Chapter 9

1.6K 41 1
                                    

Aizen's POV

Simula noon ay hindi na kami nagpapansinan ni Aya. Sana nga lang hanggat maaga pa lang ay sabihin na niya sa akin ang plano niya para hindi ako masaktan. Hindi ko nga alam kung bakit siya pumayag na maging girlfriend ko.. Magpaalam na nga si Caleb na mangligaw sa kanya pero hindi siya pumayag. Kung ang ibang babae iyan sigurado akong matutuwa pa sila dahil liligawan sila ng crush nila. Pero alam ko namang iba si Aya sa kanila. Hindi lang matalino si Aya, mabait rin dahil hindi ko pa siya nakikitang nagagalit sa kapwa. Kaya siguro nagkakagusto na ako sa kanya. Pagkagraduate namin ng elementary noon ay ang akala ko nga hindi na kami magkikita ni Aya pero nagkamali ako dahil magkita ulit kami sa Evergreen Academy. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok agad sa school na iyon dahil eskwelahan ng mayayaman ang Evergreen Academy. Nalaman kong nakakuha pala siya ng scholar kaya walang hirap siyang nakapasok at hindi lang iyon si dad pala ang nagoffer sa kanya para doon magaral ng high school. I don't what my old man thinking.

"Hey, Aiz." Bati sa akin ni Buck. Isa sa mga tropa ko maliban kay Chuck.

Maagang umalis ng bahay si Aya pero hindi ko pa siya nakikita. Kahit alam kong magkaiba ang section naming dalawa.

Bakit ako napunta sa section na ito? Hindi ako sa section 1.. Kasi pasaway akong bata kaya dito ako dinala ng matandang iyon. At pagkatapos ko sa pagaaral ay wala akong balak mamuno sa paaralan namin, may sarili akong pangarap. I need to fullfil my mom's dream-- no, my own dream. Simulang iniwan kami ng mama ko ay nagalit na ako sa kanya dahil mas mahal niya ang kanyang kabet kaysa sa sarili niyang pamilya. May pera, may kaya naman si dad... hindi ko alam kung bakit siya iniwan ni mama.

"Ang layo ng iniisip natin ngayon ah." Sabi ni Chuck.

"I'm not in the mood." Pinatong ko na ang ulo ko sa desk, pinikit na rin ang mga mata ko habang wala pa kaming teacher.

Pagkatapos ng klase namin sa umaga ay naglalakad na ako papunta sa canteen pero may nakita akong grupo ng lalaki sa hallway. Ano ba meron? Nakita ko si Callie kahit alam kong may galit siya sa akin.

"Ano meron?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin ito sa akin.

"Tingnan mo na lang kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga lalaki."

Tumingin ako para makita kung sino pero nakalikod siya sa akin hanggang humarap na siya. Namilog ang mga mata ko sa nakita ko. Is this for real? Si Aya ba itong nasa harapan ko? Hindi ako papayag na may umagaw sa akin kay Aya.. She's mine... Kahit wala naman talaga kami.

Pero ang ganda niya ngayon lalo na't inayusan siya.

Ang weird nga ng tibok ng puso ko ngayon. Bakit ganito? Ayaw huminto sa pagwawala ng puso ko..

"All of you.. Back to your class." Sabi ng isang teacher namin. Kaya yung mga lalaking estudyante ay nagsibalikan sa kanyang kanya nilang classroom. Kaming dalawa na lang ni Aya ang naiwan.

"What the hell you're doing?! May balak ka pa talagang angkitin ang mga lalakjng estudyante. Hindi na kita tutulungan kung paginitan ka ng ibang babae dito."

"Hindi ko naman sinabing tulungan mo ko ah. May sinabi ba akong tulungan mo ko? Wala naman. At kahit kailan hindi ko kailangan ng tulong mo, Aizen. Huwag mo rin ako papakialaman kung ano ang gusto kong gawin." Sabi niya at naglakad na siya papunta sa classroom nila.

She has a guts.

Hindi pa nga tumatagal ang relasyon na ito pero palagi kami nagtatalo ni Aya. I admit it, one sided love ang nangyayari dahil ako lang naman ang may nararamdaman kay Aya. Wala siyang nararamdaman sa akin dahil si Caleb ang gusto niya.

