Ito na talaga ang araw ng kasal ni mama at magiging Evergreen na ako ngayong araw. Isa itong bangungot. Sana magising na ako.
"Aya, kain na."
"Wala akong ganang kumain." Tumalikod na ako sa kanila dahil ayaw ko silang makasabay sa pagkain.
"Aya, huwag mo ko babastusin."
"Kahit kailan hindi kita tatanggaping biglang ama ko! Kahit magsumbong pa kayo kay mama ay wala akong pakialam dahil aalis na rin ako sa pamamahay na ito!"
"Aya.." May humawak sa braso ko para dahilang huminto ako sa paglalakad.
"Aba!" Padabog kong hinawi ang braso ko. "Ang lakas mong tawagin ako pagkatapos ng mga binibigay mo ng salita sa akin sa tuwing nagkikita tayo sa hallway ng paaralan tapos ngayon makatawag ka ng Aya. Ang kapal ng mukha mo, Aizen! At huwag kayo magaalala dahil hinding hindi ko rin kailangan ng pera niyo!"
Pagkalabas ng ko sa bahay na iyon ay hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon lalo na't gabi. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito kumpara sa dating bahay namin.
"Hi, miss. Magisa ka lang ba?" Ang baho niya! Amoy alak pa, nakakasuka yung amoy. "Kung wala kang kasama, samaham mo na lang ako."
"Ayaw ko! Binitawan mo ko!"
"Nahiya ka pa, miss." Hinawakan na niya ako sa braso. "Alam kong ganito ang gusto mo mangyari kaya pagbibigyan kita."
"Ugh!" Bumitaw na sa braso ko ang lalaki dahil napaupo ito sa semento."
"Get lost!" Sabi noong tumulong sa akin.
"Caleb?"
"Aya? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Ang alam ko malayo ang bahay mo dito."
"Uh, lumipat na kasi kami ni mama ng bahay kaya dito na kami nakatira."
"Ganoon ba? Hatid na kita sa inyo."
"Huwag na. Gusto ko na muna ang makapagisa ngayon."
"Nandito lang pala kita mahahanap." Namilog ang mga mata ko noong marinig ang boses ni Aizen.
"Aizen."
"Hindi ko alam nandito ka rin pala, Caleb. Ano ang ginagawa mo dito?"
"Pauwi na rin ako galing sa bahay ng kaibigan ko pero nakita kong binabastos si Aya ng isang lasinggero kanina."
"Tsk. Sige, umuwi ka na at ako na bahala kay Aya.." Hinawakan ako ni Aizen sa braso at hinila palayo kay Caleb.
"Aizen, bitawan mo nga ako!"
Huminto siya sa paglalakad, binitawan na rin niya ang braso ko bago humarap sa akin.
"Because of our parents marriage kaya pasalamat ka hindi ko tinanggal ang scholarship mo, babae." Sabi ng mayabang na Aizen na ito.
"Damn, Aizen. Tigil-tigilan mo na ako! Hindi porket nakatira na tayo sa isang bubong ay papayag na akong guluhin mo ang buhay ko! Please, give me some privacy.." Inis kong tugon.
"Wow. Anak mahirap nag---" Isang sampal ang ginawa ko sa kanya. Hindi porket mayaman siya ay gaganoonin na niya ako.
"Hindi na ako papayag na pahiyain mo ko sa harapan ng maraming tao, Aizen. Hinding hindi. Kahit mawala pa sa akin ang scholarship ay magpapasalamat pa ako sayo dahil makakalipat na ako ng paaralan. Nagtitiis lang ako sa paaralan niyo dahil wala kaming perang pangbayad sa tuition fees ko. Huwag ka na magtanong dahil sabi ko nga sa inyo kanina hinding hindi ako hihingi ng pera sa inyo. Kaya kong mabuhay na hindi humihingi ng pera dahil ikaw pa nga ang nagsabi anak mahirap lang ako kaya handa akong magutom kahit hindi ako kumain." Hinawi ko na ulit ang braso ko. Akala mo kung sino na. Naglalakad na ako palayo sa kanya dahil ayaw ko makita ang pagmumukha ng lalaking iyan.
"Hindi mo ba alam kung gaano kahirap gumawa ng paraan para lang mapansin mo ang katulad ko."
"Ah.. Gumagawa ka ng paraan para mapansin kita. Pwes ang ginagawa mong paraan kundi pahiyain ako sa ibang tao ay nagsasabi ka ng masasakit na salita. Akala mo hindi ako nasasaktan sa mga salita mong iyon?! Doon ka nagkamali dahil nasasaktan ako!"
Hindi na ako magsalita pa noong niyakap niya ako.
"Hindi kita tinatanggap maging bahagi ng pamilya." Tinulak ko siya dahil sa sinabi niya.
"Huwag ka magaalala dahil hindi rin naman talaga papayag na maging bahagi ka!"
"Let me finish, idiot." Sasampalin ko na sana siya ay biglang nahuli niya ang kamay ko. "Kung may balak kang sasampalin ulit ako ay hindi na ako magpipigil na halikan ka."
"Subukan mo! Dahil ikaw na ang huling angkan niyo pag hinalikan mo ko!"
"Bakit?"
"Anong bakit?!" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Bakit si Caleb ang gusto mo? Bakit ang kaibigan ko pa?!"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo diyan." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Imposible naman sabihin ni Callie sa kanya dahil alam ko galit si Callie kay Aizen.
"Hindi ako tanga para hindi ko mapansin na may gusto ka kay Caleb, Aya."
"Para sa akin tanga ka dahil wala ka namang alam gawin kundi ang inisin ako."
"So, bakit nga si Caleb?"
"Mabait na talented pa si Caleb kaya ko siya nagustuhan."
"Talented rin naman ako ah. Kaya kong talunin si Caleb sa basketball."
"Pero hindi ka mabait. At malabong-- Teka nga, bakit mo ba gusto malaman kung bakit si Caleb ang gusto ko ah?"
"Dahil gusto kita, Aya. Kahit noong mga bata pa lang tayo pero hindi masabi sayo dahil palagi mo kasama si Caleb and I really hate it."
Ano daw? Hindi maproseso sa utak ko ang sinabi niya sa akin. Gusto niya ako. What?! Gusto niya ako?!
"Gusto mo ko?! Huwag mo nga ako pinagloloko, Aizen!"
"Hindi kita pinagloloko. Kaya nga hindi kita tinatanggap na maging bahagi ng pamilya dahil ayaw ko maging magkapatid tayo." Hindi ako makagalaw noong hinalikan niya ako sa labi pero hindi rin ako tumutugon. Bahala siya diyan dahil wala akong alam sa ganitong bagay. Kaya lang first kiss ko ito na dapat si Caleb ang magiging first kiss ko. Tinulak ko siya gamit ang buong lakas ko.
"Sino nagsabi sayo nakagawan mo ko ng halik ah? Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin, bwesit! Mamatay ka na sana!"
Pagkauwi sa bahay ay dumeretso na agad ako sa kwarto.
"Argh! Bwesit ka, Aizen! Sira palagi ang araw ko pag nakikita kita!"
Sinusumpa ko na hinding hindi talaga ako magkakagusto sa katulad niya. Argh. Kainis talaga dahil ninakawan niya ako ng halik. Hindi ko talaga siya mapapatawad!
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...