Nandito ako ngayon sa tambayan ni Aizen kasi ang sabi niya ay magkita daw kami dito. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapupunta dito.
"Ganyan ka ba talaga, Zen? At ako pa talaga ang pinaghihintay mo dito ah. Ang gentleman mo talaga."
"Sorry." Lumapit ito sa tabi ko.
"Ano ba ang gusto mo kung bakit mo ko pinapupunta dito?"
"What's wrong? Ang init yata ng ulo mo ngayon, Aya. May dalaw ka ba ngayon."
"Wala. Marami lang akong ginagawa ngayon at sinisingit ko lang ito dahil ang sabi mo ay importante ang sasabihin mo."
"Okay. Hindi ako papaligoy ligoy pa." Humarap na siya sa akin ngayon. Pero ako ay nakatagilid pa rin sa kanya. "It's been a year since we're in a relationship, Aya. Kahit fake man yung una ay masaya ako maging girlfriend kita."
Ganoon na pala katagal ang relasyon namin. Hindi ko man napansin kasi naman hanggang ngayon ay hindi ko maramdam na mahal ba talaga ako ni Aizen o pinaglalaruan lang ba niya ang nararamdaman ko. I know Aizen since we're a kids, siya ang lalaking sinusumpa kong dahil nakilala ko siya. I really hate him since, then pero nagbago ang lahat na iyon noong naging kami. Inaamin kong masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Overprotective na boyfriend kahit wala masyadong nakakaalam tungkol sa relasyon namin, tinanggap ko ang set up na iyon dahil mahal ko si Aizen.
Mahal ko nga ba?
Nagdadalawang isip na kasi ako ngayon. Lalong tumatagal ay pakiramdam ko parang baliwala na lang sa kanya na may girlfriend siya. After graduation ay aalis na siya ng bansa pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya sinasabi sa akin. Paano na lang kung hindi ko narinig ang pinaguusapan nila ng parents namin? Ako ang kawawa dahil wala akong alam na may balak pa lang iwan ako ni Aizen dito sa Pilipinas. Isa lang kasi ang palagi kong iniisip.
Ang hiwalayan si Aizen...
Hindi dahil sa magiging Long Distance Relationship. Iba ang nararamdaman ko ngayon. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na maghiwalay na kami. Ayaw ko naman sabihin sa kanya agad lalo na't nagaaral pa kami. Siguro pag graduate na lang namin doon ko sasabihin kay Aizen.
Sorry, Aizen. Ayaw ko na kasi ng ganitong set up kaya makikipaghiwalay na rin ako. Kalimutan mo na rin na nagkaroon tayo ng relasyon. After our graduation ay kakalimutan ko na rin nakilala kita at ikaw ang first love at first boyfriend ko.
"Hey, Aya. Hindi ka nakikinig sa akin."
"Sorry. May sinasabi ka ba?"
"Ang sabi ko pagkatapos natin ng college ay hindi magbago ang relasyon natin." He cupped my face at nakatingin ako sa mga mata niya. Inaamin kong maganda ang mga iyon. "Mahal kita. I love you."
Pinikit ko na lang ang mga mata ko ng mariin. Hindi ko na alam kung kaya kong ibalik pa sa kanya ang mga salitang iyon, hindi katulad noon.
"Aya?"
Dumilat ulit ako para tingnan siya.
"I-I'm sorry, Zen. Kailangan ko ng bumalik sa loob baka kasi hanapin na ako ng iba." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Aizen dahil pumasok na ako sa loob ng school building. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak kahit alam ko namang hindi totoo ang relasyon namin ni Aizen. Hindi ko ginusto na ganito ang mangyayari sa buhay ko.
Hindi na ako tumuloy sa library ngayon dahil nagkulong ako sa public cubicle ng female CR. Gusto ko ilabas ang mga sakit nararamdaman ko ngayon. I need someone to talk with. Hindi pwede si Callie dahil may ginagawa siya sa club niya.
Nagayos na muna ako ng sarili ko bago lumabas ng CR pero napakurap ako noong makita ko si Caleb lumabas din ng CR ng lalaki.
"May problema ba, Aya?"
"Ayaw ko naman maisturbo ka, Caleb. Alam ko namang marami kang ginagawa sa basketball club."
"Kahit busy ako ay may oras ako para sa mga kaibigan ko. Tell me, what's your problem?" Napangiti ako sa kanya. Kahit nasaktan ko noon si Caleb ay nagawan pa rin niya akong tulungan. Ang bait niya. Sana siya na lang ang sinagot ko hindi si Aizen. Kung si Caleb ang naging boyfriend ko siguro wala akong problema ngayon.
"Thank you. Pero pwede ba tayo sa ibang lugar? Huwag dito."
"Okay. Kukunin ko lang yung mga gamit ko sa classroom." Tumango ako sa kanya. Kukunin ko na rin ang gamit ko sa classroom namin.
Nandito kami sa malapit na cafe. Tambayan kasi ito ng mga estudyante ng EA maliban lang sa amin dahil nakakatamad lumabas ng school campus kung may canteen naman.
"Sabihin mo na ang problema mo baka makatulong ako."
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayon. Pagkatapos kong marinig ang pinaguusapan ng mga magulang namin at siya. Wala talaga siyang balak sabihin ang plano niya pagkatapos ng graduation natin."
"Ano ba ang balak ni Aizen?"
"Sa abroad niya gusto magaral ng medisina. Tapos ako? Nandito lang sa Pilipinas. Ayos lang sana kung nandito lang din siya, eh pero hindi. Ang masaklap pa mawawalan kami ng oras sa isa't isa para makapagusap lang."
"Ano ang plano mo?"
"Makikipaghiwalay na ako sa kanya pero hindi na muna ngayon. Gusto kong mag-focus na muna siya sa studies hanggang makagraduate tayo. Saka ko na iisipin kung paano ako makikipaghiwalay sa kanya."
"Kung ako lang sana ang pinili mo noon ay sana masaya ka ngayon, Aya."
Oo nga, eh. Laking pagsisi ang ginawa ko. Sana nga si Caleb na lang ang pinili ko noon. Sana pumayag na lang akong ligawan niya ako.
Pinili ko kasi ang masaktan kaysa maging masaya.
"Pero anong mangyari ay magkaibigan pa rin tayo, Aya."
Ngumiti ako sa kanya.
"Thank you."
"Simulang mga freshmen pa lang tayo ay ikaw ang unang naging kaibigan namin ni Callie."
"Yeah. Masaya akong nakilala ko kayong dalawa."
"Susuportahan ka namin ni Callie sa kahit anong desisyon as long as legal iyan."
"Loko ka talaga. Kailan pa ako pumasok sa illegal?"
"Binibiro lang kita. Gusto lang kita pasayahin." Sabi niya sabay inom ng tea na inorder niya kanina.
"I can't thank you enough, Caleb. Kahit pagkagraduate natin ay aalis na rin ang kakambal mo."
"Yep. Pangarap talaga niya ang magaral sa Italy simulang mga bata pa kami. Gusto niyang tuparin ang mga pangarap niya. At siyempre ganoon din ako."
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...