Rason
"Kyla, hindi ka ba masayang nandito na ako gaya ng pangako ko sa'yo? Malapit ko nang maayos laha--"
"Bakit ka nandito Miko? Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa'kin pagkatapos mo akong lokohin?"
"Kyl--"
"Bakit ka ba bumalik? Hindi ba masaya ka na kasama si Leika? Bakit nandito ka na naman? Plano mo bang pikutin na naman ako? Magsisinungaling ka na naman ba? Sasaktan mo na naman ba ako?"
Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya nang magsimula akong umiyak. Akala ko okay na ako kay Miko. Pero bakit may sakit pa rin? Ang dami ko ng dapat isipin tapos dumagdag pa siya. Palagi nalang ba talaga akong pahihirapan?
"Kyla, bumalik ako rito kasi malapit na naming makumbinsi ang mga magulang namin na hindi talaga namin gusto ang isa't-isa. Nangako ako sa'yo, 'di ba? Na kapag maayos na lahat, babalik ako rito para sa'yo."
"Nangako? Kailan ka nangako sa'kin, Miko? Wala akong natatandaan na nangako ka sa'kin. Ang natatandaan ko lang pinaghintay mo ako, iniwan ng hindi man lang nagsasabi kung ano yung totoong rason kung bakit mo ako hiniwalayan. Umalis ka pagkatapos mo ako dinurog. Sobrang galit ako sa'yo. Sobrang galit ako sa ginawa mo sa'kin!"
"Per--"
"Ano? Susubukan mong paikutin na naman ako? Naniwala ako sa'yo e. Naniwala ako sa inyo ni Leika. Akala ko magkababata lang kayo tapos biglang malalaman ko sa ibang tao na ikakasal na pala kayo no'n? Akala ko kilala na kita, Miko. Pero hindi pa pala talaga. Ang daming mong tinago sa'kin. Nag sinungaling ka sa'kin at pinagsabay mo pa talaga kami ni Leika. Manloloko ka."
"Pinaliwanag ko na sa'yo ang sitwasyon k--"
"Pinaliwanag? Sino bang inuuto mo, Miko? Kahit kailan hindi ka nagpaliwanag sa'kin. Hindi ka nangako sa'kin. Hindi ka nag sabi ng totoo sa'kin. Iniwan mo ako ng biglaan tapos babalik ka na parang walang nangyari? Na parang hindi mo ako sinaktan?"
"Binasa mo ba talaga ang sulat na pinabigay ko sa'yo?" kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya ngayon.
"Sulat? Alin do'n? Yung mga sulat na binigay mo sa'kin dati? Tinapon ko na! Basura nalang yun para sa'kin. Wala na yung kuwenta dahil hindi rin naman ako pinahalagahan ng taong nag bigay no'n sa'kin."
"Hindi yun ang tinutukoy ko."
Natigilan nalang ako dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko puro kasinungalingan lang ang lumalabas sa bibig niya. Na kapag naniwala ako sa kanya ngayon, ang tanga ko na naman.
"Bago ako umalis may pinabigay akong sulat sa'yo. Ngayon kung hindi mo yun binasa, sasabihin ko nalang para naman maintindihan mo na ako."
"Ayaw ko nang makinig pa sa'yo, Miko. Kasi puro kasinungali--"
"Totoong magkababata kami ni Leika. Hindi ko siya gusto at hindi niya rin ako gusto. Maayos kami noon hanggang sa mag desisyon ang pamilya namin na ipakasal kami. Kumontra kami, ilang beses naming binalak na makaalis sa sitwasyon na yun. Pero no'ng nakaraang taon inipit nila kami lalo. Pareho kaming walang ibang magawa kung 'di ang sumunod nalang at humanap ng tamang oras para sa susunod na plano namin."
"Miko, umalis ka na. Hindi ako interesadong makinig sa mga kasinungalingan mo. Umalis ka--"
"No'ng araw na tumawag ako sa'yo para makipag-hiwalay, pinilit ako ni mama no'n. Kaya hindi ko magawang maipaliwanag sa'yo kasi nag-iisip ako ng ibang paraan para maintindihan mo lahat. Bago kami umalis dito, may sulat akong inabot kay Aya para ibigay sa'yo. Do'n nangako ako na babalik ako sa oras na maayos ko na lahat. Babalikan kita kapag nasigurado ko ng wala ng kokontra sa'kin. Hirap na hirap ako no'n pero wala akong magawa. Sobrang nasaktan kita pero nasaktan din naman ako. Nagpakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal. Araw-araw iniisip ko nalang na ikaw yung kasama ko. Na ikaw yung kasabay ko sa pagkain. Sobrang miss na kita, Kyla. Tiniis ko yung lungkot para pagbalik ko, maibigay ko na lahat sa'yo."
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)
Teen FictionMay iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang Mahangin na kinahuhumalingan at laging nasasangkot sa kaguluhan. Kapag ba pinagtagpo ang dalawa, ma...