Kabanata 46

48.6K 1.3K 30
                                    


Sayaw

"Anong ginagawa natin dito, Troy? At paano mo napapayag ang guard na makapasok tayo rito ng ganitong oras at araw?"

"Basta!" aniya sabay hila sa'kin.

"Akala ko ba surprise? Bakit nandito tayo sa campus? Mag eenroll ka ba?"

"Hindi."

"E, ano nga?"

Hindi niya akong sinagot hanggang sa nakarating kami sa likod ng campus. Natigilan na lang ako ng makita ang magagandang lights na naroon, may lamesa na rin at iba pang kakailanganin. Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay may hawak ng bulaklak.

"Hindi ko alam kung maganda ba ang pagkaka-ayos ko rito pero sa tingin ko naman pasado na. Bulaklak nga pala para sa'yo." 

"Ikaw ang nag ayos nang lahat ng 'to?"

"Oo. Siguro napapaisip ka kung bakit dito kita dinala kung puwede namang sa mamahaling restaurant o kung saan na mas maganda. Pero gusto ko lang kasi na mangyari ang first date natin sa lugar kung saan una nating napansin ang isa't-isa. Nag dadalawang isip pa nga ako no'ng una, pero nag baka sakali pa rin ako na magustuhan mo lahat ng 'to."

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya. Kakaiba rin mag effort ang isang 'to ah. Ginawa niya rin kaya 'to sa iba?

"Umupo ka na, paparating na rin yung inutusan ko para sa pagkain natin." aniya at inalalayan ako papunta sa lamesa namin.

"Grabe yata effort mo rito ah?" sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo na rin siya sa upuan niya.

"Syempre naman, sayang ang kapogian ko kung hindi ako marunong magpasaya ng babae."

"Bakit? Sigurado ka bang masaya ako?"

"Hindi ka ba masaya sa ginawa ko?" saglit siyang tumigil at tinitigan akong mabuti. "Kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko, lipat na lang tayo. Saan mo ba gusto?"

"Baliw, biro lang! Ang seryoso mo naman masyado."

"Ang pangit mo naman mag biro." aniya sabay irap.

"Aba, sungit mo ah. Joke nga lang kasi yun. Syempre nagustuhan ko yung ginawa mo. Maganda naman e, hindi ko nga akalain na gagawin mo 'to. Parang wala kasi sa ugali mo ang gumawa ng ganitong klaseng effort para sa isang babae."

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko para sa isang babae?"

"Hindi ko alam. Baka kinakama mo lang agad? Nilalandi sa bar? Dinadala sa lang--"

"Hep! H'wag mo nang ituloy ang sasabihin mo."

"Bakit? Totoo 'no?"

"Bakit ba ito ang pinag-uusapan natin? Iba na nga lang!"

"Aysus, linayahan  ng mga guilty." tinaasan ko siya ng kilay sabay sandal sa upuan ko.

"Hindi ako guilty."

"Sige, sabi mo e.

Pareho kaming natahimik habang nakatitig sa isa't-isa. Nang bigla siyang ngumiti sa'kin ay napalunok naman ako. Iba talaga kasi ang dating ng ngiti niya sa'kin. Para akong aatakihin sa puso! 

Nang dumating ang inutusan niya para sa pagkain namin ay siya na mismo ang nag lagay no'n sa mesa namin. Nang amuyin ko yun ay agad akong napatingin sa kanya.

"Lutong bahay ba 'to?"

"Oo, pa'no mo nalaman?"

"Ikaw ang nag luto?"

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon