Kabanata 42

48.1K 1.4K 29
                                    


Gusto

Troy: Goodmorning! Anong oras ka pupunta kina Dale?

Nasapo ko nalang ang noo ko nang mabasa ko ang text na mula kay Troy. Dahil sa nangyari nahihiya na akong harapin siya! Ni hindi na ako makatingin sa mga mata niya kapag nandito siya. Buti nalang talaga at hindi siya madaldal kung 'di baka alam na ng mga kasama namin ang nangyayari sa'ming dalawa.

No'ng gabing yun hinatid niya ako pauwi sa bahay ni Cara. Hindi na nga ako nakapag-pasalamat dahil diretso ang lakad ko papasok sa loob ng bahay sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung paano niya ako nagagawang ngitian kapag nakikita kami. Parang nakalimutan ko tuloy na marami akong problema!

Ako: Siguro mga hapon na ako pupunta ro'n. Tutulungan ko pa si Cara sa paglalaba e.

Troy: Gusto mo ako na mag hatid sa'yo papunta sa bahay ni Dale?

Ako: Hindi na, kaya ko naman kahit ako lang. 

Troy: Magagalit ka ba kung sakaling ligawan kita ngayon?

Hindi ako nakapag-reply agad dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong irereply ko! Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Magagalit ba ako? O hindi? Kapag nanligaw siya sa'kin, ibig sabihin no'n malalaman ng lahat ang nararamdaman niya para sa'kin?

"Kyla!"

Halos maitapon ko ang selpon sa sobrang gulat dahil sa tawag ni Cara sa'kin. Kunot ang noo niyang nakatingin sa'kin at sa selpon na hawak ko. Agad ko naman itong itinago sa likuran ko at ngumiti sa kanya.

"Nitong nakaraang araw ko pa napapansin na may kakaiba sa'yo ah. May tinatago ka 'no?" aniya at nanliliit ang mga matang nakatingin sa'kin.

"Ha? Wala ah!" sabay iwas ko ng tingin.

"Sige nga, patingin nga ng selpon mo? Dali na!" aniya at kukunin na sana ang selpon ko pero agad akong tumakbo papalayo sa kanya.

"Cara! Ayaw ko!" nakabusangot kong sabi.

"Ayun! Sinasabi ko na nga ba. Sino ba 'yang ka-text mo? Bago ba? Si Miko? O ibang lalaki?"

"Hindi! Basta! Saka ko na sasabihin sa'yo kapag sigurado na ako." 

"Kapag talaga 'yan hindi mo sinabi sa'kin, isusumpa kong tatanda kang mag-isa."

Umirap nalang ako dahil tinatawanan na niya ako ngayon. Hindi ko na nareplyan pa si Troy hanggang sa matapos kami ni Cara sa paglalaba. Hapon nang pumunta ako sa bahay ni Dale para bisitahin ang tatlong bata. Kahit problemado ako, hindi ko pa rin talaga nakakalimutang bisitahin sila. Naging parte na rin naman sila ng buhay ko. Isa sila sa nagpapagaan ng loob ko.

Habang nakikipag-laro ako sa mga bata ay napansin ko ang pagiging balisa ni Dale. Para siyang kinakabahan na hindi ko maintindihan. Panay rin ang tingin niya sa'kin at kapag napapatingin ako pabalik ay umiiwas din agad. Anong problema ng isang 'to?

Nang tumayo si Dale at pumunta sa kusina ay sinundan ko naman siya para tanungin kung anong problema. Naabutan ko siyang umiinom ng tubig habang tulala. Nang makitang sinundan ko siya ay nataranta na naman siya at muntikan pang mabitawan ang baso.

"Ayos ka lang?" tanong ko at nilapitan siya.

"O-Oo." maikling sagot niya at umiwas na naman ng tingin.

"Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali. Tapos ngayon namumutla ka pa. Sigurado kang ayos ka lang? Baka may nararamdaman ka na palang kakaiba tapos hindi mo lang sinasabi."

"P-Paano kung m-may nararamdaman nga akong k-kakaiba?"

"Ano ba 'yang nararamdaman mo? Sakit sa katawan? Masama ba pakiramdam mo?"

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon