Hindi ako makapaniwala dahil boyfriend ko na ngayon si Aizen. Paano na lang kung may makaalam ang tungkol sa relasyon namin? Mabuti pa ngang mag-ingat ingat sa mga paligid dahil hindi natin alam kung kailan malalaman ng iba ang katotohanan. Hindi habang buhay ay matatago ang relasyon namin ni Aizen. Kailangan kong gumawa para hindi makahalata ang iba.
"Sabay ka na sa akin sa pagpasok, Aya." Pag alok ni Aizen. Mas sanay kasi akong mag-commute papasok sa school.
"Huwag na, Aizen. May kailangan pa akong puntaha bago pumasok." Pagsisinungaling ko.
"Pwede mo naman puntahan iyon pagkatapos ng pasok natin mamaya. Ang alam ko wala kang trabaho sa library ngayon dahil malapit na ang prelims."
Oo nga pala. Kailangan pala hindi ako mahuli sa unang klase ko dahil may quiz kami ngayong araw.
"Sige na nga. Sasabay na ako sayo dahil ayaw ko mahuli sa unang klase ko."
"Let me guess, may quiz kayo sa English?" Tumango ako sa kanya at may inabot siyang notebook sa akin. "Ibalik mo sa akin iyan mamayang lunch dahil may quiz rin kami."
"Hihiram na lang ako kay Callie mamaya ng notes. Kailangan mo rin kasi ang magreview."
"Ayos lang ako. Nakapagaral naman ako kagabi at kaninang pagkagising ko."
Dahil wala na rin naman ako magawa na kaya kinuha ko na sa kanya yung notebook niya.
"Ibabalik ko na lang ito sayo mamayang lunch."
"Okay. Sa tambayan ko. Doon mo lang ako makikita mamayang lunch kaya puntahan mo na lang ako."
Dahil long quiz ang naganap sa English kaya maraming identifications ang lumalabas sa quiz at mabuti na lang napagaralan ko ito kaya walang problema. Pagkatapos ng long quiz sa English ay nagturo naman ang ibang teacher namin sa ibang subject. Pagkatapos ng klase namin sa umaga ay pinuntahan ko na si Aizen sa tambahan niya pero wala pang Aizen akong nakikita dito. Baka hindi pa tapos ang klase niya kaya hihintayin ko na muna siya. Umupo na ako sa ilalim ng puno habang hinihintay si Aizen, nagugutom na ako dahil ang tagal niya. O baka naman kinalimutan na niya magkikita kami ngayon dito sa tambayan niya.
"Aya?" Tumingala ako noong may tumawagan sa akin. So disappointed dahil si Caleb lang pala. Akala ko si Aizen. "Ano ang ginagawa mo rito? Hindi mo yata kasama si Callie."
"Hinihintay ko kasi si Aizen dito dahil ibabalik ko sana itong notebook na pinahiram niya sa akin. Nakita mo ba siya?"
"Nakita ko si Aizen naunang lumabas sa classroom pero hindi ko alam kung saan siya pumunta."
"Bagay talaga sina Aizen at Sabrina, no?" Narinig kong sabi ng isang estudyante na dumaan. Kaya lumingon si Caleb sa likuran niya.
"Hindi sila bagay dahil marami nagsasabing malandi si Sabrina. At saka walang gusto si Aizen sa kanya." Sabi naman ng kausap niya.
Yumuko ako habang hawak ng mahigpit ang dibdib ko. Nakakaramdam ako ng kirot. Ang sakit ng dibdib ko sa hindi ko maintindihan. Hindi ko na rin kaya ang tumagal pa dito kaya umalis na ako sa pwesto ko.
Hindi ko tuloy alam kung papasok pa ba ako sa susunod na klase ko dahil dumeretso ako sa infirmary para doon na muna ako.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Magulat siya pagkakita niya sa akin. Pati rin ako dahil hindi ko inaasahan. Tumalikod na ako sa kanya para makaalis nang infirmary. "Teka, Aya..."
Hindi ako tumuloy sa paglalalakad noong hinawakan siya ang kamay ko.
"Sorry kung hindi ako sumipot sa tambayan ko kanina. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kanina kaya nagpahinga na muna ako dito." Binalik ko na sa kanya ang notebook niya bago ako lumabas ng infirmary na wala man lang sinabi sa kanya na kahit ano. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi.
Nang makabalik na ako sa classroom ay umupo na ako sa upuan ko. Magisa lang ako dito dahil hindi pa tapos ang lunch break at wala na rin akong ganang kumain.
"Ano ang ginagawa mo dito, Aya?" Nakita ko ang pagpasok ni Callie sa classroom.
"Hinihintay ang susunod na klase natin. Ikaw?"
"Hinintay kita sa canteen. Ang sabi mo kanina may kakausapin ka lang kaya hinintay kita para sabay na tayo pero hindi ka naman pumunta ng canteen."
"Sorry." Tumingin ako sa labas ng bintana. Nasa tabi kasi ako ng bintana.
"Kaya ito.. Binilihan na kita ng pagkain mo para makakain ka na." May nilapag sa desk ko si Callie. Maraming pagkain. Hindi ka pa kumakain ng lunch kaya kumain ka na."
"Thank you..."
May oras pa para kumain. Kumuha na ako ng mamon para kumain na. Hindi ko alam kung bakit ito ang binili ni Callie para sa akin.
"Heto juice.." Inabot niya sa akin ang apple juice.
"Salamat talaga, Callie."
"Hindi na kita bibilihan ng pagkain pag pinaasa mo na naman ako." Natawa ako sa kanya dahil nagtatampo sa akin si Callie. Umupo na siya sa tabi habang wala pa yung kaklase namin nakaupo sa pwesto niya. "Hindi mo pala nasabi sa akin tungkol sa pinagusapan niyong dalawa ni Caleb noong isang araw."
"Tinanong lang niya ako kung pwede ba niya ako ligawan."
"So? Pumayag ka?" Umiling ako at tuloy pa rin sa pagkain. "Bakit?"
"Ayaw ko kasi may masaktan na ibang tao kaya hindi ko pinayagan mangligaw sa akin si Caleb."
"Ayaw mo may masaktan. O baka naman may nararamdaman ka na kay Aizen. Tandaan mo, Aya ang tingin ng mga tao sa inyong dalawa ay magkapatid."
"Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang salitang may nararamdaman na kay Aizen."
"Sana naman tandaan mo yung mga hirap na pinaggagawa sayo ng lalaking iyon. Palagi ka nga siya pinahihirapan."
"Kung pwede lang kalimutan na lang natin ang mga kinukwento ko sayo noonng maliit pa ako. Past is past, Callie."
"Bahala ka. Malaki ka na rin naman, Aya."
Pagkatapos ng lahat na klase namin sa hapon ay umuwi na ako. Wala kasi akong balak sumabay kay Aizen pauwi ng bahay. Maganda pa rin ang mag commute.
"Aya, can we talk?" May kumakatok sa pinto ng kwarto ko, pero hindi ko iyon pinansin dahil busy ako sa pagaaralan ng lesson namin kanina sa Math. Medyo hindi ko kasi maintindihan ang topic namin. "Aya, nandiyan ka ba sa loob?"
Hindi ko talaga siya pinapasin, pero napansin kong huminto na sa pagkakatok ng pinto si Aizen.
"Aya..." Nagulat ako dahil nasa balcony na siya ngayon. "Open this damn door."
"Pwede ba mamaya ka na lang manggulo sa akin dahil busy---"
"I repeat, open this damn door, Aya."
"Argh!" Tumayo na ako para buksan ang pinto. "Ayan. Bukas na ang pinto. Ano ang gusto mong sabihin?"
"Ano ba ang nangyari sayo? Kanina ka pa sa infirmary ah. Kung tungkol iyan kanina dahil hindi ako sumipot, sorry."
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kanya. Ang alam ko lang boyfriend ko na si Aizen pero hindi ko alam kung paano nangyari. Hindi ko namang mahal si Aizen. Ano ba kasi itong napasok kong sitwasyon?!
"Kung wala ka naman sasabihin sa akin kaya pwede ka ng lumabas." Tinutulak ko si Aizen palabas ng kwarto ko pero pinigilan niya ang pagtulak ko noong hinalikan niya ako sa labi. Ilang sandali ay naitulak ko ulit siya.
"Pwede ba, Aizen wala akong oras sa mga gusto mong gawin sa akin. Ikaw lang naman ang may gusto nitong mangyari sa ating dalawa."
Bakit ba kasi hindi ka pumayag sa kagustuhan ni Caleb na ligawan ka niya? Kung pumayag ka lang masaya ka ngayon sa tuwing kasama mo siya."
"Dahil ayaw ko lang naman masaktan ka pagginawa ko iyan. Noong hindi pa nga alam na may balak mangligaw sa akin si Caleb, may balak ka ngang lumpuhin ang tao."
"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo talaga sa akin. Kung gusto mo makipaghiwalay sa akin hindi kita pipigilan." Lumabas na siya ng kwarto ko noong pagkasabi niya sa akin ang lahat na iyon.
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...