Chapter 8

1.5K 46 0
                                    

Argh! Naiinis na ako dahil simulang sinabi ni Aizen sa akin na hindi niya ako pipigilan kung may balak akong makipaghiwalay sa kanya. Ano ba ang gusto niya ah?! Hindi ko na talaga maintindihan ang lalaking iyon.

Mabuti na lang tapos na rin ang prelims namin kaya wala na akong poproblemahin na exams. Ang poproblemahin ko na lang ang lalaking ito.

"Aizen.." Tawag ko sa kanya pero tuloy pa rin siya sa pagbaba ng hagdan. Weekened ngayon kaya wala kaming pasok. "Aizen, ano ba! Humarap ka sa akin pagtinatawag kita ah!"

Nauubos na ang pasensya ko sa kanya ah.

"Ano ang dahilan mo kung bakit ka pumayag sa ganitong bagay ah, Aya? Alam ko namang hindi mo ko mahal, bakit ka pumayag?" Tanong nito sa akin. Kahit ang sarili ko hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Kapatid ko siya sa mata ng mga tao, for pete's sake. "Hindi ka makasagot!"

"I don't know the answer. Okay? Hindi ko alam kung bakit ako--"

"Bullshit!" Humarap na siya sa akin, galit na galit ang mukha. "Kung may balak kang saktan ako dahil sa mga ginagawa ko sayo noon. Fine, tatanggapin ko ang lahat na iyon pero sana huwag naman yung damdamin ko, Aya."

Bigla nagiba ang mukha ni Aizen noong sinabi niya ang huli niyang sinabi. Is he really likes me?

"Talaga bang gusto mo ko? O baka naman gusto mo lang akong saktan, Aizen? Kilala ko ang katulad mo."

"Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo. Bakit naman kita sasaktan ah?"

Bago pa ako makasalita ay tinawag kami ni mama kaya nauna na akong pumunta sa kusina.

"Bakit po, ma?"

"Magbabakasyon kami ng dad niyo sa ibang bansa kaya kayong dalawa lang ang nandito sa bahay. Make sure hindi niyo iiwanang bukas ang pinto bago kayo matulog."

"Nasaan po si manang?" Tanong ko kay mama.

"Pinauwi na muna namin sa kanila dahil matagal tagal na rin ang huling uwi niya sa pamilya niya." Sagot ni dad.

No! Hindi ako papayag na kaming dalawa lang ni Aizen ang nandito.

"Okay, mom.. dad, enjoy your trip." Sabi ni Aizen at iniwanan na kami.

"Bakit kailangan niyo naman ang umalis? At hindi kami kasama."

"Hindi pa kayo bakasyon at sayang ang napalunan ng dad niyo."

"Kailan ang alis niyo?"

"Mamaya pa ang alis namin."

Kainis. Ano na ang gagawin ko ngayon? Wala ang mga magulang namin tapos wala rin si manang... Awkward..

Noong makaalis na ang mga magulang namin ay wala sa amin ni Aizen ang magsasalita. Tsk.. Nakakabingi sa katahimikan.

"Aizen, ano na!" Bwesit. Nilipat ng channel yung pinapanood ko.

"What?"

"Nilipat mo ng channel ang pinapanood ko."

"Ang boring ng pinapanood mo. Kaya ito na lang ang panoorin natin."

Nilipat niya sa basketball. Mas boring kaya panoorin iyan, kaya tumayo na ako at umakyat papunta sa kwarto ko para magpahinga.

"Callie, pwede bang pumunta diyan sa inyo?" Tanong ko kay Callie habang kausap siya sa telepono.

Sure. Wala rin naman si--" Biglang may umagaw sa phone ko kaya napatingin ako.

"Hoy, ibalik mo nga sa akin ang phone ko! Kausap ko pa si Callie, eh! Bastos ka rin." Binalik na niya sa akin yung phone ko pero binaba naman ni Aizen ang tawag. Onti na lang talaga mapupuno na ang pasensya ko sa lalaking ito. Matagal akong nagtitiis sa kanya kaya nauubos na rin ang pasensya ko.

"You are not going somewhere. Dito ka lang sa bahay."

"Sino ka ba para pagsabihan ako na hindi pwede pumunta sa kahit saan kong gusto?"

"Baka nakakalimutan mong boyfriend mo ko, Aya."

"Boyfriend kita pero hindi tayo official kaya huwag kang assuming, Aizen. Kaya kahit ano pwede kong gawin."

"Ginagalit mo talaga ako, Aya."

Ano na naman ba ang ginawa ko sa kanya? May masabi lang, eh. Tsk.

Hindi ko na alam ang sunod nangyari dahil bigla bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Kusang pumalibot sa leeg niya ang mga braso ko, para bang may sariling buhay ang braso ko. Tumugon na rin ako sa halik niya. Ano ba itong ginagawa ko? Hindi ko magawang itulak si Aizen.

"Sumusobra ka na, Aizen ah!" Siya na ang humiwalay kaya tinitingnan ko siya ng masama.

"I can do whatever I want, Aya. Wala ang mga magulang natin dito and also just two of us." Ngumisi ito sa akin.

"Ano ba kasi ang gusto mo?!"

"Marami. You, your heart and your trust."

"Gusto mo na ba ako mamatay?! Anong pati puso ko!"

"Silly, siyempre gusto kong mahalin mo rin ako."

"Malabo! Hindi kita gagawang mahalin."

"Dahil mahal mo talaga ang kakambal ni Callie?" Hindi ako makasagot sa kanya. Umupo na lang ako sa gilid ng kama ko. "Bakit kasi siya pa?"

Magsasalita na sana ako nang pinigilan niya akong magsalita.

"Hep! I know what are you going to tell me. Dahil mabait at talented si Caleb kaysa sa akin."

Alam naman niya ang sagot, bakit pa niya tinanong sa akin? Ewan ko sa kanya.

"Tao rin ako, Aya. Nasasaktan. Kung ito na talaga ang karma ko sa lahat na pinagagawa ko sayo noong mga bata pa tayo ay ayos lang." Lumabas na si Aizen nang kwarto ko kaya humiga na ako sa kama. Biglang tumunog ang phone ko.

"Bakit mo binaba kanina yung tawag?" May pagtatampo sa boses ni Callie dahil sa ginawa ni Aizen.

"Sorry. Hindi ko namalayang nandito pala sa kwarto ko kanina si Aizen kaya inagaw niya sa akin yung phone ko at binaba yung tawag."

"Bastos talaga ang lalaking iyon. Anyway, pupunta ka ba dito sa bahay ngayon?"

"Ano kasi... Hindi ako pinayagang lumabas ngayon."

"Okay. Ayos lang. Wala kasi si Caleb ngayon."

"Nasaan siya ngayon?"

"Nasa bahay ng lola namin."

"Bakit hindi ka sumama sa kakambal mo?"

"Ngayon ko lang masosolo ang tv habang wala pa siya. Alam mo naman palagi kami nagaaway na dalawa sa tv."

"Ganyan din ang ginawa ni Aizen sa akin kanina."

"Musta na pala ang buhay mo ngayon lalo na't magkasama kayo ni Aizen sa isang bubong?"

"Mas gusto mo pang tumira sa dating bahay namin dahil tahimik ang buhay ko. Walang Aizen na palagi akong inaaway. Sa totoo nga lang ang labo niyang kausap."

"Sinabi pala sa akin ni Caleb na hindi ka pumayag na nilagawan ka niya. Bakit? Dahil ba kay Aizen?"

"Huh? No! Kahit crush ko ang kakambal mo.. Wala pa akong balak magkaroon ng boyfroend. Baka makasira lang iyan sa pagaaral ko." Pagsisinungaling ko. Wala pwdeng makaalam na boyfriend ko na si Aizen.

"Ganoon? Sige, kailangan ko ng ibaba itong tawag kasi tinatawag ako ni tita." Binaba na ni Callie ang tawag kaya tumingin na lang ako sa kisame. Hindi ako makapaniwalang magsisinungaling ako sa kaibigan ko.

Si Callie na nga lang ang kakaisang pwede kong lapitan pag may problema ako. Marami na nga siyang naitulong sa akin noon.

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon