Kabanata 20

57.2K 1.7K 65
                                    


Ice cream

Nagising nalang akong nasa kuwarto ko na ako at masakit pa ang ulo. Parang kaunti nalang mabibiyak na sa sobrang sakit. Pero paano nga pala ako nakauwi? Ang huling naaalala ko lang e nagkukwentuhan kami ni Cara habang umiinom. Nakatulog ba ako sa bar? Inuwi ba ako agad nina kuya? Mas lalo ko lang naramdaman ang sakit ng ulo ko kakaisip ng mga nangyari kagabi na hindi ko na maalala. Nang tingnan ko ang oras ay alas siyete palang ng umaga kaya naman balak ko sanang matulog ulit ng may marinig akong pamilyar na boses sa labas ng kuwarto ko.

Agad akong napabangon at kahit na kumikirot ang ulo ay tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago lumabas ng kuwarto. Walang tao ro'n kaya naman dumiretso ako sa kuwarto ng mga kapatid ko at kumatok bago binuksan ang pinto.

"Kuya--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bumungad sa'kin ang bagong gising na si Troy.

Nang tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa ay suit niya ang damit ni kuya Calvin. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit siya nandito? Nakatulog ba siya rito?

"Gising ka na rin pala." aniya habang hawak ang ulo niya.

"Bakit ka nandito? Suot mo pa ang damit ni kuya Calvin."

"Wala kang maalala sa nangyari kagabi?" kunot noo niyang tanong.

"Bakit? Ano bang nangyari kagabi?"

Wala naman siguro akong kalokohang nagawa kagabi, 'di ba? 

"Sa dami ba naman nang ininom mo may maaalala ka pa? Sinukahan mo lang naman si Troy no'ng sinundo ka niya sa club kung saan kayo pumunta ni Cara." biglang sulpot ni kuya Ryan.

"Club? Pumunta ba ako ro'n?"

"Oo, buti nga at nahanap ka agad ni Troy. Kung hindi, ewan ko nalang. Baka nagaya ka pa kay Cara na muntikan nang mapahamak kagabi." aniya sabay labas ng kuwarto.

Gulat naman akong napatingin kay Troy na nakatingin lang din sa'kin ngayon. Si Cara? Napahamak kagabi?

"Anong nangyari kay Cara kagabi?"

"Sa kalasingan niya, sumama siya sa lalaking hindi niya kilala. Muntikan siyang gahasain, mabuti nalang at nakita siya ni Dale kaya maayos na siya ngayon." 

"Bakit naman siya sasama sa hindi niya kilala, e, sabi niyo magkasama kami?"

"Maraming tao sa club, Kyla. Nagsasayawan sila kaya malamang mahihiwalay talaga kayo sa isa't-isa. Buti nga at nakita kita agad kung hindi baka ikaw rin sumama sa hindi mo kakilala."

"May iba pa ba akong ginawa kagabi? O nasabi? Wala kasi akong maalala."

Ilang sigundo muna bago siya sumagot. "Wala naman."

Tumango-tango naman ako sa kanya at agad na nag iwas ng tingin dahil nakatitig pa rin siya sa'kin. Wala nang nagsalita sa aming dalawa kaya nagpaalam na akong babalik sa kuwarto ko. Nang makabalik ako sa sariling kuwarto ay agad kong hinanap ang selpon ko para kumustahin sana si Cara pero habang hinahalungkat ang gamit ko ay napansin ko ang bracelet na nakasuot sa kamay ko.

Inangat ko ang kamay ko at tiningnan ng mabuti ang bracelet. Ito yung bigay ni Aya sa'kin na nakuha ni Troy. Pero bakit nasa akin na ulit? Hiningi ko ba sa kanya kagabi? Baka gano'n na nga? Bumuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa paghahanap sa selpon ko hanggang sa makita ko ito. 

Nang matawagan ko na si Cara ay kahit siya walang maalala sa mga nangyari kagabi. Hindi niya rin alam na muntikan na pala siyang mapahamak dahil hindi naman daw siya napagalitan sa bahay nila at maayos na naiuwi ng kung sino mang nag hatid sa kanya kagabi. Ang mahalaga nalang siguro ay pareho kaming maayos.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon