DatePaika-ika akong nakauwi ng bahay nang gabing 'yon sa sobrang sakit ng paa ko dahil sa pagkakatapilok. Buti nga at may nakita akong taxi no'ng makalayo ako sa lugar na 'yon. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit may kakaibang pakiramdam ako.
Sobrang misteryoso ng lalaking yun, ni hindi ko man lang nakita ang mukha niya. Pero parang pamilyar ang boses niya sa'kin. Para bang narinig ko na yun kung saan.
Nang makauwi ako buti nalang wala sina Mommy at Daddy para tanungin ako kung bakit nahuli ako nang uwi. Dumiretso nalang ako sa kuwarto ko at nagpahinga sa sobrang pagod na naramdaman ko.
Sa mga sumunod na buwan ay hindi ko na nakita pa ang lalaking yun. Ginawan ko rin ng paraan para hindi ko na maisip ang mga nangyari sa gabing yun lalo na at exam week na namin.
Kahit sobrang stress ay hindi pa rin nakakalimutan ni Miko ang bigyan ako ng bulaklak kada araw, palagi niya ring pinapagaan ang loob ko para raw hindi ako masyadong mapressure.
"Ikaw ha, sinasanay mo ako masyado sa mga pabulaklak at pakain mo. Tataba na yata ako dahil sa'yo." pabirong sabi ko habang kumakain kami.
"Tumaba ka man o hindi, ang importante hindi kita napapabayaan."
"Sus, kung ano-ano pa ang sinasabi mo, kumain ka na nga riyan!" nakangiting sabi ko.
"Huling araw na ng exam ngayon, puwede ba kitang yayaing lumabas mamaya?"
"Ano namang gagawin natin?"
"Basta, surprise lang." aniya at ngumiti.
"May pasurprise-surprise ka pa talagang nalalaman ha."
"Oo naman, ako pa ba?" sabay kindat niya sa'kin.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng biglang may lumapit sa aking babae.
"Hello. Ikaw si Kyla, 'di ba?"
Tumango naman ako sa kanya at tiningnan siyang mabuti. Parang pamilyar siya sa'kin kaso hindi ko maalala kung sino.
"Ah, ako nga pala si Aya. Yung pinagtanggol mo ro'n kay Trisha." aniya sabay ngiti sa'kin.
Ang inosente niyang tignan, para bang ang bait-bait niya.
"Ah, ikaw pala yun. Bakit? Anong kailangan mo?"
"Gusto ko lang sanang mag thank you sa'yo dahil sa ginawa mo. Pasensya na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan ka. Alam ko kasing medyo abala ka pa kaya hindi muna kita inistorbo."
"H'wag mo ng isipin yun, basta mag ingat ka nalang sa susunod."
"Pero gusto ko sanang ibigay sa'yo 'to. Simple lang 'yan pero gusto kong ibigay sa'yo kasi gusto kong makipag-kaibigan. Pero kung ayaw mo naman, ayos lang din." aniya at may inabot sa'king maliit na box.
Tinanggap ko naman ito at binuksan. May dalawang bracelet na nakalagay sa loob nito kaya naman bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Dalawa 'to, ibig sabihin ba kapag tinanggap ko 'to, e, susuotin mo ang isa at akin ang isa?"
Nahihiya naman siyang tumango sa'kin kaya tipid akong ngumiti sa kanya.
"Mukha ka namang matino, kaya sige. Pero h'wag mo nalang asahan na magiging mabait ako sa'yo dahil magkaibigan na tayo." sambit ko at inilapag nalang sa mesa ang box na binigay niya.
Ngumiti naman siya sa'kin at umupo sa upuang nasa tabi ko. Tumingin naman ako kay Miko na nakangiting nakatingin sa'kin ngayon.
Nang matapos na ang huling exam namin sa araw na 'yon ay agad naman akong sumama kay Miko dahil sa sinasabi niyang surprise niya sa'kin. Dinala niya ako sa isang magandang resort at handa na ang lahat para sa date naming dalawa.
"Sinadya kong dito nakapwesto ang date natin para kasama kitang makita ang pag lubog ng araw."
Namamangha lang akong nakatingin sa inihanda niya para sa aming dalawa. Parang nawala lahat ng stress ko kanina dahil dito.
Agad ko naman siyang niyakap sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon.
"Thank you, Miko."
Niyakap niya naman ako pabalik at gumalaw na siya na para bang sinasayaw niya ako.
"Gagawin ko lahat ng makakapag pasaya sa'yo, Kyla. Ilang taon kong hinintay na mangyari ang araw na 'to, kaya sisiguraduhin kong maaalala mo lahat ng 'to hanggang sa tumanda tayo pareho."
Wala na akong iba pang masabi hanggang sa kumain na kami. Pareho rin naming pinagmasdan ang paglubog ng araw hanggang sa gumabi na. Nakayakap lang siya ngayon sa 'kin mula sa likuran habang pareho naming sinasalubong ang malamig na hangin.
"May tanong ako."
"Ano yun?" aniya at mas hinigpitan pa ang pag yakap sa'kin.
"Paano kung hindi tayo naging magkaklase? Hindi mo ba ako lalapitan kung gano'n? O hindi ka ba maglalakas loob na ligawan ako?"
Hindi muna siya nagsalita bago bumuntong hininga.
"Hindi ko alam. Hindi naman kasi ako naniniwala dati sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko e."
"Ano bang naririnig mo sa kanila?"
"Ang sabi nila gusto mo raw ako. Na may nararamdaman daw ang isang Kyla Delos Reyes para sa akin. Hindi ko naman pinaniwalaan yun kasi pakiramdam ko napaka imposibleng mangyari ng bagay na yun."
"Bakit naman imposible?"
"Kung kumilos ka ba naman kasi parang mas kailangan mo ng lalaking kaya kang ipagtanggol sa lahat ng oras. Kahit saan ka ilagay lagi kang nakakahanap ng makakaaway dahil sa katarayan mo. At isa pa, inisip kong baka hindi ako magustuhan ng mga kapatid mo. Natakot ako kaya hindi ako sumubok."
"Pa'no 'yan, alam mo na ngayong gusto kita. Hindi ka na ba natatakot na baka hindi ka magustuhan ng mga kapatid ko?" hinarap ko siya at tinitigan siya sa mata.
"Hindi na. Ang mahalaga may nararamdaman ka rin para sa'kin. Gustuhin man nila ako o hindi, mas mahalaga yung nararamdaman mo para sa'kin."
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya.
"Alam mo bang tinanong ko si Mommy at Daddy kagabi kung payag ba silang maging tayo?"
"Ano namang sagot nila?"
"Oo raw."
"Tapos?"
Hindi ko na mapigilang matawa ngayon dahil sa reaksyon niya at kunot na rin ang noo.
"Ibig sabihin no'n, oo na yung sagot ko sa'yo."
"Anong ibig mong sabihin?"
Humalukipkip ako sa harap niya at tinaasan nalang siya ng kilay.
"Ano nga?" para na siyang kabado sa mukha niya ngayon kaya naman mas napangiti ako.
"Tayo na."
"Tayo na? Girlfriend na kita gano'n ba?"
Tumango naman ako sa kanya kaya naman agad niya akong niyakap habang sumisigaw.
"Totoo ba? Walang bawian? Hindi biro?" paninigurado niya.
"Oo nga! Paulit-ulit ka naman." natatawang sagot ko sa kanya
"I love you, Kyla." sabay halik niya sa noo ko.
"I love you." nakapikit na sabi ko at niyakap siya pabalik.
Nang dumilat ako at may bigla akong napansin sa hindi kalayuan. Madilim na kaya hindi ko makita ng maayos kung ano yun. Nagtaka nalang ako ng nagmadali siya bigla dahil sa napansin ko siya. Bigla ulit akong nakaramdam ng kaba sa hindi ko malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...