Kabanata 60

46.2K 1.5K 335
                                    


Distansya

"Happy birthday, Kyla!" masayang sigaw ni Nami, pinsan ko.

"Thank you." tipid akong ngumiti sa kanya at sa iba pang bisita. 

Nagkakasiyahan na ang lahat pero ito ako, na sa sulok at mag-isang umiinom. Hindi ko rin naman kasi ramdam na birthday ko. Parang normal na araw na lang 'to para sa'kin. Habang tinitingnan ko ang mga taong nagkakasiyahan sa paligid ko, hindi ko maiwasang isipin ang mga taong naiwan ko sa pilipinas.

Kumusta kaya si Cara? Ilang buwan na ako rito at ilang buwan ko na rin siyang hindi nakakausap dahil pinagbabawalan ako. Sina Dale? 'Yong tatlong bata? Sobrang miss ko na sila. Napahigpit na lang ang hawak ko sa inumin bago ito ininom at inubos. 

Bago ako makapunta rito, sobrang pinagsisihan ko ang mga sinabi ko kay Troy. Gusto kong bawiin lahat ng mga sinabi ko. Gusto kong bawiin ang singsing at sabihin sa kanyang hindi ko naman talaga kayang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Parang gusto ko nang lumabas ng airport no'n at h'wag na lang tumuloy pero pinigilan na lang ako ng mga kapatid ko. Ang hirap pala, akala ko madali lang e. 

Araw-araw umiiyak ako kasi sobrang nangungulila ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto kong umuwi sa pilipinas at pumayag sa gusto niya dati na mag tanan na lang kami. Pakiramdam ko mag-isa ako lagi rito. Wala akong mapagsabihan ng mga problema ko. Wala akong mapaglabasan ng mga hinanakit ko. Hindi naman kasi ako malapit sa mga pinsan ko. Wala rin akong kaibigan dito kasi sa tuwing sinusubukan kong makipag-kaibigan, naaalala ko kung ano ang ginawa ni Aya sa'kin. Pakiramdam ko mauulit lang 'yon kapag nakipag-kaibigan pa ako ulit.

Napatingin na lang ako sa kamay sabay hawak sa daliri kung saan isinuot ni Troy ang singsing na binigay niya sa'kin noon. Masusuot ko pa kaya ulit 'yon? Kapag kaya bumalik ako sa pilipinas, puwede pa? Sana naman puwede pa. Sana walang ibang papalit sa puwesto ko sa buhay niya. Kasi iniisip ko pa lang na mayro'n, nakakadurog na. Sana lang talaga walang kahit anong namamagitan sa kanila ni Aya ngayon.

Minsan naiisip ko siyang tawagan. Para naman masabi ko sa kanya kung gaano ko na kagustong umuwi ng pilipinas at makasama siya. Kung puwede lang languyin ang distansya baka ginawa ko na. Kung puwede lang baguhin ang desisyong ginawa ko, baka dati ko pa binago. Kaso wala e, tanga si Kyla. Tanga ako kaya ganito ngayon. Ako rin ang nasasaktan sa sariling kagagawan ko.

Malungkot akong ngumiti saka tumayo at kinuha ang isang bote ng Tequila. Abala naman ang lahat kaya wala rin namang makakapansin kung papasok na lang ako sa kuwarto ko at iinom mag-isa. Habang naglalakad ako papunta sa kuwarto ko, sunod-sunod din ang inom ko ng alak. Gusto ko lang magpakalasing. Hindi naman kasi masaya ang birthday ko sa taon na 'to kaya ayos na siguro 'to. 

Nang tuluyan na akong makapasok sa kuwarto ko, saka lang kumawala ang nagbabadya kong luha kanina. Napahawak na lang ako sa bandang dibdib ko dahil sa hapdi ng puso ko. Sobrang hapdi, sobrang bigat. Habang patagal ako nang patagal dito sa Spain, mas lalong lumalalim ang sugat sa puso ko. Mas lalong lumalala ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang kailan ko titiisin ang ganito? Hanggang kailan ko titiising hindi makitaang taong mahal ko? 

Napahigpit na lang ang hawak ko sa bote at dirediretsong ininom ang laman no'n. Nang halos mangalahati na ako, tumigil ako saglit para huminga. Mas lalo ring lumakas ang iyak ko nang maalala ko 'yong araw na dinala ako ni Troy sa likod ng campus. Isa 'yon sa pinakamasayang araw ko. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon e. Simpleng date lang pero napaka-espesyal. Kumanta pa siya habang sumasayaw kami. Gusto kong maramdaman ulit ang gano'n. Masaya, magaan, malaya.

Natigilan na lang ako nang maramdaman ko ang pag baliktad ng sikmura ko. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil na rin siguro sa rami nang nainom ko. Dahil sa sobrang nasusuka na ako, kahit nahihilo, mabilis akong tumakbo papunta sa banyo at sumuka sa lababo. Nabitawan ko rin ang bote dahil sa biglaang kilos ko dahilan para mahulog at mabasag 'yon.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon