Chapter 21

1.2K 27 0
                                    

Aya's POV

Habang papasok ako ng school ay nakasalubong ko si Bryce. Ang bagong lipat dito.

"Hi, Aya. Did you enjoyed last weekend?" Tanong nito sa akin. Sasagot na sana ako pero may humakbay sa akin kaya tumingin ako sa kanya.

"Get lost, bastard. Hinding hindi ka pwedeng lumapit sa babaeng ito dahil dadaan ka na muna sa akin."

"Dude, makaasta ka naman parang boyfriend ni Aya." Sabi ni Chuck. Kung alam lang nila na girlfriend ako ni Aizen.

"Tsk. Ginagawa ko lang ito dahil responsibilidad ko si Aya. Kung ayaw niyong lamayan ako dahil mapatay ako ni tanda. Sige kayo, hindi ko kayo titigilan sa panaginip niyo."

"Huy, pre. Wala naman ganoon." Sa huling tanda ko si Luca ito pero ilang taon rin siya hindi kasama ng tatlong ito. Ngayong taon lang ulit. At ang huling tanda ko patpatin lang si Luca pero ngayon ay maganda na ang hugis ng katawan.

"Ewan ko sayo, Luca. Hindi ko alam kung talagang lalaki ka ba talaga o babae."

"Gusto mo suntukan para malaman mong lalaki ako." Umiling na lang itong si Aizen.

"Aya." May tumawag sa akin kaya lumingon ako. Si Callie kasama si Caleb. Nakabalik na pala si Caleb galing Italy kasi ang balita ko ay pagkatapos ng outing nila ay pumunta si Caleb ng Italy.

Umalis na rin si Aizen kasama ang mga kaibigan niya.

"Hi, Caleb. Kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?"

"Kahapon lang. Heto pala, Aya." May inabot siyang balot sa akin. Mukhang may pasalubong ako ah. "Pasalubong ko iyan para sayo."

"Naku. Nagabala ka pero thank you dito." Ngumiti ako sa kanya sabay kuha sa kanya yung pasalubong.

"Ang sabi ni Callie may mga bagong lipat daw ah."

"Yeah, isang bagong lipat ay isa sa mga tropa ni Aizen na si Luca."

"Luca pala ang pangalan niya." Sabi ni Callie habang kumikinang ang mga mata nito.

"Don't you dare, twin."

"Bakit naman, Caleb?"

"Kung kaibigan siya ni Aizen ay isa lang ibig sabihin. Gago rin ang lalaking iyon."

"Paano ka naman nakasabi ng ganyan?"

"Lalaki rin ako kaya alam ko ang mga kinikilos ng isang lalaki, kambal."

Umiling na lang si Callie sa kakambal niya bago humarap sa akin.

"Paano mo pala nakilala si Luca, Aya?"

"Simulang mga bata pa lang ang apat na iyon ay magkaibigan na pero ang balita ko lumipad ng bansa si Luca kaya hindi dito nagkapagaral ng 1st year hanggang 3rd year high school."

"Sayang naman. Kung dito lang sana siya nagaral makilala ko siya ng lubusan." Patay tayo nito. Mukhang nagkagusto si Callie kay Luca.

"Cal, tama ang kakambal mo dapat hindi ka magkagusto sa kanya lalo na kay Luca. Kahit noon pa ay gago na iyon." Gosh! Did I really said gago? Sa akin pa talaga nanggaling ang salitang iyon ah. "At mukhang hindi seryoso sa isang relasyon iyon."

"Bakit ka ba ganyan? Sinusuportahan naman kita sa love life mo ah."

"Ayaw lang kasi kita makitang umiyak dahil sa kanya. Best friend kita kaya pag nakikita kitang umiiyak nasasaktan rin ako."

"Callie, subukan mong maging boyfriend ang lalaking iyon kung ayaw mo ipadala kita sa France kasama si tito Jack." Sabi ni Caleb.

"Wala naman ganoon, Caleb. Dahil ako ipadala niyo ko sa France kaya titigil na ako."

"Isang taon na lang ay gagraduate na tayong lahat na 4th year. Ano pala kukunin niyong kurso?" Tanong sa kanilang dalawa.

"Gusto ko maging chef kaya sa Italy ako magaaral ng culinary." Sagot ni Callie.

"Bakit hindi ka na lang dito sa Pilipinas? Marami namang magagaling na chef dito ah." Sabi ko. Malulungkot ako dahil may balak magaral sa ibang bansa ang best friend.

"Yes, I know. Pero pangarap kong makapagaral sa Italy."

"Okay. Basta palagi mo ko tatawagan ah."

"Ako naman gusto ko maging abogado pero dito ako sa Pilipinas magaaral."

"At least may kaibigan pa ako dito." Sabi ko. Tumango naman si Caleb.

"Alagaan mo si Aya pag wala ako ah, Caleb."

"Bakit ako? Hindi ko naman girlfriend si Aya at saka magselos ang boyfriend niya sa akin."

"Kahit na may boyfriend si Aya ay alagaan mo pa rin siya dahil bago pa niya naging boyfriend iyon ay kaibigan ka na niya."

"Huwag mo na lang pansinin kung magselos siya sayo. Ako na lang ang bahala sa kanya."

Lalambingin ko na lang siya pag nagawa niyang magselos.

Pagkatapos ng morning class namin ay naglalakad na ako sa hallway papunta sa canteen. May ginawa kasi ako kanina kaya habol ako sa kanila. Pero nakita ko na naman si Bryce.

"Ano na naman ba?" Pagkatapos na lasingin niya ako noong party niya ay nagalit ako sa kanya. Akala niya hindi ko iyon malalaman?! Nagalit sa akin si Aizen dahil sa nangyari.

"I know you have a relationship with Aizen, Aya." Namilog ang mga mata ko dahil paano niyang nalaman na may relasyon ako kay Aizen? Huwag mong sabihin sinabi ko sa kanya noong panahong nilasing niya ako. Mapapatay ko ang lalaking ito wala sa oras. "Hindi ako tanga para hindi ko mapapansin sa tuwing nagaalala sayo ang kapatid ko. Siguro nga wala akong alam tungkol sa kanya pero alam ko namang galit siya sa katulad ko. Sino ba naman ako? Pero ito lang sasabihin ko sayo wala akong balak agawin ka kay Aizen pero kung ako sayo ay humiwalay ka na sa kanya dahil hindi mo alam ang mangyayari pag nalaman ng ibang tao na nakipagrelasyon ka sa step brother mo."

"Ano ba gusto mo ah?! Kahit ano pa ang isipin ng ibang tao ang tungkol sa amin ni Zen ay hindi na magbabago iyon! Kaya kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya! Siguro nga mali ang pagkakilala ko sayo. Nagalit pa ako kay Zen noon dahil masyado siyang judgemental pero tama siya."

"I'm stating the fact dahil iyon ang pwedeng mangyari sa inyong dalawa. Pero huwag mo kong sisihin na hindi kita sinabihan ah." Sabi niya bago iniwana ako. Umiling na lang ako. Tumuloy na rin ako papunta sa canteen.

"Ang tagal mo naman dumating." Sabi ni Callie.

"Sorry. Ang dami kasi akong ginagawa kanina."

Binili na pala ni Callie yung sinabi ko sa kanya na gusto kong kainin. Kaya nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan na rin kami ng kung anu-ano.

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon