Drunk
Nang makarating kami sa bar ay maraming tao at mukhang kanina pa nagsimula ang pagcecelebrate nila. Bawat mesang nakikita ko ay puno kaya naman hindi ko alam kung saan kami uupo ngayon o baka may lamesa pa ba sa unahan.
"Happy birthday, Karlos." bati ng mga kapatid ko sa lalaking nilapitan namin.
"Thanks, bro. Nga pala, yung lamesa niyo nasa bandang sulok, nandoon na rin si Troy."
May iba pa silang pinag-usapan kaya naman tahimik lang ako sa likod at tumitingin-tingin sa paligid dahil baka makita ko si Cara.
"Kapatid niyo?"
Napatingin nalang ulit ako sa kanila ng marinig ko ang tanong ni Karlos. Nakatitig siya ngayon sa'kin at para bang may mali sa'kin.
"Ah, oo. Sinama na namin kasi walang ibang magawa sa bahay." si kuya Calvin na ang sumagot.
Ilang minuto pa ulit silang nag usap bago kami pumunta sa lamesa namin na tinuro kanina ni Karlos. Papalapit na kami roon ng magtagpo ang mga mata namin ni Troy. May naka kandong sa kanyang babae at pilit pa siyang hinahalikan sa leeg.
"Ang aga pa para riyan, Troy." sabay tawa ng mga kapatid ko.
Umiwas naman ako ng tingin ng bigla niya pinatayo ang babae sabay tikhim.
"Nasaan na sina Art?" pag-iba niya sa usapan.
"Dumaan saglit do'n sa club sa tapat, hahanap daw ng babae."
"Bakit nandito ka?" tanong niya naman sa'kin.
"Sinama na namin, gusto niya kasi--"
"Ano naman sa'yo kung nandito ako? Gusto kong maki-celebrate. Gusto ko uminom, bawal ba yun?" umupo ako sa tapat niya at tiningnan ang babaeng nasa tabi niya na ngayon.
Hindi siya sumagot kaya naman hindi na rin ako nag salita. Pasimple lang akong tumitingin sa kanila ng babae niya at pansin ko kung paano gumapang ang kamay nito sa katawan ni Troy.
"Ang hina mo talaga Dale. Ang ganda na no'ng babaeng lumapit sa'yo tapos inayawan mo pa!" malakas na boses ni JB ang umagaw ng atensyon namin.
Napatingin nalang ako sa kanilang papalapit na ngayon sa amin at may kasamang apat na babae.
"Hindi naman kasi ako tulad mo, dalawa pa talaga ang binitbit." si Dale at halatang naiinis sa kaibigan.
"Anong dalawa? Ibibigay ko kay Troy 'tong isa, 'no!" aniya
"May kasama na si Troy kanina pa, akin nalang 'yan." si kuya Calvin nang makalapit na sila sa amin.
"Ang galing mo talaga pag dating sa babae." si JB sabay ngisi kay Troy.
Umirap nalang ako at tumayo na para pumunta sa front bar. Ang ingay nila masyado at hindi rin naman ako interesadong makisali sa usapan nila. Umorder ako ng inumin ko at bumalik ang tingin sa lamesa namin. Nagkakatuwaan na sila ro'n gaya ng iba pang tao rito pero nang dumapo ang tingin ko kay Troy ay seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.
"Ito na po ma'am."
Ngumiti nalang ako sa bartender at ininom na ang order ko. Ilang minuto bago ko sinubukang tingnan ulit ang mga tao sa mesa namin. Hindi na nakatingin sa'kin si Troy kaya naman mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na sundan ang galaw ng babaeng kasama niya.
Hindi ko alam kung bakit ko ba 'to ginagawa. Dapat wala akong pake, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi bantayan ang babae. Napakunot nalang ang noo ko nang makitang gumapang na naman ang kamay nito sa hita ni Troy.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...