Ano ba ang gagawin ko para magawan niya akong mahalin?

Hindi ko namalayang iniwanan na pala ako ni Aya magisa dito sa hallway.

Hindi na ako nakikinig sa mga lessons namin dahil ang utak ko ay wala rito ngayon.

"Aya, sorry sa lahat na ginawa ko sayo." Sabi ko sa kanya kaya humarap siya sa akin. Kunot ang noo.

"Sorry is not enough, Aizen."

"I know pero sasabihin ko lang ito sayo at ngayon lang ito.. Nirerespeto ko ang magiging desisyon mo kung may balak kang makipaghiwalay sa akin.. Hindi na rin kita kukulitin."

"Manahimik ka na muna, please lang. Naiirita na kasi ako sa boses mo." Kaya ayon tumahimik na lang ako pero hindi umaalis sa kwarto niya. Wala naman siyang sinasabing umalis ako.

Napansin kong ang lalim ng iniisip ni Aya ngayon, ano naman kaya ang iniisip niya? Dahil ayaw naman niya marinig ang boses ko kaya hindi ko na lang siya kakausapin.

"Asar!" Halatang problemado siya ngayon. Bakit naman? At namilog ang mga mata ko dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak. "Bakit nandito ka pa?!"

"Wala ka namang sinasabing umalis."

"Namilosopo ka pa! Umalis ka na nga dito sa kwarto ko dahil gusto ko magisa."

Kaya ito na nga lumabas na ako sa kwarto niya, pumunta na rin ako sa kwarto ko. Pero nagaalala ako kay Aya ngayon dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Pumunta ako sa balcony para bantayan si Aya at sana nga lang hindi niya ako makitang binatanyan siya.

"Kainis! Simulang kinausap ko ang lalaking iyon nagbago na ang buhay ko! Maa gusto ko pa ang dating buhay ko!"

Sino ang tinutukoy niya? Ako ba?

"Kahit hindi kami magkadugo pero kapatid ko siya.. Hindi ito tamanc nararamdaman ko para kay Aizen."

What?! May nararamdaman na si Aya para sa akin?! Seryoso?! Hindi ba ako nanaginip? Pero wala naman akong maalalang natulog kanina kaya hindi ito panaginip, panigurado.

She's right we're siblings but not blood related. Pero ang desisyon niya ang hinihintay ko. Kung papayag ba siyang hayaan ang relasyon na ito o hindi. Sana sabihin niya sa akin agad ng mas maaga bago pa lumalim ang nararamdaman ko sa kanya lalo na't kaming dalawa lang ang nandito. Sa loob ng dalawang buwan ay kaming dalawa lang ni Aya magkasama. Wala ang parents namin. They left their children alone. Hindi ba nila alam kung ano pwedeng mangyari sa amin ni Aya.

"Sino iyan?" Shit, hindi ko napansin yung maliit na stool dito sa balcony. Kaya ito napaupo ako sa semento.

Agad akong pumunta sa kwarto ko para hindi makahalata si Aya sa nalaman ko. Dumeretso na rin ako ng banyo para kunwaring naliligo ako.

"Teka lang! Patapos na ako." May kumakatok kasi sa pinto ng banyo. Sa tingin ko si Aya ito. Binuksan ko ang pinto ng banyo. "Ano ang kailangan mo?"

Narinig ko siyang suminghap at hindi maalis ang tingin niya sa katawan ko. Half naked kasi ako ngayon.

"Gosh! Magbihis ka nga!" Nakita kong namumula ang pisngi niya.

"Sus, normal lang na ganito kaming mga lalaki. Half naked lalo na't maliligo ako nang bigla kang kumakatok."

"Whatever, Aizen. May gusto akong malaman!"

"Hindi mo naman kailangan sumigaw, nasa harapan mo lang ako. Ano ba ang gusto mo malaman?"

"May narinig ka ba kanina?"

"Narinig? Na ano?"

"So, wala kang narinig?" Narinig ko? Yung bang kinakausap niya ang kanyang sarili kanina? Kung iyon nga, kailangan ko magpanggap. "Okay. Kalimutan mo na lang na tinanong ko iyon."

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon