Chapter 24

1.3K 37 5
                                    

Palabas na sana ako ng kwarto ko ay nagulat ako dahil nakatayo sa doorframe si Aizen.

"Iniiwasan mo ba ako?" Nakasalubong ang mga kilay ni Aizen ngayon habang nakatingin sa akin.

"Iniiwasan? Bakit naman kita iniiwasan?"

"Hindi ko alam sayo, Aya."

"Hindi kita iniiwasan. Marami lang akong ginagawa." Ginagawa ko na lang excuse ang maraming akong ginagawa kahit wala man talaga. Ayaw ko kasi makita si Aizen.

"Malapit na ang graduation. Malapit na rin--" Napatingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Malapit na rin ang ano?"

"Malapit na rin... Umm... Malapit na rin maging busy tayo sa isa't isa. Tama!" Lalo ko siyang tinaasan ng kilay. Pero umiwas siya ng tingin sa akin. "Kita na lang tayo sa school."

At iyon ay iniwanan na niya ako. Hindi ko alam kung kaya kong makita si Aizen pagkatapos nangyari ngayon. Katabi ko siya hanggang 4th quarter. Hindi ko alam kung kaya ko ito. Mabuti na lang ay malapit na matapos ang school year kaya graduation na susunod. Ilang araw na lang kasi ay final exam na namin ng 4th quarter.

Mabuti na lang tapos na rin ang lahat na exam namin at ngayon araw ay kuhanan ang gades. Let's check... Nakita kong magkasunod kami ni Aizen. Kung sinabi ko sa kanya noon na maghiwalay na kami ay hindi siya makakapasok sa top 10.

Mga ilang araw rin noong abala kami sa practice para sa graduation. Ilang araw na lang kasi ay graduation namin. Kahit busy kami sa darating na graduation ay may bibisitahin ako. Bibisitahin ko si papa sa sementeryo ngayong araw.

"Hi, pa." Umupo ako sa harap ng puntod ni papa. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayon. "Malapit na po ang graduation namin, pa at sana nga po nandito kayo ngayon para makita niyo ang unica hija niyo na umaakyat ulit ng stage."

Noong graduation ko noong elementary ay proud na proud sa akin si papa dahil marami akong nakuhang medals noon. Gusto ko lang naman ang maging proud sa akin ang mga magulang ko pero hindi ko alam ang masasayang araw ay napapalitan rin ng lungkot simulang namatay sa isang aksidente si papa. Ilang araw rin wala akong alam anong nangyari kay papa dahil palagi sinasabi sa akin ni mama na busy si papa kaya hindi ko siya nakitang uuwi ng bahay si papa pero isang araw ay sinabi sa akin ni mama habang umiiyak ay pumanaw na si papa. I'm already 15 that time kaya alam ko ang nangyayari. Hindi ko tanggap ang pagkawala ni papa noon dahil close kaming dalawa. Siya ang unang naging best friend ko.

"Matutupad ko na rin po yung pangarap natin, pa. Malapit na po. Alam ko naman pong proud kayo sa akin ngayon. Kahit anong gagawin ko para maging proud kayo sa akin ni mama at saka miss na miss ko na kayo. Sana nga nandito pa rin kayo kasama namin." Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko ngayon dahil bigla na lang tumulo ang luha ko. "At saka ang hirap pala kung magmahal ka sa isang lalaki. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ngayon kasi wala siyang balak sabihin sa akin na aalis na siya ng bansa pagkatapos ng graduation. Paano kung hindi ko sila narinig naguusap, pa? Masakit para sa akin. Ayaw ko ng maiwanan ng mga taong mahalaga sa akin. Ayaw ko ng masaktan pa. Tama na ang isang beses noong nawala ka sa buhay namin, pa."

Hindi naman kasi ako ganoon katatag na tao na kayang lumaban kahit nahihirapan na. Alam ko namang nandiyan ang mga kaibigan ko para maging karamay ko. Masaya ako dahil nandiyan ang kambal sa tabi ko.

Nagpaalam na ako kay papa na uuwi na at saka delikado ang umuwi ng gabi galing sa sementeryo. Baka may multo na lumabas - I mean loko-loko.

Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ni Aizen. Bakit siya pa ang unang tao ang makikita ko?

"Ano nangyari sayo? Namumula ang mata mo. May nangaway ba sayo? Sabihin mo lang sa akin." Alam kong nagaalala sa akin si Aizen pero umiling lang ako.

"I'm fine, Zen. Binisita ko lang si papa kanina at sobrang miss ko lang siya kaya siguro namumula ang mata ko dahil umiyak ako."

"Dapat sinabihan mo ko na pupuntahan mo pala ang papa mo."

"No, it's fine. Gusto ko rin kasi ang makapagisa muna."

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko pero hindi ko inaasahan ay susundan pala ako ni Aizen.

"Bakit, Aizen?" Tanong ko sa kanya noong nakaharap ka ako sa kanya. Hindi niya ako sinagot dahil hinalikan niya ako sa labi. Tumulo na naman ang luha ko.

"Shit. Sorry." Humiwalay na agad sa akin si Aizen sabay yakap. "Kung may ginawa man akong mali. Sorry, Aya."

"Wala kang ginawang mali, Zen. You're the perfect boyfriend. Siguro kung sino maging girlfriend mo ay magiging swerte dahil isang Aizen Evergreen ang naging boyfriend niya. Maging proud siya sayo."

"Ano ang pinagsasabi mo diyan?" Kumunot ang noo ni Aizen habang nakatingin sa akin. "Wala ka naman balak makipaghiwalay sa akin, no?"

"Huh? Wala. Sinasabi ko lang kung paano hindi ako ang naging girlfriend mo. Maswerte siguro ang ibang babaeng naging girlfriend mo."

"Yeah, pero hindi naman ako magiging masaya katulad ngayon kung hindi ikaw ang makakasama ko for the rest of my life, Aya. Ikaw ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko. Ikaw ang ilaw ng buhay ko, Aya at wala ng iba. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito kaya kahit anong mangyari ay hindi ako maghahanap ng ibang babae. Ikaw ang gusto kong pakasalan, ang magiging ina ng mga anak ko... kahit matagal pa mangyari iyon. Kahit matagal pa ay iniisip ko na ang magiging future natin, Aya."

Hindi na ako nagsalita pang muli. Ano na lang ang mangyayari sa Aizen nakilala ko kung hihiwalayan ko siya pagkatapos ng graduation namin? Sana nga hindi ko pagsisihan ang magiging desisyon ko.

I'm sorry, Aizen. Kung para talaga tayo sa isa't isa ay magkikita tayo sa future. Kung hindi na ay tatanggapin na lang natin ang mangyayari at desisyon para sa atin.

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon