Chapter 13

1.3K 36 0
                                    

Dahil bukas na ang 1st day ng Sport Festival namin at one week ito gaganapin. Kahit hapon ka na pumasok ay ayos lang pero hindi ko iyon gagawin dahil may laban ang team ni Aizen sa lahat na 1st year. Kung manalo sila 2nd year naman ang makakalaban nila and then, 4th year. Kung pasok sila sa semi-finals ang makakalaban nila ang mga players ng kapatid ng eskwelahan namin. At pagpasok na sila sa finals, siyempre ang champion last years ang makakalaban nila. Pero may problema... Hindi magkasundo sina Aizen at Caleb dahil simulang sinabi pala sa kanya ni Caleb na may balak siyang ligawan ako ay hindi na naging maganda ang samahan nilang dalawa. Hindi man lang sinabi sa akin ni Caleb na hindi na pala sila nagkaayos ni Aizen. Caleb is one of my close friend dahil simulang 1st year kami ay naging kaibigan ko na siya at tanggap niya kahit hindi ako mayaman. Hindi kasi siya mayabang kahit mayaman siya at dahil rin sa kanya kaya ko nakilalal ang best friend ko na si Callie, ang kanyang twin sister.

"Zen, good luck sa laban niyo bukas ah!" Sabi ko. Para ako yung kinabahan, eh. Para namang ako yung may laban sa 1st year bukas.

"Thanks. Pupunta ka ba ng school para suportahan ako?"

"Oo naman. I'll be there before the game start."

"Alright, then. Hihintayin ko ang pagdating mo ah. Maaga kasi ako papasok dahil paguusapan namin ang magiging strategy namin bukas."

Kinabukas...

Maaga ako nagising ngayon pero hindi ko alam kung bakit. Actually, hindi nga ako makatulog ng maayos kagabi dahil iniisip ko ang laban ng boyfriend ko.

Ineexpect kong nakaalis na si Aizen dahil ang sabi niya kagabi ay paguusapan pa sila ng mga teammates niya para sa magiging strategy daw nila.

"Good morning, Aya. Ang aga mo naman nagising ngayon." Sabi sa akin ni dad.

"Gusto ko po kasi suportahan si Aizen sa laban nila sa basketball."

"Really? That's nice. Mukhang gumana ang pagalis namin ng mama niyo ng tatlong buwan ah." Kumunot ang noo dahil sa sinabi ni dad. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Plinano nila ni mama na umalis ng bansa at iiwan kaming dalawa ni Aizen sa isang bahay para magkaayos? "Sorry, Aya. We shouldn't do this pero-"

"No, dad. Kahit ilang beses pa po ako humingi sa akin ng tawag ay nangyari na rin naman. Siguro nga po dati ay palagi kami nagbabayangan na dalawa ni Aizen tuwing umaga hanggang sa paguwi naming dalawa, siguro nasasawa na rin kayo sa bangayan namin." Kaya nga sa pagaalis niyo ay doon ko rin naman napagisip na may gusto na ako kay Aizen. Onti-onti na rin kasi nawawala ang nararamdaman ko para kay Caleb. Kaya nga naging official na ang relasyon namin ni Aizen. Pero....

Oficial nga ba talaga?

Kung official talaga ang relasyon namin ay dapat alam ng mga kaibigan niya, best friends ko, buong estudyante ng EU at siyempre magulang namin. Be proud dahil ang mahal mo ang naging girlfriend-boyfriend mo pero hindi namin magawa ni Aizen na ganoon. Kailangan namin itago kung ano man ang meron sa amin. Ganitong set up naman ang gusto namin, eh. Kahit mahirap kakayanin basta hindi lumayo sa akin si Aizen.

Mahal ko si Aizen at siya rin ang weakness ko. Hindi ko kayang makipaghiwalay siya sa akin dahil ikakamatay ko iyon.

Kung pwede nga lang ibigay ang sarili ko kay Aizen pero hindi pwede dahil may mga pangarap akong gusto kong gawin pagkatapos ko sa pagaarap. Gusto ko maging isang magaling na doctor. Kaya nga nagaaral ako ng mabuti para pagdating ng college ay kakayanin ko lahat na puyat sa tuwing may duties, thesis, projects, reporting, etc.

