Guys read Rivalry Between Us. May 2 chapters na agad hehe!
~~~~
Nandito ako ngayon sa sala at nanonood lang ng TV habang nasa itaas si Aya dahil bumisita sa kanya kanina si Callie. Hanggang may tumawag sa phone.
"Bakit?" Tanong ko pagkasagot ng tawag ni Luca.
"Wow. Ang ganda ng bungad mo sa akin, pre."
"Ano ba kasi ang gusto mo?" Tumayo ako para lumabas ng bahay.
"I heard na may party daw mamaya yung transferee ah. Sasama ako pati na rin yung dalawang kumag."
"Oh tapos?"
"Grabe siya oh! Sasama ka ba?"
"No. Ayaw ko masira ang araw ko pagpumunta diyan. At saka transferee ka rin naman ah."
"Yeah, maybe I am a transferee pero hindi naman ako mahilig mag-host ng mga parties. Pumunta at magenjoy mahilig ako because I'm not party pooper unlike you." I rolled my eyes.
"Kung wala ka na magandang sabihin ibaba ko na ito."
"Sumama ka na kasi. Ngayon nga lang ulit tayong buong apat tapos hindi ka pa sasama."
"No. Buo na ang desisyon ko, Luca."
"Ano ba ang ginawa ng transferee na iyon kung bakit ayaw mo pumunta?"
"He is my damn half brother!"
"What?! Seryoso?"
"Kung ayaw mo maniwala huwag mo! Wala naman magsabing maniwala ka sa akin." Binaba ko na yung tawag kasi nakakainit din ng ulo minsan si Luca. Alam ko namang miss na niya kaming tatlo pero ayaw lang niyang aminin.
Nagpasya na akong umakyat para tawagin yung dalawa dahil hindi ko namalayan ang oras. Lunch na pala. Wala kasi ang parents namin. Si dad nasa school, yung mama naman ni Aya ang sabi niya ay pupunta daw siya sa bahay ng kapatid niya, which is tita o tito ni Aya.
"Aya.." Kumakatok ako sa pinto ng kwarto niya pero walang sumasagot. Huwag naman sana... "Aya? Aya!"
Hinawakan ko ang doorknob sabay pihit dahil bukas ito kaya pumasok na ako sa loob. Shit, wala siya rito! Sabi na nga may balak na kalokohan ang kaibigan niyang iyon. Tsk.
"Pagkatapos mo ko babaan ng telepono ngayon tapos tatawag ka sa akin."
"I'm not going to say sorry for what I did earlier."
"What now?"
"Sabihin mo sa akin kung nakita mo si Aya."
"Aya?"
"Yung kapatid ko!"
"Ah, the pretty one."
"Tumigil ka, Luca. Wala akong oras sa mga kalokohan mo! So, nandiyan ba si Aya o si Callie sa party na iyan?"
"Nope. I haven't seen them."
"Okay. Tawagan mo ko kung pumunta man sila diyan."
"Roger that boss."
I rolled my eyes at binaba ko na yung tawag. Gago talaga.
Saan naman kaya pumunta ngayon si Aya? Asar! Hindi ko naman matawagan si Aya dahil cannot be reached. Bwesit!
Nakatanggap ako ng tawag galing kay Luca kaya agad ko naman iyon sinagot.
"Nakita mo na sila?"
"Yeah, they are here. And guess what hindi mo magugustuhan ang ginagawa ng Bryce na iyon kay Aya."
"What he did?! Tell me!"
"Binibigyan niya ng alak si Aya. Sigurado akong may binabalak na kalokohan ang gago."
"Bantayan niyo! I'll give you anything but not my sister!"
"Wew. Pre, okay na sana."
"I know you, bastard! Pupunta ako diyan as soon as possible basta huwag mo alisin ang paningin mo kay Aya o sa lalaking iyan!"
"Masyado ka namang overprotective brother para kang boyfriend ni Aya, pre. Sige, hihintayin ka namin dito."
Nagmamadali akong nagabang taxi at may taxi naman ang huminto na walang pasahero kaya pagkasakay ko ay sinabi ko sa driver kung saan ako pupunta.
Pagkarating ko ay hindi ko na pinansin yung ibang tao dahil kailangan kong hanapin si Aya.
"Ayos ka ah! Wala akong pakialam kung party mo ito at mukhang hindi mo ko kilala, tol. Ako ang gago sa mga gagong nakilala mo!"
"Pre, tumigil ka na." Pag awat ni Buck kay Luca.
"Hindi ako titigil dahil ang bastos ng lalaking ito, eh! Hoy, transferee umayos ka dahil hindi mo gugustuhin ang maaaring gawin ko sayo!"
"Aizen? Luca, Buck, nandito na pala si Aizen." Sabi naman ni Chuck pagkakita niya sa akin. Tumingin naman sa akin si Aya. Yes, si Aya. Pero tiningnan ko siya ng masama.
"We're going home!" Hinawakan ko sa braso si Aya. Tumingin rin ako sa paligid dahil mga bisita niya ay mga estudyante ng EA. "Kayong lahat kung hindi pa kayo umuwi pwede ko kayong i-report sa mga magulang niyo! O pwede ko rin kayong i-suspend!"
Narinig ko ang bulung-bulungan ng iba pero hindi ko na lang sila pinansin. Hinatak ko na lang palabas si Aya.
Pagkauwi namin ng bahay ay hindi pa rin nagsasalita si Aya.
"Ano ba ang pumasok sa utak mo at pumunta kayo ni Callie sa party na iyon ah?! Sinabihan na kita na huwag pumunta dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung ano ang gawin sayo, Aya! Matalino kang tao pero minsan hindi mo ginagamit ang isip mo!"
"Sorry, Zen." Narinig ko ang paghikbi niya. Damn. Kaya niyakap ko na siya ng mahigpit.
"Huwag mo ng uulitin ang nangyari ngayon ah. Nagaalala lang talaga ako kung ano mangyari sayo." Bumitaw na ako sa pagkayakap sa kanya. Pinuntasan ko na rin ang luha na kanina pang tumutulo sa pisngi niya.
"Don't act like my boyfriend! Kapatid lang kita!" Kumunot ang noo ko. Kapatid?
"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?" Bigla kong naalala ang sinabi ni Luca kanina sa akin sa telepono. "Tsk. Lasing ka na, Aya kaya matulog ka-- Damn it, umayos ka!"
Tama daw bang maghubad sa harapan ko?! Lalaki lang ako kaya madali akong matukso lalo na't mahal ko ang gumagawa noon. Kailangan ko magpigil.
Kaya dinala ko na si Aya sa kwarto niya at doon na rin siya nakatulog. Napabuntong hinga na lang ako. Ganito ba talaga si Aya pag nalalasing? Tinalo pa niya ako pag nakainom ako ah.
Bumaba na rin ako at sakto naman ang paguwi ni dad. Patay ako nito pag malaman niyang nangyari kay Aya ngayon. Hindi pa ako handa para lamayan.
"Bakit ka galing sa kwarto ni Aya, Aizen?"
"Hindi kasi kumain ng pananghalian si Aya kaya nagaalala ako sa kanya pero mukhang tulog." Pagsisinungaling ko. Dakilang sinungaling talaga ako. Kahit rin pala hindi pa kumakain ng pananghalian.
"Alagaan mo siya ng maigi para sa mama niya ah."
I rolled my eyes. Kahit hindi mo sabihin sa akin ay gagawin ko talaga iyan. Aalagaan ko si Aya hanggang sa pagtanda naming dalawa.
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...