Aizen's POV
Nakakapagtataka dahil nauna akong umuwi kaysa kay Aya. Baka naman gumala sila ni Callie. I can't call her best friend dahil alam ko namang galit ang babaeng iyon sa akin. Habang kumakain ako ng miryenda ay napalingon ako sa likod dahil nakauwi na si Aya pero laking gulat ko noong makita ko ang itsura niya ngayon. Punit-punit ang suot niyang uniform, gulong gulo ang kanyang buhok at may sugat pa siya sa pisngi.
"Ano ang nangyari sayo?" Kunot noo kong tanong sa akanya, pero hindi niya ako pinansin. Nagaalala tuloy ako sa kanya. Gusto ko malaman kung ano ang nangyari sa kanya.
Umuwi na ang magulang namin pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Aya. Alam kong magkatabi lang ang kwarto namin at kahit lock ang kwarto niya ay pwede ako dumaan sa balcony. Damn, I really want to know what happened. Noong nagkahiwalay kami kanina sa canteen ay kakaiba ang kinikilos niya. She called me Zen at ayos lang sa akin pero bigla na lang niya akong tinawag ulit na Aizen.
Tumawid ako sa balcony para tingnan ang kalagayan ni Aya. Nakita ko siya nakahiga lang siya sa kama kaya kumatok ako sa glass door. Pero hindi ako sinagot ni Aya, baka tulog na siya.
Kinubasak...
Dating gawi ay maaga akong pumasok sa classroom at onti pa lang ang pumapasok na kaklase ko. Dahil mamaya pa ang simula ng unang klase ko ay pupuntahan ko na muna si Aya sa classroom nila. Nang makarating ako sa classroom nila ay nakasalubong ko si Callie papasok ng classroom nila.
"Callie, si Aya?"
"Aba, himala yata hinahanap mo ngayon ang kaibigan ko at mukhang nagaalala ka sa kanya."
"Hindi mo kasi naiintindihan."
"Hindi ko naiintindihan ang alin?" Naguguluhan siguro siya sa sinabi ko. Tumingin ako sa paligid namin, to make sure walang tao.
"Dahil kaibigan ka naman ni Aya kaya sasabihin ko sayo."
"Ano ba iyon, Aizen?"
"Her mother and my father are married kaya kapatid ko na si Aya."
"What?! Kapatid?!" Tinakpan ko ang bibig niya baka may makarinig.
"Shh.. Huwag ka naman maingay." Inalis ko agad ang kamay ko sa bibig niya.
"Sorry. Pero seryoso step-sister mo si Aya?"
"Yes, pero ang problema simulang mga bata pa lang kami ni Aya ay may gusto na ako sa kanya."
"Kung gusto mo siya, bakit palagi mo siya iniinsulto?"
"I didn't mean it. Hindi kong gawin sa kanya iyon. I know I'm stupid.."
"Sorry, Aizen pero hindi pa pumapasok si Aya. Sinusubukan ko siyang tawagan pero cannot be reached lagi ang phone niya."
"Ganoon ba?" Lalo tuloy ako nagaalala kay Aya ngayon. Peto bigla ko naalala ang nangyari sa kanya kahapon pagkauwi niya. "Ah, may kilala ka bang nakaaway si Aya?"
"Maliban sa mga fangirls mo, wala na siya naging kaaway. Bakit?"
"Nakita ko siya kasi siya kahapon punit-punit ang uniform, gulong gulo ang buhok at may sugat siya sa pisngi. Kaya tinanong ko siya kung ano ang nangyari pero hindi niya ako sinagot."
"What?! Sino naman ang gagawa nito sa best friend?!"
"Pumasok ka na sa loob dahil malapit na magsimula ang klase. Ako na bahala kung sino may gawa kay Aya." Malalagot sa akin pag malaman ko kung sino may gawa noon kay Aya. Hindi ko mapapatawad.
Pagkabalik ko sa classroom namin ay sinalubong ako ni Sabrina.
"Hi, baby."
"I'm not your baby kaya huwag na huwag mo kong tatawaging baby at nakakadiri ka." Naglakad na ako pabalik sa upuan ko.
"Oh. By the way, alam mo ba ang nangyari sa nerdy na Aya na iyon?" Nilingon ko si Sabrina. May kinalaman ba siya sa nangyari kay Aya?! Hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Oh, bakit mukhang concern ka sa nerdy na iyon, Aizen?"
