Kabanata 44

46.7K 1.3K 85
                                    


Mahal

Nang makarating ako sa tapat ng bahay ni Troy ay kakatok na sana ako nang mapansin kong bukas ang pinto. Hindi ba siya marunong mag sara ng pinto ng bahay niya? Sumilip muna ako sa loob bago tuluyang pumasok. Walang tao sa sala pati na rin sa kusina. Nag lakad nalang ako papunta sa kuwarto niya.

Kahit ang pinto ng kuwarto niya ay bukas. Papasok na sana ako ng may marinig akong pamilyar na boses ng babae. 

"Kung gano'n, sino?"

"Aya, simula pa lang nilinaw ko naman na sa'yo, 'di ba?" 

Kunot ang noo akong sumilip sa loob at doon bumungad sa'kin si Aya na may hawak na bulaklak at si Troy na may kung anong kinukuha sa aparador niya. Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito? At paano siya nakarating dito? Balak na naman ba niyang ahasin si Troy?

"Kaya nga tinatanong ko kung sino." mahinahong sabi ni Aya sabay lapit kay Troy.

Namuo na naman ang galit ko nang makita kung paano niya hawakan sa braso si Troy. Agad akong pumasok at hinila siya papalayo kay Troy. Gulat siya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam.

"Bakit nandito ka na naman? Ano na namang balak mo, ha?" 

"K-Kyla? Bakit ka nandito?" aniya sabay tingin kay Troy na nasa likuran ko at pinipigilan ako sa kung ano man ang gagawin ko sa babaeng 'to.

"Nandito ako para bisitahin ang boyfriend ko. Ikaw? Nandito ka ba para ahasin siya? Ang tibay naman ng pagmumukha mo at gusto mo pa yatang paulit-ulit kang makatanggap ng sampal sa'kin."

"Boyfriend mo pala ako?" bulong ni Troy sa'kin.

"Siya ang tinutukoy mo, Troy? Akala ko ba nililigawan mo pa lang? Bakit boyfriend ka na niya?"

"Bakit ba panay ang tingin mo sa kanya? Umayos-ayos ka, baka gawin kong fishball 'yang mata mo."

"Kyla," si Troy sabay hawak sa braso ko.

Matalim naman ang tingin ko sa kanya at hinawi ang hawak niya sa'kin. Malilintikan ka sa'kin mamaya, Troy. 

"Balita ko marami kang manliligaw at puro kaibigan ng mga kapatid mo. Bakit hindi nalang sila ang sagutin mo? Natatakot ka siguro na kapag hindi si Troy ang sinagot mo, mapupunta siya sa'kin?"

"Ako? Matatakot? Gaano ka ba kaganda para patulan ni Troy? Sa tingin mo magkakagusto siya sa katulad mong uhaw sa atensyon at pagmamahal kaya nang aagaw ng pamilya? Pasensya ka na pero hinding-hindi ka niya papatulan. Siguro nakuha mo ang pamilya ko. Ang buhay na mayro'n ako. Pero lahat ng inagaw mo sa'kin, babawiin ko sa'yo. Ibabalik kita sa lupa kung saan kita napulot. H'wag masyadong mataas ang lipad ha? Baka kapag nahulog ka, diretso kabaong ka na."

"Kahit kailan talaga mayabang ka."

"Mayabang ako kasi may maipag-mamayabang ako. Kesa naman sa'yo, ipagmamayabang mo yung mga bagay at tao na hindi naman sa'yo. Desperada, manggagamit at ahas ka."

"Ito ba ang babaeng mahal mo, Troy? Bastos kausap at walang modo."

"Uhuh, ako ang mahal niya kaya umalis ka na kung ayaw mong sabunutan kita hanggang sa makalbo ka at baliin ko lahat ng buto sa katawan mo. Hinding-hindi kita aatrasan, Aya."

Galit siyang umalis sa kuwarto ni Troy kaya naman dali-dali kong sinara ang pinto. Kitang-kita ko pa rin ang gulat sa mukha ni Troy pero hindi ko na talaga maitago ang inis ko sa lalaking 'to. Huminga muna ako ng malalim bago nag salita.

"Bakit siya nandito?"

"A-Ah, kas--"

"Kaya pala umalis ka kanina imbis na lumapit sa'kin? Tapos binigyan mo pa siya ng bulaklak! Hinayaan mo pa siyang hawak-hawakan ka. At payag ka pang pumasok siya rito sa kuwarto mo?"

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon