Summer break is finally over. Bored na kaya ako na walang ginagawa sa kaya, hawak lang ang mga libro dahil nagaadvice reading ako para sa susunod na pasukan. Heto na I'm a 3rd years high shool student sa Evergreen Academy. Hindi naman kami ganoon kahirap, yung may kaya naman pero hindi sa ganitong paaralan dahil mayayaman ang paaralan na ito pero dahil isa akong scholar kaya nakapasok ako dito.
Ako nga pala si Aya Collins isang masipag na magaaral pero muntik na huminto noong namatay si papa sa isang car accident. Ang daming masamang loob diyan pero bakit si papa pa ang namatay?! At ito pa hindi ko inaasahan na magpapakasal si mama sa isang lalaki na may anak. Hiwalay daw kasi ang magiging step-dad ko sa asawa niya at kasama niya ang kakaisang anak niyang lalaki. Sana yung maging step-brother ko ay hindi ganoon kasungit o mayabang. Hindi ko kakayanin pag ganoon ang ugali ng step-brother ko dahil may kilala akong ganoon.
"Aya, pwede ba tayo magusap?"
"Sure, ma. Ano po iyon?"
"Balak ko sana pakilala ko sayo sa Sabado ang magiging step-dad mo. Sana hindi mo ko papahiyain sa araw na iyon ah."
"Bakit po kasi kailangan niyo pa magpakasal sa ibang lalaki? Hindi niyo na po ba mahal si papa?"
"Mahal ko pa rin ang papa mo, Aya pero hindi ko kayang pagaralin kang magisa. At isang taon na rin namang patay ang papa mo."
"Naging scholar po ako para hindi na kayo maghirap sa pagaaralan sa akin. Gumagawa po ako ng paraan para makapagtapos at makatulong sa inyo."
"Huwag na matigas ang ulo, Aya. Kailangan sa Sabado ay wala kang gagawin."
Hindi ko ng pinakinggap pa si mama dahil pagod na ako makipagtalo sa kanya. Simulang namatay si papa ay palagi kami ni mama, magtatalo. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan... Hindi ko nga naramdam sa kanya ang pagiging supportive na ina pero si papa ay naramdam kong pagiging supportive niya sa akin kaya mahal na mahal ko si papa pero kung pwede lang ibalik at baguhin ang lahat matagal ko ng ginawa.
"Papa..." Humiga na ako sa kama ko. Ginawa kong unan yung malaking teddy bear na niregalo sa akin ni papa noong last year's birthday ko. Tumulo na rin ang luha ko dahil sobrang miss ko na kay papa.
"Aya.."
"Papa!" Niyakap ko si papa. Kung isang panaginip lang ito sana hindi na ko magising dahil gusto kong makasama palagi si papa. "Please, tulungan niyo po ako na hindi matulog ang pagpapakasal ni mama sa iba."
"Bakit naman?"
"Gusto ko po ikaw lang ang tatawagin kong papa."
"Kahit wala na ako ay palagi ako nandiyan sa puso mo. Kahit may maging step-father ka man ay palagi kitang babantayan, Aya. Palagi rin kita sinusportahan sa taas kaya huwag kang susuko sa mga pangarap mo."
"Kahit ilang oras lang, papa pwede po ba makasama kayo? Kahit ngayon lang po. Sa panaginip ko.." Tumango lang sa akin si papa.
Kinabukasan...
Ang sakit ng mga mata ko. Umiiyak ba ako habang natutulog kagabi? Pero wala na rin ako magagawa kung may balak na talaga si mama magpakasal ulit.
Dahil bukas ko na makilala ang magiging step-dad ko kahit ang step-brother ko. Sana tanggap nila ako, kung hindi lalayas ako sa amin.
"Ma, pasok na po ako."
"Sige. Ingat ka sa pagpasok mo, Aya."
Nang makarating na ako sa paaralan ko ay maglalakad na ako papasok sa campus.
"Aya.." May tumawag sa pangalan ko kaya nilingon ko iyon. Si Callie kasama niya ang kapatid niyang si Caleb. Pareho ko silang kaibigan, kahit mayaman sila ay hindi nila iniisip na iba ako sa kanila. Crush ko nga si Caleb dahil gwapo na talented at mabait pa.
"Good morning, Aya." Nakangiting bati sa akin ni Caleb.
"Good morning, Caleb. Sayo rin, Callie."
"Akala ko kinalimutan mo na ako."
"Imposible. Best friend kaya kita.."
"Ladies, una na ako sa inyo ah." Nilagpasan na kami ni Caleb dahil iba ang section namin ni Callie sa kapatid niya. Section 1 kami ni Callie pero si Caleb ay nasa section 4.
"Pag nandiyan palagi si Caleb kinakalimutan mo na ako." She pouted. Isip bata minsan itong si Callie pero kung sa klase ay seryosong seryoso siya.
"Hindi ah. Bakit ko naman kakalimutan ang best--" Naputol ang sasabihin ko noong may bumangga sa akin.
"Tsk. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Hindi iyong nakikipag chismisan ka diyan habang naglalakad." Sabi nito. Sira na talaga ang araw ko pag palagi ko siya nakikita.
"Pwede ba, Aizen! Ang aga-aga ang init na naman ng ulo mo kay Aya. Wala namang ginagawa sayo yung tao, eh!"
"Mind on your business, Callie. Eh, sa tuwing nakikita ko ang babaeng iyan ay palaging mainit ang dugo ko lalo na sa mga mahihirap na katulad---" Nagulat ako noong sinampal ni Callie si Aizen.
"Sa susunod na magsalita ka ng masama sa kaibigan ko hindi lang sampal ang matitikman mo sa akin!"
"Callie, tama na." Sinusubukan kong hilahin si Callie dahil ayaw ko gumawa ng scandal. Isa akong scholar kaya onting mali ko lang ay baka mawala iyon. Masasayang ang pinaghirapan ko at isang taon na lang ay gagraduate na ako. Titiisin ko ang lahat na paghihirap sa akin ng Aizen na iyan.
Pagkatapos ng klase namin ay umuwi na ako sa bahay at nagpahinga dahil first week pa lang naman kaya hindi pa ako pinapasok sa libray para maging librarian, baka sa second week and so on doon na ako uuwi ng gabi dahil magsisimula na ulit ako magtrabaho bilang librarian. Nang nakapahinga na ako ay nagbabasa ako ng mga lessons namin.
Kinabukasan...
Nandito kami ngayon ni mama sa isang restaurant dahil ngayong araw ko makikilala ang magiging step-dad ko.
"Sorry kung ngayon lang kami."
"Ayos lang. Umupo na muna kayo habang hinihintay ko pa ang anak ko."
"Aya, papakilala ko pala sayo ang magiging step-dad mo. Si Caine Evergreen."
Evergreen?! Sa dami pwedeng pakasalan ni mama ang mga Evergreen pa talaga. Sana hindi yung lalaking iyon ang anak niya.
"Dad, sorry I'm late." May narinig akong boses nang bagong dating kaya tiningnan ko siya pero nagulat ako dahil si..
Si..
Aizen?!
Waaa! Pagminalas ka naman!
"Ikaw?!"
"You?!"
Nagpakasabay pa kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...