Chapter 17

1.2K 31 2
                                    

Sa mga nagaabang ng story ni Ethan o Nathan Andrada ng Mafia Sequel Series ay magkakaroon na ng sarili si Ethan kasi nakaisip na ako ng story plot ;) and I'm sure you guys will like it.

More drama, more romance, more revenge...

SOON!

Back to story~

~~~~

Aizen's POV

I don't understand but I feel like Aya is avoiding me. Bakit naman kaya? Ano ang ginawa kong mali? Kailangan kong alamin kung may nagawa ba akong mali sa kanya.

"Aya.." Tawag ko sa kanya pero para shit lang... wala siyang narinig. Ano iyon?! Multo ako?! "Aya, ano ba! Hindi mo ba ako papansinin?!"

Ubos na talaga ang pasensya ko dahil hindi ko kayang iwasan ako ni Aya. Damn.

Mabuti na lang at humarap siya sa akin.

"Nandiyan ka pala, Zen. May kailangan ka ba sa akin?" Damn, kailangan kong kumalma at ayaw ko sabayan ang init ng panahon. Inaamin mainit sa Pilipinas..

"Damn it! Kanina pa kitang tinatawag pero wala kang naririnig! Iniiwasan mo ba ako?"

"Bakit naman kita iiwasan?" Gosh! Tama bang tanungin rin ako ng another question?! "Bigyan mo ko ng valid reason kung bakit kailangan kita iwasan, Zen. Kahit isa lang."

"Ewan ko sayo! Nangako tayo sa isa't isa na walang sikreto. Kaya sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo, baka makatulong ako sayo."

"What if. What ifs lang ito ah kaya huwag mong seseryusin."

"Okay. Ano ba iyon?"

"What if hindi pala totoong kasal ang mga magulang natin? Ano ang gagawin mo?" Kumunot ako ng noo sa tanong niya. Pero sabi niya huwag kong seryusuhin.

"Kung hindi naman pala totoo edi masaya ako dahil hindi na natin kailangan magtago sa ibang tao tungkol sa relasyon natin. Handa akong pakasalan ka sa kahit anong simbahan dahil mahal kita, Aya."

"Okay." Simpleng tugon niya bago ako iniwanan ako. Ano iyon? Bakit ganoon si Aya?

Hindi ko maintindihan pero talagang iniiwasan ako. Damn it! Ano ba ang ginawa kong mali sa kanya?! Wala talaga akong maalala. Kung tungkol sa mga babaeng pumapatol sa akin ay wala akong interesado sa kanila dahil si Aya ang mahal ko pero shit lang ang sakit sa tuwing iniiwasan ako ng mahal ko.

Simula noon ay hindi lumalabas ng kwarto si Aya at hindi rin ako makapasok galing sa balcony. Damn, nilock niya ang pinto doon. Ayaw ko ng ganito dahil kaming dalawa na naman ang magkasama. Umalis na naman kasi ang magaling naming magulang.

Kung pwede lang ipagsigaw sa buong mundo na mahal ko si Aya ay matagal ko ng sinisigaw pero ang hirap ng sitwasyon namin. Sa dami pwedeng mangyari sa sitwasyon namin bakit pa ang ganito?! Nakakainit ng ulo!

Pagkabalik ko sa kwarto ko ay binuksan ko ang laptop pero may napansin akong may email ako. Sino naman itong Bryce Santos?

Hi, brother!
Maybe you don't know me but I do. I will introduce myself, name is Bryce Santos and I'm your half brother because we have same mother.

What the-- Kahit kailan wala akong kapatid dahil matagal ng patay ang mama ko. Kaya dinilete ko na lang yung email na iyon dahil una sa lahat ay wala akong pakialam sa kanya at pangalawa hindi ko alam kung paano niya nalaman ang email address ko.

Binuksan ko na lang ang facebook ko pero may isang friend request. Sino naman ang magaadd sa akin? Private kasi ang account ko at pili lang ang inaaccept ko. Pagclick ko ng friend request ay kumunot ang noo ko dahil ito na naman. Ang Bryce Santos na naman. Damn. Pinuntahan ko ang profile para tingnan ang mga pictures. Damn that woman masaya pa siya sa kabet niya. At huling ginawa ko ay ang i-message ang half brothe ko daw kuno. Psh. Don't me.

Aizen Evergreen:
Sino ka ba?

Bryce Santos:
Haven't you read my email to you, my brother? 😏

Aizen Evergreen:
Paano naman kita naging half brother kung matagal ng patay ang mama ko?! Tell me! Ano ba kailangan mo?! Pera ng pamilya ko?!

Bryce Santos:
I don't need your damn money, Aizen. WE have a lot of money. Kaya nga iniwanan kayo ni mama.😏

At talagang nanginsulto pa talaga ah?!

Ang ginawa ko na lang ay blinock ang taong ito. Bwesit!

Kinabukasan...

Maaga akong nagising dahil may kailangan pa akong asikasuhin. It's already Summer Vacation pero hindi ko maenjoy ang bakasyon na ito dahil iniwan na naman kami ng mga magulang namin. Habang kumakain ay may nagdodoorbell. Sino naman kaya isturbo sa ganitong oras?

Pagkabukas ko ng gate ay kumunot ang noo sa nakita ko.

"What are you doing here?"

"Aizen..."

"Umalis ka na dahil ayaw ko makita ang pagmumukha mo!"

"Anak--"

"Shit, hindi kita kilala kaya huwag na huwag mo kong tatawaging anak at saka matagal na patay ang mama ko." Nakakuyom ang mga kamao ko sa sobrang galit. Simulang iniwan niya kami ay pinatay ko ka rin siya sa buhay ko. Kaya lumaki ako na si dad lang ang pamilya ko.

"Zen?" Lumingon ako sa likod noong tawagin ako ni Aya. Siya lang ang tumatawag na Zen sa akin at siya lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganoon. Onti-onti nawawala ang init ng ulo ko dahil kay Aya. "What's wrong?"

"Nothing." Sagot ko. Tumingin ulit ako sa babae na matagal ko ng kinakimutan pero bumalik ulit. Sira ang umaga ko dahil sa kanya. "Umalis ka na bago ako tumawag ng pulis at papakulong kita!"

Nakita ko na nga siyang umalis kaya nagpaalam na ako kay Aya na aalis na muna dahil may importante pa akong gagawin ngayon.

"Hey, dude!" Tawag sa akin ni Chuck. Kasama na niya si Buck ngayon.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na may girlfriend ka na, Aiz. Sino ba iyan?"

"Importante ba kung may girlfriend na ako?"

"Siyempre naman. Kaibigan mo kami."

"Okay. Whatever, dude. But remember the rules bawal pumatol sa mga babaeng naging ex isa sa atin." Paalala ko sa kanila. But of course, wala akong balak makipaghiwalay kay Aya because she is the right girl for me. Ang babaeng hindi ko mahawakan - I mean, alam niyo na iyon. Lalaki lang ako at may pangangailangan rin pero hindi ko iyon gagawin hanggat hindi pa kami kasal ni Aya. I respect her.

"Tara na nga at puntahan pa natin si Luca."

Luca is also my friend. Siya lang kasi ang lumipat ng paaralan dahil kailangan ng pamilya niya ang lumipat sa Canada kasi doon inassign ang dad niya. Wala rin naman kami magawa basta huwag niyang kalimutan kami. Mga kalokohan namin noong maliliit pa kami.

Speaking of kalokohan, I admit it loko-loko ako pero noong dumating sa buhay ko si Aya ay nagbago na ako. Hindi na ako loko-loko hindi katulad ng mga ito. Naging masipag na rin ako sa pagaaral unlike before because of me Aya. She gave me light. Binigyan niya ng liwanag ang madilim kong buhay.

~~~~

Summer Vacation na po nila. Hindi ko na pinakita ang exam nila kasi patagal lang iyon. Hahaha!

-Skye

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon