Habang naglalakad ako sa hallway ng school namin ay nakita ko si Aizen na may kausap na babae. What the hell!
"Hi, Aizen." I rolled my eyes. Ang landi niya. Bwesit!
"Hi." Aba at pumatol pa ito ngayon ah!
"Pwede ba magtanong? Kung ayos lang sayo." Sabi noong malanding babae.
"Shoot. Ano iyon?"
"May girlfriend ka na ba? Kung wala pa pwede ako." I rolled my eyes once again. Sarap kaladkarin sa kalsada ang babaeng ito!
"Sorry, but I have a girlfriend."
Bahala ka na nga diyan! Kaya nilagpasan ko na sila dahil pupunta pa ako ng library kasi may kailangan akong hanapin ngayon sa seat work na binigay sa amin sa English.
Habang naglalakad ulit ako papunta sa library ay may humawak sa braso ko. Tumingin ako sa kanya. Si Aizen. Psh.
"Narinig ka ba?" Tinaasan ko siya ng isang kilay ko.
"Na ano? Ah, yung tinanong ka niyang kung may girlfriend ka na, kung wala pwedeng pwede siya." Pwede talaga siyang kaladkarin. Tsk.
"So, nagseselos ka?"
"Keep dreaming, Evergreen. Hindi ako nagseselos."
Bigla niya ako hinatakan sa ilalim ng hagdan. Ano naman ang binabalak ng lalaking ito? Pero mamilog yung mga mata ko na hinalikan niya ako sa labi.
Who can resist this guy's kiss? No one. Kaya tumugon ako sa kanya hanggang may narinig akong tawanan ng mga estudyante pababa ng hagdan.
"What's that for?" Humiwalay na kasi siya sa akin.
"Para patunayan ko sayo na ikaw lang ang mahal ko."
Okay, kinikilig na ako doon ah! Stop!
"Hindi mo naman kailangan halikan ako para patunayan sa akin kung gaano mo ko kamahal, Zen. Dahil nakikita ko sa lahat na kilos mo na talagang mahal mo ko at ako lang talaga ang babae para sayo." Nakita kong ngumiti siya sa akin.
"Ganoon ka rin ba sa akin? Dahil hindi ko nakikitang sa mga kilos mo na mahal mo ko, Aya."
"What?! Mahal kita. Mahal na mahal. Kahit hindi ko pinapakita sa mga kilos ko pero ikaw lang ang lalaking nagpapatibok ng puso ko." Nakita kong umiwas ng tingin si Aizen at napapansin kong namumula ang tenga niya. Ano iyon? Kinikilig siya? Ang cute naman niyang kiligin.
"How about Caleb?" Tumingin siya sa akin. Ang seryoso na ng mukha ni Aizen ngayon.
"Ano meron kay Caleb?"
"I know he is your crush. Hindi ba tumibok ang puso mo sa tuwing kasama mo siya?" Tanong niya. Hindi ako makaimik dahil totoong tumitibok ang puso ko pag nandiyan sa paligid si Caleb noon. "Tsk. You don't need to answer it. Mukhang alam ko na ang sagot."
"Zen, wait. Hindi naman sa ganoon. Yeah, maybe I had a crush on Caleb pero ang importante ang ngayon. Ikaw ang importante."
"Marami akong kasalanan noon. Kung nilapitan at kinausap kita noon ay sana hindi siya ang crush mo."
"Teka nga! Hanggang ngayon pa ba ay nagseselos ka kay Caleb?"
"What if I am? Ano ang gagawin mo?" Pinalibot ko ang mga braso ko sa leeg niya para halikan siya. Ako na ang unang humalik sa kanya.
"Ikaw ang boyfriend ko, hindi siya. Okay? Caleb is just a friend kaya huwag ka na magselos diyan."
"I can't help it dahil siya ang first love mo." Ang cute niya talaga magselos pero wala naman akong balak pagselusin si Aizen.
At sino nagsabi sa kanya na si Caleb ang first love ko? Wala naman at saka hindi si Caleb ang first love ko.
Pagkatapos ng klase ay review lang naman ang ginagawa sa lahat na subjects dahil sa darating na exams. Wala rin akong trabaho sa library dahil kailangan ko magaral para sa exam at kailangan ko rin gawin ang project namin dahil malapit na deadline.
Kinabukasan...
Dahil weekend ngayon kaya walang pasok pero kailangan magaral.
"Aya, can we talk?" Lumingon ako noong tanungin ako ni dad. Napansin ko rin wala si Aizen ngayon sa bahay.
"Okay po." Umupo na ako sa sofa. Parang ayaw ko ang atmosphere noong bumaba ng hagdan si mama.
"Be honest with us." Sabi ni mama.
"Okay po. Ano po iyon?"
"Dahil napapansin namin ng mama niyo ay hindi kapatid ang closeness niyong dalawa ng anak kong si Aizen. Alam naman namin hindi maiiwasan na magkagusto kayo sa isa't isa lalo na't hindi kayo tunay na magkapatid." Sabi naman ni dad. Ang lakas ng kalabog ng puso ko.
"Ano po ang gusto niyong sabihin? Deretsuhin niyo na ako."
Napatingin ang mga magulang namin sa isa't isa. Kinakabahan ako sa mangyayari, eh. Pero tumingin ulit sila sa akin.
"Ang gusto namin sabihin sayo na illegal ang pagiging magkapatid niyo ni Aizen."
What?
Ano daw? Hindi ma-sink in sa utak ko yung sinabi ni dad sa akin. Illegal daw ang pagiging magkapatid namin ni Aizen?
"Ano po ibig sabihin? Illegal? As in hindi kami magkapatid?" Tumango sila sa akin. "Ibig sabihin may ampon sa amin?"
"No! Tunay kong anak si Aizen at anak ka naman ng mama mo."
Nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko pa naman ampon isa sa amin ni Aizen.
"Pwede po bang deretsuhin niyo na ako kung ano man ang gusto niyong sabihin sa akin."
"Ang pagkakasalan namin ng mama mo ay isang palabas lang. Dahil palagi kong nakikita na hindi maganda ang samahan niyo ng anak ko. Alam kong pasaway na bata si Aizen, Aya. Hindi naman ganoon si Aizen noong bago kami lokohin ng mama niya... Mabait na bata si Aizen noon."
"Palabas? As in hindi totoo ang kasal niyong dalawa ni mama?"
"Oo, Aya." Sagot ni mama.
Gosh! Parusa ba sa akin ito?! Hindi naman akong perpektong tao pero sobra-sobra pa ang parusa na binibigay sa akin. Una ang pagkamatay si papa tapos ang paglihim sa ibang tao tungkol sa relasyon namin ni Aizen. Pagnalaman ng iba baka ano ang sabihin nila sa akin, ayaw ko rin naman kasi ng gulo.
"Plinano ko ang lahat na ito, Aya. Ginusto ko rin na ipasok ka sa paaralan para makapagtapos ka sa pagaaral."
"Stop!" Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Kung alam niyo lang po kung gaanong hirap sa amin ni Aizen ang itago ang relasyon namin sa ibang tao dahil ayaw ko ng gulo. Tapos ano?! Hindi naman pala totoo ang kasal niyong dalawa ni mama!"
Padabog akong umakyat sa itaas. So frustrated.
"And please, huwag mong sabihin kay Aizen kung ano ang sinabi namin sayo."
Argh! Ewan ko na!
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...