"Mind on your business. Ano ang ginawa mo kay Aya?!" Tinaasan ko siya ng boses kaya yung ibang kaklase namin ay napatingin sa akin. Hindi pa nila ako nakikitang magalit.
"Binigyan lang namin siya ng rega--" Lumapit ako sa kanya sabay hatak sa uniform niya. Wala akong pakialam kung babae pa itong kaharap ko.
"Anong ginawa mo sa kanya?!"
"Nakita kong pinagkaisahan si Aya kahapon nila Sab, pre." Rinig kong sabi ni Chuck.
"Damn i!" Binitawan ko na ang uniform ni Sabrina at dinuro duro ko. "Sa susunod na saktan niyo pa si Aya hindi ako magdadalawang isip na saktan kayo. Wala akong pakialam kung babae pa kayo!"
"Bakit ganoon na lang ang pagaalala mo sa kanya, pre? Hindi ka naman ganoon dati ah. You like her?"
"No.." Hindi nila pwede malaman na may gusto ako kay Aya. Baka malaman nila na step-sister ko siya at bawal ang relasyon naming dalawa. Sa daming pwedeng pakasalan ni dad ang mama pa talaga ni Aya. I really hate my life..
"Kung hindi mo siya gusto eh, bakit ganoon na lang ang pagaalala mo sa kanya?"
"Because she is my sister! Step-sister mo siya dahil asawa ng dad ko ang mama niya. Kaya kung sino man ang umape sa kapatid ko ay malalagot sa akin."
"Kaya naman pala ganoon ang pagiging close niyong dalawa kahapon sa canteen." Sabi ni Sophia. Kaibigan siya ni Sabrina and speaking of that woman, ayon siya sa upuan niya ay hindi nagsasalita. Nakatikim siya tuloy ng galit ko.
Pagkatapos ng klase namin ay umuwi ako agad. Sa totoo lang ay kanina ko pa gusto umuwi dahil nagaalala ako kay Aya.
"Aya, open the door." Pagkauwi ko kasi sa bahay ay sinabi ni manang na hindi pumasok si Aya at simula kahapon ay hindi pa siya lumalabas ng kwarto. Nagpakuha na rin ako ng susi, tuloy pa rin ako sa pagkatok. "Aya.."
"Aizen, heto na yung susi." Binubuksan na ni manang ang pinto, pagkabukas ng pinto.
"Manang, pakilutuan po si Aya ng makakain. I'm sure gutom siya ngayon dahil wala pa siyang kain." Pagkababa ni manang ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Aya. "Aya, I'm sorry sa nangyari sayo kahapon. Kung alam lang na ganoon ang gagawin nila Sabrina sayo dapat kinausap ko sila. Alam kong kasalanan ko kaya ka nila binully."
Narinig kong umiyak ng malakas si Aya kaya lumapit ako sa kanya para yakapin siya.
"Aya, kung may mang away man sayo sabihin mo lang sa akin." Pinunasan ko na ang luna niya. Hindi ko kayang tingnan ang sugat sa pisngi niya, pati rin pala sa braso niya ay may sugat at pasa. Tsk, hindi ko talaga mapapatawad ang ginawa ni Sabrin kay Aya.
"Hijo, heto na yung pinaluto niyong pagkain para kay Aya."
"Salamat, manang." Kinuha ko na kay manang yung tray. "Ah, manang.. Pakikuha po ng first aid kit."
Pagkalabas ni manang Eden ay humarap ulit ako kay Aya.
"Aya, kain ka na muna. Alam kong hindi ka pa kumakain simula kagabi."
"Wala akong ganang kumain kaya umalis ka na." Mahina niyang sambit. Tama lang para marinig ko.
"Hindi pwedeng hindi ka kumain dahil magkakasakit ka niyan."
"I preferred to die. Ayaw ko ng ganitong---"
"Please, Aya.. Don't say that. I know how you missed your father, sa tuwing nakikita kita noong maliliit pa tayo ay ang papa mo ang palagi mong kasama. I envy of you dahil may oras sayo ang papa mo. Kahit wala rito ang papa mo pero I'm sure he's watching over you. Tandaan mo pag nawala ka malulungkot ang mama mo, ako..."
Bumangon na si Aya at kinuha na niya yung plato naglalaman ng maraming pagkain. Ang daming niluto ni manang para kay Aya, alam kong nagaalala rin si manang kay Aya.
"Pagkatapos mong kumain gagamutin ko yung mga sugat mo."
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...