Chapter 11

1.5K 43 0
                                    

Aya's POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok pero nakasalubong kong papasok sina Callie at Caleb.

"Good morning, Aya." Bati sa akin ni Caleb.

"Morning, Aya." Nakangiting bati naman sa akin ni Callie.

"Good morning sa inyong dalawa." Nakangiting bati ko sa kambal na kaibigan ko.

"Aba, mukhang maganda ang umaga natin ngayon ah. Ano meron, Aya?"

"Malapit na kasi umuwi ang mga magulang namin ni Zen kaya excited na ako makita ulit ang mga magulang namin. Miss ko na nga si mama."

Inaamin ko hindi kami ganoon kaclose ni mama dahil si papa palagi ang kasama ko simulang maliit pa ako. Simulang namatay si papa ay nahihirap ako mag-adjust.

"Zen na ang tawag niya kay Aizen."

"Ano masama? Kapatid ko si Zen kaya pwede ko siyang tawagin sa kahit anong gusto kong itawag niya sa akin."

Masakit man sabihin pero hindi pwede malaman ng ibang tao na boyfriend mo ang step brother mo. Sorry, Callie kung pati sayo ay kailangan ko magsinungaling.

Napansin kong ang tahimik ni Caleb.

"May problema ba, Caleb?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi naman ako sinagot ni Caleb dahil dumeretso lang siya papasok sa loob ng school building namin. "Ano ang problema ng kapatid mo?"

"I have no idea. Maganda naman ang umaga niya kanina.. Ewan ko kung bakit naging ganoon."

"Baka mood swing. Ganoon naman lalo na't mga teenager tayo."

Pagkatapos ng morning class namin ay pumunta na ako sa tinatambayan ni Aizen. Nauna na pala si Aizen dito.

"Sorry kung ngayon lang--" Niyakap ako ni Aizen. Para namang hindi kami nagkikita araw-araw. Paalala ko lang isa lang ang bahay na tinitirahan namin.

"It's fine." Humiwalay na rin siya sa pagkayakap sa akin. "Tara kain na tayo. Nagugutom na ako."

Umupo na kami pareho sa ilalim ng isang malaking puno. May inabot sa akin si Aizen na isang baunan kaya kinuha ko naman iyon.

"Bakit may baon ka?"

"I made that earlier, ibibigay ko sana sayo kanina pero hindi ko namalayang magisa na lang pala ako sa bahay. Ang akala ko pa naman tulog ka pa."

"Sorry. Marami lang akong ginagawa lalo na't pinapatawag lahat na officers kanina."

"So how's the meeting?"

"Ayos lang naman. Kailangan magasikaso ang mga estudyante lalo na't malapit na ang Sports Festival ng school."

"Yes. Kaya nagpapractice na rin kami sa basketball para siguradong kami ang mananalo sa ibang school."

"Huwag mo pagurin ang sarili mo, Zen."

"Yes, wifey." Napangiti ako noong tinawag niya akong wifey. "Ayaw ko naman magaalala sa akin ang asawa ko."

"Paano mo naman sinabi na magkakatuluyan talaga sa tayo in the future?" Tanong ko pero sumimangot sa akin si Aizen. "Nagtatanong lang ako kaya huwag ka magsimangot diyan."

"Huwag ka kasi magisip na hindi tayo magkakatuluyan in the future, Aya. Always think positive.."

"I'm so scared, Zen. Natatakot ako sa mga sasabihin ng ibang tao pag nalaman nila ang relasyon nating dalawa."

"Don't be. Don't mind what they want to say. If they want to spread the rumors about our relationship then, do it.. I don't care. I want to shout out that you are my girlfriend and soon to be my wife." Napangiti na naman ako habang kumakain. Kinikilig ako sa pinagsasabi ni Aizen. Simulang naging official kami ay nagiging sweet na siya sa akin. Ang dami na ngang langgam sa pwesto namin.

"Kainis ka, Zen. Baka magkaroon na ako ng diabetes dahil sobrang sweet mo." Tumingin ako kay Aizen habang sumusubo siya ng sandwich pero napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Sabay ngumiti siya sa akin.

"Aya, promise me something."

"Ano iyon?" Binuksan ko yung bottle cap ng tubig para makainom na ako.

"No matter what happen ako lang ang lalaking mamahalin mo hanggang sa pagtanda nating dalawa.." Nakatitig lang ako sa kanya. "I know that look, wifey. I know... except your father. Alam ko namang siya ang unang lalaking mahal mo."

"Yup. Papa is always my number 1."

"Masakit man para sa akin dahil hindi ako ang numero uno sa puso mo pero tatanggapin ko dahil wala naman akong laban sa papa mo." Napakamot na lang si Aizen ng batok.

"But Zen, I promise I won't leave your side no matter what happen and you are the only guy I loved aside of my father, kahit wala na si papa ay alam kong palagi siya nasa puso ko at binabantayan ako."

Ayaw ko umiyak kaya yumuko na lang ako. Baka kasi tumulo siya bigla bigla.

"Thank you, Aya. Masaya ako dahil pumayag ka na maging girlfriend ko kahit alam naman natin mahirap ang ginagawa nating dalawa. Tinatago natin ang katotohanan sa mga taong nakapalibot sa atin, include our parents."

Tama si Aizen. Mahirap para sa amin pero kakayanin naming dalawa basta magkasama kaming dalawa.

"Promise me too, Zen."

"Okay. Kahit anong mangyari ay palagi akong nandito para protektahan ka, gagawin kitang prinsesa ko, papasayahin kita araw-araw, mamahalin kita hangga't sa pagtanda natin at hinding hindi kita iiwanan. Walang hanggan."

"Palagi mo na lang ako pinapakilig sa mga sweet lines mo, Zen."

"Really? Ako lang makakagawa niyan sayo."

Tapos na ang lunch break namin ni Aizen kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. Sinabi rin niya sa akin na gagabihin siya ng uwi dahil may practice pa daw siya ng basketball. Pagkatapos ng afternoon class namin ay pumunta na muna ako sa library para magtrabaho. Sobrang busy dahil ang dami pang estudyante pumupunta sa library sa ganitong oras, o baka naman cutting classes lang mga iba dito. Ginawa nilang tambayan ang library dahil malamig dito at tahimik. Pagkatapos ng trabaho sa library ay nagpaalam na ako sa librarian na uuwi na ako. Medyo gabi na rin kaya kailangan nasa bahay na ko.

Nang makarating na ako sa bahay ay tumutunog ang phone.

"Hello?" Hindi ko na kasi inabalang tingnan kung sino ang tumatawag sa akin

"Aya.." Napatingin na tuloy ako sa screen ng phone ko. It's Dad, ang daddy ni Aizen.

"Bakit po?"

"Your mom just want to know kung pwede ba kayo ni Aizen bukas ng hapon pagkatapos ng klase niyong dalawa dahil bukas na rin ang balik namin."

"Really po?" Naging maganda na ang samahan namin ng step dad ko. Hindi katulad sa mga nababasa ko na stories ay strikto ang mga second wife or husband sa anak ng unang asawa nila. Pero hindi naman ganoon ang step dad ko dahil mabait siya at tinulungan pa niya ako makapasok sa paaralan ng mayayaman.

"Yes, ang gusto namin na kayo ang magsusundo sa amin sa airport."

"I'll to talk with Zen, dad. Basta po ako pwedeng pwede kayo sunduin sa airport."

"Thank you.. Kailangan ko ng ibaba dito dahil mapapamahal ako sa tawag."

"Sige po. Ingat palagi at pakisabi po kay mama hi galing sa akin." Pinutol na nga ni dad ang tawag kaya ito ako ngayon, hindi ko maalala ang ginagawa ko ngayon.

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon