Kinabukasan...
Maaga ako nagising ngayon dahil hihintayin ko ang pagpunta ni Callie dito sa bahay. Kumain na rin ako ng almusal.
"Mama, dad, pupunta po dito ang kaibigan kong si Callie."
"Si ms. Tan?" Tumango ako kay dad. Kilala niya kasi si Callie, kasi noong nakasalubong namin si dad ay pinakilala ko sa kanya si Callie.
"Yes po. Nagiging busy na po kasi kami kaya miss na namin ang isa't isa."
"Hindi ba't magkaklase kayong dalawa?"
"Yes po. We're classmate pero hindi na rin po ako nakakasabay sa pagkain kasama tuwing lunch break." Sumulyap ako sa gawi ni Aizen na busy sa kinakain niyang pancakes and bacon. Ang takaw talaga niya.
"Ito ang unang beses na magimbita ka ng kaibigan mo, Aya." Sabi ni mama. Ngumiti ako sa kanya.
Pagkatapos kumain ay tinulungan ko na si mama maghugas ng pinagkainan.
11:00am
Mukhang nandito na si Callie dahil boses na niya ang naririnig ko. Iiwanan siguro niya si Aizen.
"Pwede ba kung wala kang sasabihin. Tsupi!" Sabi ni Callie.
"Paalala ko sayo, Callie nasa teritoryo kita. Oh, right! Kahit pala sa eskwelahan na pinapasukan mo ay teritoryo ko rin dahil si dad ang may ari noon. Kaya umayos ka at baka kalimutan--"
Lumapit na ako sa kanila bago ano pa ang manyari sa kanilang dalawa dito sa labas. Kahiya.
"Callie, tara na sa kwarto. Doon na tayo magusap." Pag alok ko.
"Ow! Takte! Ano ba problema mo babae ka! Bwesit!" Sigaw ni Aizen. Ano ang nangyari?
Pagkapunta namin sa kwarto ko ay umupo na agad si Callie sa dulo ng higaan ko.
"May gusto akong sabihin sayo, Aya." Kinuha ko yung silya at nilagay sa harapan niya bago umupo. Tumingin ako sa kanya.
"Ano iyon?"
"Hindi ko na kasi maintindihan si Caleb, simulang natapos ang Sport Festival ay nagiging mainitin na ang ulo niya. Palagi na rin nakakulong sa kwarto niya. Lalabasan na lang kung kakain tapos pagkatapos niya kumain ay babalik na siya agad sa kwarto niya."
Callie is my best friend kaya kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Pinagkatiwalaan ko naman siya at alam kong hindi niya gagawin na ipagsabi sa iba.
"Siguro alam mo kung bakit naglaban sina Caleb at Aizen pagkatapos ng Sport Fest."
"Yup. Nagulat nga ako noong natalo si Aizen sa laban nila. Alam ko sa kanilang dalawa ay ang halimaw na iyon ang pinakamagaling."
"May injury pa kasi si Zen kaya siya natalo. At kaya lang naman siya hinamon ni Caleb because of me."
"Bakit? Hindi naman kaya may gusto sayo ang kakambal ko?!"
"Hindi naman siguro babalakin akong ligawan kung hindi ako gusto ni Caleb, no?"
"May point ka diyan! So ano nga ang nangyari? Hindi naman manghahamon si Caleb basta basta."
"I have a relastionship with Aizen, Callie."
"What?!" Nagulat siya. Sino ba naman ang hindi? Dati ay galit ako kay Aizen pero ngayon ay boyfriend ko na. "Seryoso? Akala ko ba may gusto ka kay Caleb?"
"Onti-onti na kasi nawawala ang pagtingin ko kay Caleb. Pakiramdam ko hanggang kaibigan lang talaga kami. At hindi naman mahirap mahalin si Zen."
"Hindi naman ako magagalit sayo, Aya. Kung saan ka masaya ay susuportahan kita. Nandito lang ako palagi sa tabi mo pero ingat lang pag nalaman ng ibang estudyante ang tungkol sa relasyon niyo."
"Kaya nga patago kaming dalawa ni Zen. Kahit ang mga magulang namin ay walang alam sa relasyon namin."
"Hindi ako mapaniwalang papayag ka sa set up na ganito."
"Mahal ko, eh kaya papayag ako. At saka si Zen ang first boyfriend ko. Suportadong boyfriend nga si Zen."
"What do you mean supportive boyfriend si Aizen?"
"He told me na sasamahan niya ako sa mga gusto ko gawin sa buhay."
"Okay, may kilig rin pala natatago si Aizen. Pero ingat talaga, Aya lalo na sa dalawang bitch sa campus."
Ang ibig sabihin ni Callie doon ay sina Sabrina at Sophia. Ang dalawang nangbully sa akin... Noong nalaman ni dad ang nangyari sa akin ay pinatawag noon ang mga magulang nilang dalawa at bilang kaparusahan ay kick out sana pero nakiusapan ko si dad na huwag i-kick out. Kaya ayun suspend lang. Kaya matagal na rin hindi ko nakikita ang dalawang iyon.
"Yeah, I know. Magiingat talaga kami ni Zen."
"Mukha namang hindi papayag ang boyfriend mo na apihin ka ulit. Kahit ako hindi papayag na apihin ka. Wala pwedeng umapi sa best friend ko."
Masaya ako dahil si Callie ang naging best friend ko. Simula pa lang kasi ay mabait na siya sa akin.
"Pwede favor, Callie."
"Sure. Ano iyon?"
"Dahil magaling ka naman gumamit ng facebook. I'm sure mahahanap mo yung isang taong hinahanap ko."
"Ano pangalan?"
Oo nga pala kailangan alam mo yung pangalan ng isang tao bago mo siya mahahanap.
Kibit balikat ako.
"Hindi ko alam pangalan ng mama ni Zen."
"Bakit mo naman gusto hanapin ang mama ni Aizen?"
"Gusto ko lang siya makausap pero dapat hindi malalaman ni Zen na hinahanap ko siya. Baka kasi magalit siya sa akin."
"Talagang magagalit siya sayo dahil sa gagawin mo."
Nagaattemp kasi ako na hanapin yung mama ni Aizen pero may nagsasabing huwag ko lang ituloy dahil masisira ang samahan namin ni Aizen. Nirerespeto ko ang privacy niya.
"Gusto ko rin kasi malaman ang tungkol kay Zen. Nahihiya naman akong tanungin si dad at baka makahalata siya kung bakit interesado ako kay Zen."
"Yeah, makakahatala talaga iyon."
"Kung may alam lang ako kung sino ang mama niya. Pwede mo ba ako tulungan?"
"Oo naman. What are friends for? Kung hindi natin tutulungan ang isa't isa?" Ngumiti ako kay Callie dahil ang bait niya talaga.
"At kung may pagkataon kang makausap si Caleb pakisabi sa kanya na sorry dahil hindi ko siya magagawang mahalin."
"Totoo nga ang kasabihan The more you hate, the more you love." Umiiling na lang si Callie habang sinasabi iyon.
Dati kasi ayaw na ayaw ko kay Aizen kahit siya pa ang huling lalaki sa mundo ay hindi ako magkakagusto sa kanya. Pero binabawi ko na ang sinabi ko noon. Ngayon ay alam kong siya ang lalaki para sa akin. Kahit anong mangyari hindi ko iiwanan si Aizen.
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...