Singsing
Sabi nila, kapag nag mahal ka, ang mga bagay na akala mo ay imposible, magiging posible. Kaya nga siguro nauso ang katagang, "The more you Hate, the more you Love." kasi minsan, kung sino pa ang taong ayaw na ayaw mo, sila pa ang magpapatibok ng puso mo.
Sabi ko dati, kahit maubos pa ang mga lalaki sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto kay Troy. Pero nakakabusog pala kapag kinain mo mismo ang mga salitang binitawan mo. 'Yong taong sobrang kinaiinisan ko, siya na ngayon ang taong mahal ko. 'Yong taong paulit-ulit kong pinagtatabuyan, siya na ngayon ang hinahanap-hanap ko. Kaso nga lang, pinaglalaruan kami ngayon ng tadhana. Kung kailan pareho na naming mahal ang isa't isa, saka pa nagkagulo ang sitwasyon.
Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. May mga sinabi akong kabaliktaran naman nang nararamdaman ko. May ginawa akong alam kong paulit-ulit kong pagsisisihan. May mga pangako siyang pinanghahawakan ko hanggang ngayon, pero mukhang nakalimutan niya na yata 'yon. Siguro 'yong mga pangako na sa'kin niya ipinangako, sa iba niya na tuparin. Baka sa susunod na magkita kami, kasal na siya sa iba.
"Tulala ka na naman." biglang sulpot ni Eilo sa harapan ko.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya at tiningnan ang librong na sa harapan ko.
"Akala ko ba magrereview ka? Bakit parang iba naman yata ang tumatakbo sa isip mo ngayon?"
"Magrereview na nga ako."
"Iniisip mo na naman siya, 'no?" nanliit na lang ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin.
Hindi ko siya sinagot dahil baka kung ano na naman ang sabihin niya sa'kin.
"Alam mo, kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kapag hindi na ikaw ang mahal niya, bitawan mo na."
"Hindi naman gano'n kadali 'yon." sambit ko sabay iwas ng tingin.
"Letting go is not easy, but holding on to the person who doesn't love you anymore is painful. Si Ryan na mismo ang nag sabi sa'yo na kalimutan mo na siya, 'di ba? Ibig sabihin no'n, may iba na talaga siya. Oras na para bitawan mo siya at mag simula ka ng bago. H'wag mong ikulong ang sarili mo sa pagmamahal na sakit lang din naman ang balik sa'yo."
"Alam ko 'yon. Kailangan ko lang ng sapat na oras."
"Sinasabi mong alam mo pero umaasa ka pa rin naman na pupunta siya rito para sundan ka at tuparin ang mga pangako niya sa'yo. Nakakainis palang magkaroon ng pinsan na marupok at tanga." aniya sabay irap.
"Akala mo naman hindi siya naging tanga." biglang singit ni Nami.
"Hindi naman talaga ako naging tanga katulad niyong dalawa. Sakit sa ulo lang ang ibinibigay niyo sa'kin."
"Hindi pa naman sigurado kung may iba na talaga si Troy. Malay natin napagkamalan lang pala ni Ryan na may iba na tapos kaibigan lang pala 'yon ni Troy. Kaya ikaw Kyla, h'wag ka munang mag move on. Malay nating puwede pa pala kayo, 'di ba?" si Nami sabay tabi sa'kin.
"Ayan! Tinuturuan mo kung paano maging mas marupok ang pinsan natin. Tumigil-tigil ka nga, Nami. Gusto mo pa talaga magaya sa'yo si Kyla na ilang beses na ngang niloko, balik pa rin nang balik sa taong hindi marunong makuntento sa isa."
"Iba naman kasi ang kaso ni Kyla at Troy. Nag hiwalay lang naman sila dahil kina tita Eavine, hindi naman nag loko si Troy sa kanya."
"Hindi nga siya nag loko, pero lahat naman ng pinangako niya kay Kyla, napako. Kaya tignan mo, umaasa pa rin itong si gaga na pupuntahan siya. Mag iisang taon na siya rito pero wala pa rin namang Troy na pumupunta rito at nag popropose sa kanya."
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...