Chapter 4

2.1K 52 0
                                    

"Mabuti nakapasok ka na ngayon, Caleb." Masaya akong makita ulit si Caleb dahil isang linggo na siyang absent at marami na siyang namiss na lessons. Mabuti na lang tinutulungan siya ni Callie.

"Uh, Yeah. Pero pag dinidiin ko siya masakit pa rin ang injury ko."

"Dapat hindi ka na muna pumasok."

"Pag sabihan mo nga iyang kapatid ko, Aya. Ang tigas kasi ng ulo kasi pinagsabihan namin ni tita na huwag na muna pumasok pero mapilit." Sumbong sa akin ni Callie. Napailing na lang tuloy si Caleb sa kakambal niya.

"Isang linggo na rin akong absent at marami na akong namiss na lessons. Gusto ko humabol, Callie."

"Alam kong importante ang pagaaral pero mas importante ang paa mo! Paano na lang kung mamaga ulit yung paa mo? Walang maghahatid sayo pauwi."

"Namaga paa mo, Caleb?"

"Oo, Aya. Pumilit maglakad noong inutusan ako ni tita bumili ng lulutuin niya. Ang gusto ni Caleb siya na lang ang bumili tapos pagkauwi ayon, namaga na yung paa."

"Tsk, tsk.. Dapat hindi ka na muna naglakad."

"Sorry pero kaya ko na rin na maglakad. Huwag lang diinan o apakan yung paa ko."

Noong nakapasok na kaming tatlo ay nagpaalam na sa amin si Caleb. Magkasama naman kaming tatlo mamayang lunch break, eh.

Pagkatapos ng morning class namin ay sabay na kami ni Callie papunta sa canteen para kumain.

"Nakita mo yung nangyari kanina?" Tanong noong isang estudyanteng babae sa kausap niya. Napatingin kami ni Callie dahil nagtataka kami sa nangyari.

"Yeah, sinugod si Caleb sa infirmary dahil inapakan ni Aizen ang paa niya na may injury."

Nagulat kami pareho ni Callie sa narinig namin. Ano na naman ba ang problema ni Aizen?!

"Callie, puntahan mo na yung kapatid mo sa infirmary."

"Mabuti pa nga."

Tumakbo na ako sa hallway kahit bawal ang tumakbo. Nagtanong na rin ako sa ibang estudyante kung nakita ba nila si Aizen. May nakasabi sa akin nasa garden siya ngayon kaya pumunta na ako sa garden. Noong makarating na ako sa garden ay nakita ko si Aizen nakaupo sa ilalim ng malaking puno.

"Hoy, Aizen!" Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Ano ba ang problema mo ah?!"

"Wala naman."

"Anong wala?! Nalaman kong inapakan mo ang paa ni Caleb! Alam mo namang may injury yung tao!"

"Tsk! Pwede ba huwag mo na ako sermunan! Nasermunan na ako ni dad kanina tapos ikaw naman ngayon!"

"Dapat lang sayo ang masermunan dahil sa ginawa mo kanina kay Caleb. Kaya sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo."

"It's not your business kaya huwag mo ko papakialamanan."

"Kapatid mo ko, Aizen."

"Kahit kailangan hindi kita tinuturing kapatid. Kahit kasal ang mga magulang natin, hinding hindi kita tuturing--" Binigyan ko na naman siya ng isang sampal.

"Hindi mo talaga pinapatunay sa akin na gusto mo ko dahil sa mga pinapakita mo sa akin, Aizen. Sana man gumawa ka ng paraan para---"

"I'm jealous. Okay?! Sa tuwing nakikita kong kasama mo ang Caleb na iyan, nagseselos ako. Ayaw na ayaw ko ang pinagseselos ako."

Nagseselos na siya kay Caleb?

"Bakit ka naman nagseselos sa kanya? Kaibigan ko lang naman siya."

"Yeah, he is your friend. Pero dahil sa pagkaibigan niyong dalawa ay may balak mangligaw si Caleb sayo. Tsk."

Nagulat ako sa sinabi ni Aizen. May balak mangligaw sa akin si Caleb? Dapat masaya ako dahil yung crush ko ay liligawan ako pero hindi ko magawa.

"Dahil doon kaya ka nagselos kay Caleb."

"Yes! Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo na may gusto ako sayo dahil malalaman nilang bawal ang magiging relasyon natin, Aya. I really hate it." Bigla kong niyakap si Aizen. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa. "I really hate this situation. Kahit anong gawin ko ay wala ako magagawa."

"I know.."

Nilayo ako ni Aizen at tumingin siya sa mga mata ko.

"What do you mean by you know? Hindi ba dapat masaya ka ngayon dahil nalaman mong may balak sayo mangligaw si Caleb."

"Kahit gusto ko maging masaya pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit."

"Hindi kita pipigilan kung sinagot mo siya, Aya. Pero pag sinagot mo si Caleb ay tatanggapin na kita biglang kapatid ko."

"Hindi pa nga nangliligaw sa akin si Caleb tapos iyan na agad ang sinasabi mo."

"Sinasabi ko lang. Alam ko namang matagal mo ng gusto ang kaibigan ko. Dahil tama ka, mabait naman siya at maalagaan ka niya."

"Huwag ka magsabi ng ganyan, Aizen. Hindi pa naman huli ang lahat."

"Nasasaktan lang ako. Kahit hindi maganda ang pagtrato ko sayo noon ay tao pa rin naman ako at nasasaktan." Hinawakan niya ang isang pisngi ko at sa hindi inaasahan ay hinalikan ako ni Aizen for the second time. Inaamin ko siya ang nagnakaw ng first kiss ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Dahil hindi ako nagdalawang isip na tumugon sa halik niya.

"Hindi ka talaga nagiisip. Baka mag makakita sa atin dito at magalit pa sa akin ang mga fangirls mo."

"Hindi ka naman nagdalawang isip na tumugon sa halik ko." Ngumisi ito sa akin pero biglang nagingay ang sikmura ko. Kaya tumawa siya. Nakakahiya. "Hindi ka pa ba kumakain?"

"Papunta na sana kami ni Callie sa canteen noong marinig namin sa isang estudyante ang nangyari kaya pinuntahan kita dito imbes na kumain."

"Tara. May oras pa naman para kumain."

Noong pumunta kami ni Aizen ay ang dami niyang biniling pagkain. Para namang ang daming kakain nito, dalawa lang naman kami.

"Ang dami naman nito. Dalawa lang naman tayo kakain ah."

"Yeah, pero tutulungan mo kong ubusin lahat na ito."

"Eh? Hindi naman ako ganoon katakaw, Zen."

"Zen?" Napatingin siya sa akin habang kumakain ng burger."

"Sorry." Kumuha na rin ako ng burger para kumain. Gutom na ako.

"No, it's fine. You can call me Zen if you like." Napangiti ako sa kanya dahil ang laki ng pinagbago ni Aizen simulang tumira kami sa isang bubong. Paunti onti ko siyang nakilala.

Habang kumakain kami ni Aizen ay pakiramdam ko ang daming pares ng mata ang nakatingin sa akin. Mga mata ng mga babaeng may gusto kay Aizen at hindi ko gusto ang mga tingin nila sa akin.

"Aizen, alis na ako kasi malapit na magsimula yung afternoon class."

"Sabi ko sayo ayos lang na tawagin mo kong Zen." Hindi ko na siya pinansin dahil tumayo na ako para makabalik sa classroom.

Habang naglalakad ako pabalik sa classropm ay may manghila sa buhok ko.

"A-Aray. Ano ba! Ang sakit!" Reklamo ko dahil ayaw pa bitawan ang buhok ko.

"Ano ang relasyon mo kay Aizen ah?!"

"Wala akong relasyon sa lalaking iyon."

"Sinungaling! Mukhang close na kayong dalawa dahil ang alam namin ay ayaw sayo ni Aizen."

Wala pa silang alam tungkol sa pagpapakasal ng mga magulang namin ni Aizen. Kahit si Callie wala ring alam na isa na akong Evergreen pero Collins pa rin ang ginagamit kong apilyido. Once I changed my surname parang kinalimutan ko na rin si papa katulad ng ginawa ni mama.

"Hindi ka makasagot!" Hawak pa rin ni Sabrina ang buhok ko. Ang isa niyang kasama ay magabot ng gunting sa kanya. Please, huwag ang buhok ko.

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon