Aya's POV
Pagkatapos gamutin ni Aizen ang mga sugat nakuha ko sa pinaggagawa ni Sabrina sa akin ay wala pa rin alam ang magulang namin sa nangyari sa akin dahil palagi ako nakakulong sa kwarto.
Bumisita sa bahay si Callie kasi hindi pa rin ako pumapasok. Trauma na siguro ako sa nangyari. Ayaw ko namang lumipat ng paaralan kasi sayang ang lahat na pinaghirapan ko at isang taon na lang gagraduate na ako. Ayaw ko rin naman iiwan ang kaibigan ko.
"Oh my. Ano ang nangyari sayo, Aya?" Nagulat si Callie pagkakita sa akin.
"Ah, wala lang ito. Nahulog lang ako kanina sa hagdan." Pagsisinungaling ko. Ayaw kong magsinungaling pero ayaw ko naman makipagaway si Callie sa iba.
"Ako pa talaga ang pagsisinungalingan mo, Aya. Sabihin mo nga sa akin may kinalaman ba si Sabarina the snake?!" Hindi na ako sumagot pa sa kanya. "Aya naman. Kaibigan mo ko kaya lumapit ka sa akin pag may umape sayo."
"Ayaw ko naman makipagaway ka sa iba dahil sa pagpapatanggol mo sa akin."
"Kaibigan mo ko. Ang magkakaibigan ay nagtutulungan. Kung ano man ang problema mo ay problema ko na rin."
"Salamat, Callie. Pero pangako mo hindi mo aawayin si Sabrina."
"Hindi ko na kailangan gawin iyon." Sabi niya. Naguguluhan ako. Ano ang nangyari? Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. "Kalat na campus ang nangyari sayo kaya maraming nagalit kay Sabrina pati na rin kay Sophia. Ang pagkaalam ko may kinalaman si Aizen doon."
"Ano naman ang ginawa ni Aizen?"
"Pinagsabi ni Aizen na kapatid ka niya kaya nagiging close na kayo sa isa't isa pero alam ko namang hindi kapatid ang turing sayo ni Aizen, Aya."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Sinabi sa akin ni Aizen na gusto ka niya simulang mga bata pa kayo. Mahirap ang ganitong sitwasyon niyo lalo na't magkapatid kayo sa mata ng mga tao."
"Alam kong may gusto sa akin si Aizen pero hindi ko alam kung seryoso siya."
"Ngayon pa at may balak mangligaw sayo ang kakambal ko."
"May alam ka tungkol diyan?"
"Noong araw sinugo sa infirmary si Caleb doon ko rin siya kinukulit para sabihin niya sa akin kung bakit ginagawa sa kanya ni Aizen na pilayin ang kakambal ko. Kaya ma iyon sa sobrang kulit ko kaya nagpakwento wala sa oras si Caleb."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Alam ko naman simula pa lang may gusto ka na kay Caleb, Aya. Kung si Caleb ang nakatuluyan mo hindi ka mahihirapan ng ganito."
"Noong sinabi sa akin ni Aizen na may balak si Caleb na mangligaw sa akin, hindi ko magawang sumaya dahil siguro may masasaktan akong tao."
"Sabagay. You both are not siblings by blood pero mahirap kung may makaalam na may relasyon kayo ni Aizen. Lalo na kung malaman ni Sabrina baka paginitan ka na naman ng ahas na iyon. Patay na patay pa naman iyon kay Aizen."
"Masasaktan ko si Aizen pag pumayag akong ligawan ni Caleb. Pag naging kami ni Aizen maraming tao ang pagiinitan ako dahil nakipag relasyon ako sa kapatid ko, at isang bawal na pagibig ang mangyayari. Ang gulo, Callie."
Pagkatapos namin magusap ni Callie ay nagpaaalam na siyang uuwi kaya umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Humiga na ako sa kama.
"Aya, pwede ba tayo magusap?" Narinig ko ang boses ni Aizen.
"Ano naman ang gusto mong pagusapan?" Tanong ko sa kanya habang nakatalikod.
"Dalawang araw ka ng absent at siguro alam mo ang ibig kong sabihin. Kung aabsent ka pa bukas mawawala ang scholarship mo."
Tama siya masasayang ang mga pinaghirapan ko kung mawala sa akin ang scholarship.
"Bukas papasok na ako."
Kinabukas...
Hindi na ako kumain ng agahan dahil ayaw ko makita ni mama ng ganito ang mukha ko.
"Aya..." Narinig ko ang boses ni Caleb kaya lumingon ako sa likuran ko. "Ano nangyari sayo? Nawala lang ako ng dalawang araw nagkaganyan ka ang mukha mo."
"Napaginitan kasi nila Sabarina at Sophia si Aya."
"Wala talaga magawa ang dalawang iyon."
"Ayos ka na bang pumasok ngayon, Caleb?"
"Yup, hindi na masakit ang paa ko at mabuti na lang hindi ganoon grabe ang ginawa ni Aizen sa paa ko."
"Sorry sa inasal niya ah."
"Totoo pala ang nababasa ko sa facebook na kapatid mo na pala si Aizen dahil nagpakasal ang mga magulang niyo."
"Yeah." Wala akong ganang sagot.
"Um, pwede ba kita makausap?"
"Naguusapan naman tayo ah."
"I mean, tayong dalawa lang." Tumingin siya kay Callie.
"Sige, Aya. Kita na lang tayo sa classroom." Naglakad na si Callie papasok ng building. Nasa 3rd floor kasi ang classroom namin.
"Ano ang gusto mong pagusapan?"
"Hindi ko alam kung sinabi na ba sayo ni Aizen o Callir na may balak akong mangligaw sayo."
"Yeah, nasabi sa akin ni Aizen at Callie ang tungkol diyan."
"Pwede bang ligawan kita?" Tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Naguguluhan pa ako ngayon dahil kung papayag ako masasaktan ko si Aizen. Speaking of Aizen, nandito siya. Nakatingin siya sa gawi namin ni Caleb. Bakit ngayon pa? Nakita kong umalis na si Aizen sa pwesto niya kanina.
"Sorry, Caleb. Marami pang babaeng kayang mahalin ka. Mabait ka at talented kaya siguro marami ang magkakagusto sayo dahil hindi ka namang mahirap mahalin. Sorry talaga."
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Caleb dahil hinahanap ko si Aizen. Hindi ko alam parang nasasaktan ako noong makita kong ganoon ang itsura ni Aizen kanina pagkakita niya sa amin ni Caleb.
"Aizen." Huminto sa paglalakad si Aizen nang tinawag ko siya.
"What? Oh, congrats dahil nililigawan ka na ni Caleb."
"No, Aizen. Hindi ako pumayag ligawan niya ako dahil alam kong may masasaktan akong tao. Hindi ako ganoong klase, Aizen pero mahirap ang sitwasyon nating dalawa... dapat alam mo iyan."
"I know that, silly." Humarap ma si Aizen sa akin. "Mahirap man itong gagawin, kailangan talaga nating gawin dahil alam ng lahat ay magkapatid tayong dalawa."
"Wala naman akong masyadong kaibigan maliban kay Callie at Caleb. Kaya wala makakaalam ang tungkol sa atin."
"So, ano na tayo ngayon?"
"Tao pa rin naman tayo. Ano sa tingin mo?"
"Pilosopo. Ano nga kasi."
"Hindi ko alam. Ikaw na bahala kung ano ang gusto mong isipin.."
"Alright, then. Simula ngayong araw ay girlfriend na kita."
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...