Ngayon ay nandito na ako ngayon sa school kaya pupuntahan ko na muna si Aizen bago magsimula ang laro nila. Nakikita ko rin na nagsilabasan na rin ang mga teammates niya. Kumatok ako bago sumilip sa loob dahil si Aizen na lang ang nandito. Mukhang hinihintay niya ang pagdating ko.

"Hubby." Pagkuha ko sa atensyon niya kaya napalingon siya sa likod. May malawak na ngiti sa mga labi niya pagkakita niya sa akin.

"Mabuti dumating ka na." Lumapit na ako sa kanya. Para namang hindi isang bahay ang tinitirahan namin at sobrang miss ako ng boyfriend ko.

"Good luck sa laro niyo ngayon. Nandito ako para suportahan ang boyfriend ko." Hinalikan ko siya sa pisngi. A good luck kiss.

"Is that all, wifey?" Mukhang hindi kuntento sa halik ko dahil hinalikan na niya ako sa labi. I can't resist his kiss. Tutal kaming dalawa lang naman ang nandito.

"That's my good luck kiss." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Sumunod ka na sa ibang teammates mo baka kasi hinahanap ka na nila."

Humarap na ako sa may pinto pero laking gulat ko dahil may nakakita sa amin. Shit, ano ang gagawin ko? Pero alam ko naman hindi niya magagawang ipagkalan kung ano man ang nakita niya.

"Ca--" Walang lumabanan sa bibig ko. Sobrang kinakaban kasi ako sa mangyari.

"Aya, bakit?"

Anong bakit?

Medyo naguluhan ako sa tanong niya sa akin.

"Tinatanong mo ba kung bakit ako ang pinili ni Aya, hindi ikaw? Simple lang--"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Pasigaw niya kay Aizen kaya napa-tsk na lang ang katabi ko. Napatingin siya ulit sa akin.

"C-Caleb." Yes, si Caleb ang nakakita sa amin ni Aizen. "Siguro noon ay may gusto ako sayo pero lalong tumatagal ay magkakagusto na rin ako - hindi, minahal ko na si Aizen. Lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya."

"Alam mo ba ang mangyayari sa inyong dalawa pag nalaman ng ibang tao kung ano ang relasyon niyong dalawa?!"

"We know. At pakiusap, huwag mong sabihin sa ibang tao kung ano man ang nakita mo kanina. Kahit kay Callie."

"Hindi ako mangangako na hindi malalaman ng iba pero susubukan ko. Pero hindi rin ako mangangako na hindi kita aagawin sa lalaking iyan." Tinuro pa niya si Aizen. Bakit ganoon? Sobrang tense. Hindi ko pinangarap na ganito mangyayari. "Hinahamon kita, Aizen."

"Kahit anong paghamon mo sa akin ay hindi ka mananalo sa akin."

"Don't underestimate me, Evergreen. Wala akong pakialam kung anak ka pa ng may ari ng eskwelahan na ito o hindi. Let's play fair and square sa basketball pagkatapos ng Sport Fest at kung magtangka kang mangdaya, I consider it you're lose."

"Game on, loser!"

"Tingnan na lang natin kung sino sa ating dalawa ang loser!"

"But it I win, lalayo ka na sa girlfriend ko!"

"Walang problema. Aasahan ko ang araw na iyon." Sabi ni Caleb at lumabas na siya.

"Bakit, Zen? Hindi ko naman kailangan gawin iyon ah." May pagaalala sa boses ko.

"Sa tingin mo ba papayag akong magpatalo sa talunan na iyon?"

Ano ang gagawin ko? Lalong lumaki ang pagaaway ng dalawa. Mukhang ako pa ang dahilan ng away nila.

"Ano ang gagawin mo? Mangdadaya ka?"

"Nope. Takot ko lang na makuha ka niya sa akin."

"Hindi naman ako papayag na mapunta ako sa iba. Siguro nga may gusto ako kay Caleb dati pero ikaw ang mahal ko ngayon at you're my weakness, Zen." Nakita kong ngumiti si Aizen sa akin.

"Believe me, wifey. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko para manalo sa laban na gaganapin."

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon