hindi na rin 'yan madaldal do'n, laging nagkukulong sa kuwarto."
"Hindi ka pa ba nakakamove-on kay Miko?" biglang tanong ni Duke sa'kin.
Napakunot naman ang noo ko at tiningnan silang lahat na nakatingin din sa'kin at naghihintay sa sagot. Imbis sagutin ang tanong ay inaya ko nalang ang mga bata na hiwain yung cake na binili ko para sa kanila.
Walang kinalaman si Miko sa mga nangyayari ngayon sa'kin sa bahay. Iniiwasan ko na ngang isipin yung tao para makapag move forward na ako tapos sila panay pa ang banggit. Dahil do'n ay hindi na ulit ako nag salita sa hapag. Magiging awkward lang kung magkukunwari pa akong okay ako.
Ilang minuto pagkatapos naming kumain ay nag-aya na ang mga bata na mag laro. Malapit ng dumilim pero gusto nilang mag laro ng habulan kasama kami. Tatanggi pa nga sana ako pero hinila na nila ako palabas ng bahay para maglaro. Kasali ang lahat kagaya ng gusto ng tatlong bata.
"Sino po ang taya?" tanong ni Andie sabay tingin sa'min.
"Si Peter na!" sambit ni JB sabay tawa.
"Hala, bakit ako? si Kurt nalang!" kunot noong sabi ni Peter.
"Anong ako? Dinadamay niyo pa ako, e, nananahimik ako rito."
"Alam ko na po kung sinong taya." si Angel sabay ngiti sa'min.
"Sino?" sabay-sabay naming tanong.
Nang may itinuro siya ay agad naming sinundan ang direksyon no'n. Nagulat nalang ako nang makitang si Troy pala ang tinutukoy niya.
"Ha? Bakit ako?" aniya sabay tingin sa'ming lahat.
"Kasi po kanina ka pa tahimik, nakabusangot ka rin po. Baka kung sakaling ikaw yung taya, maging happy ka na." sagot naman ni Angel.
Napadpad naman ang tingin ni Troy sa'kin kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya. No'ng makita niya kami ni Art sa kusina, hindi na siya nagsalita. Tahimik siya habang nagkakasiyahan ang lahat. Kahit nga sinusubkan siyang kausapin nina kuya, wala pa rin siyang kibo.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...