Engage"Ang aga mo yata?" tanong ni kuya Calvin ng makitang handa na ako para pumasok sa eskwela.
"Mauna na akong pumasok." walang emosyon kong sabi at agad na lumabas.
Pumara nalang ako ng taxi para mas maagang makapunta sa eskwelahan at mag bakasakaling maabutan si Miko. Sinubukan ko siyang tawagan ulit kagabi pero hindi niya na sinasagot lahat ng tawag at text ko. Nakakadurog, kasi naiwan akong walang alam at puro tanong yung nasa isip ko.
Kaunti palang ang mga estudyanteng nakita ko nang makarating ako. Dali-dali akong pumunta sa classroom. Mabigat ang pakiramdam ko at pinipigilan ko nalang ang maiyak habang naglalakad. Gusto ko lang siyang maka-usap. Gusto kong maging malinaw lahat sa'kin. Ayaw kong maguluhan lalo dahil sa tawag niya lang sinabing ayaw niya na at wala man lang eksaktong rason na sinabi.
Nang makarating ako sa classroom namin ay wala siya ro'n. Sinubukan ko ring pumunta sa library pero wala pa rin akong nakitang Miko sa loob. Halos libutin ko na ang buong campus para lang makita siya pero wala. Kahit sasakyan nila wala.
Nang tumigil ako sa paglalakad ay agad nalang akong tumingala dahil sa hindi ko na mapigilan pa ang maiyak. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata ko.
"Oh, Kyla! Ang aga mo yatang pumasok ngayon?" biglang lapit ni Lane sa'kin kasama ang mga kaibigan niya.
Hindi ko siya pinansin at lalagpasan nalang sana siya ng bigla akong harangan ng mga kasama niya.
"H'wag ka ngang bastos, kinakausap pa kita." sabay halukipkip niya sa harapan ko.
"Wala akong oras para makipag talo sa'yo." sinubukan ko ulit makaalis do'n pero pinigilan niya na naman ako.
"Parang dati lang gustong-gusto mong binabara ako ah? Bumahag na ba buntot mo, Kyla?"
"Puwede ba, Lane? Kung wala kang ibang magawa sa buhay mo, h'wag ako ang inaabala mo. Hindi ko dapat inaaksaya ang oras ko sa mga taong katulad mo."
"Ang sabihin mo nagkakaganyan ka kasi iniwan ka ni Miko."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Alam kong kilala ni Lane si Miko at magkalapit ang pamilya nila.
"Hindi mo alam, 'no? Wala na si Miko rito. Iniwan ka na niya. Wala na siyang pakialam sa'yo kasi una palang hindi ka naman talaga naging mahalaga sa kanya."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi na rito mag aaral si Miko, hindi na siya babalik dito. Wala na rin siyang pakialam sa'yo kasi may iba na siyang ipinalit sa cheap na kagaya mo. Kawawa ka naman, pinaikot-ikot ka lang niya. Akala mo ikaw yung mahal niya? Pasensya na pero akala mo lang yun, may ibang mahal si Miko. At alam kong mas worth it siya kesa sa'yo."
Hindi na ako nakapag-salita pa dahil sa sinabi ni Lane. Mas lalo akong naguluhan. Mas lalong sumasakit yung dibdib ko sa mga naririnig ko sa kanya.
Wala na si Miko rito? Umalis na siya? Bakit? Gano'n niya ba kaayaw na makita ako?
"H'wag kasi masyadong mataas ang tingin sa sarili, Kyla. Ang yabang-yabang mo pa na naging kayo ni Miko tapos hindi mo alam pinaglalaruan ka lang naman."
"Manahimik ka na."
"Bakit? Kasi totoo?" aniya sabay tawa.
"Gusto mo talagang makatikim?" walang pagdadalawang isip ko siyang tinulak dahilan para muntikan siyang bumagsak kung hindi lang siya nahawakan ng mga kasama niya.
"Ang lakas ng loob mong itulak ako!" galit niyang sabi.
"Ang lakas din ng loob mo para kalabanin ako."
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...