Ang haggard talaga ang mag-commute lalo na kung maraming tao ang kasabay ko sa jeep.
"Aya." Lumingon ako sa likod dahil nakikita ko si Callie kumakaway sa akin.
"Aba, himala yata hindi mo kasama si Caleb."
"Hindi ba niya sinabi sayo?"
"Na ano?"
"Naaksidente siya habang naglalaro ng basketball kahapon kaya kailangan na niya muna ipahinga ang kanyang paa."
"Nagiingat dapat siya lalo na't isa siya sa mga magagaling na players."
"Oo nga, eh. Kalaro rin niya ang Aizen na iyon."
"Huh? Ano ang ginawa ng Aizen na iyon sa kapatid mo?"
"Ang sabi ni Caleb sa akin hinamon daw siya ni Aizen tapos hindi ko na alam ang sunod kasi hindi na sinabi sa akin ni Caleb."
Parang alam ko na ang sinabi ni Aizen kay Caleb.
"Mauna ka na sa classroom natin, Callie."
"Saan ka naman pupunta? Malapit na magsimula ang first class natin."
"I know. May kailangan lang akong gawin na muna, hahabol naman ako." Nauna na ako pumasok sa building para pumunta sa section ni Aizen. Pagkarating ko ay kumatok na ako dahil alam kong wala pa silang teacher.
"Ano ang ginagawa ng taga section 1?"
"Gusto kong makausap si Aizen."
"Aizen." Tinawag na niya si Aizen na busy makipagusap sa ibang kaklase nito.
"Bakit? Ano ang kailangan mo, Chuck?"
"Gusto ka makausap ni Aya."
"Ganoon ba?" Tumayo na ito mula sa desk niya para lumapit sa amin. "Bakit mo gusto kausapin ako? Malapit na rin magsimula ang klase."
"Gusto kita makausap na tayong dalawa lang."
"Sa ba-- Aray!" Napatalon siya noong inapakan ko ang paa niya. "Ano ba ang problema mo?! Tsk."
"Huwag mong ubusin ang oras ko, Aizen."
"Okay, fine. Maguusap na tayong dalawa." Sinara na siya yung pinto at naunang naglakad kaya sinundan ko siya. "Ngayon wala ng tao dito, ano ba ang gusto mong pagusapan."
"Alam kong may kinalaman ka kung bakit may injury ngayon si Caleb."
"Tsk. Stop mention that name.."
"Sagutin mo ang tanong ko, Aizen kung gusto mo pa madagdagan ang angkan niyo. Huwag mong uubusin ang pasensya ko."
"Ang init naman palagi ng dugo mo sa akin."
"Ano ba, Aizen!?"
"Fine, sasabihin ko na sayo... Gusto ko lang naman matalo si Caleb kahit sa basketball kaya hinamon ko siya."
"At may kinalaman ka kaya injured si Caleb ngayon!"
"Yeah. Nainis ako sa sinabi niya sa akin."
"Ano ang sinabi niya sayo."
"Mas mabuti ng hindi mo malaman kung ano ang sinabi niya sa akin kahapon dahil hindi rin naman ako papayag sa gusto niyang mangyari.." Tumingin ito sa kanyang phone. "Kailangan ko ng bumalik sa classroom."
Pagkatapos mg lahat na klase ko ay pumunta na rin ako sa libary.
Nang nakatapos na ako sa trabaho sa libary ay umuwi na ako. Pagkarating ko sa bahay ay dumeretso na ko sa kwarto.
"Kakamustahin ko na lang si Caleb."
To Caleb;
Narinig ko kay Callie ang nangyari sayo kahapon. Kamusta na ang injury mo?
Nilagay ko na muna yung phone ko sa side table bago pumasok sa banyo para magpalit ng pangbahay. Pagkatapos mo magpalit ng damit ay lumabas na ako para magpahinga na muna bago gumawa ng binigay na homework sa amin.
"Aya." May kumakatok sa pinto ng kwarto ko. "Pwede ba tayo magusap ngayon?"
Binuksan ko na yung pinto ng kwarto.
"Ano po ang gusto niyong pagusapan?"
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon dahil hindi ko kaya palitan ang ama mo."
"Sorry po sa inasal ko noong isang gabi." Niyakap na niya ako pero nakita ko si Aizen nakatayo sa likod. "Excuse me lang po."
Hinabol ko si Aizen hanggang sa kwarto nito.
"Aizen, teka lang."
"Bakit? Ano ang kailangan mo sa akin? Huwag mong sabihin na aapaka mo na naman ang paa ko katulad ng ginawa mo kanina."
"Hindi. Sorry sa ginawa ko kanina sayo."
"Aba, ano ang kinain mo ngayon at humihingi ka ng sorry?"
"Napagisip ko lang na mali rin naman ang ginawa ko kanina."
"Pinapatawad na kita. Kapatid kita, Aya."
"Akala ko ba hindi mo tinatanggap na maging bahagi ng pamilya mo... Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na kapatid mo ko."
"Kahit anong gawin natin kasal pa rin ang mga magulang natin."
"If you really like me, prove it. Patunayan mong gusto mo talaga ako pero hindi ko alam kung gagawa ka ng paraan para makuha ang babaeng gusto mo."
"Oh? Sa pananalita mo ngayon parang hindi na si Caleb ang gusto mo ah."
"Si Caleb pa rin ang gusto ko. Sino pa nagsabi sayo na iba na ah? At saka hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kanya kahapon."
"My bad. Nawala sa isip ko kaibigan mo pala ang kakambal niya." Tumalikod na siya sa akin kaya ang liko na niya ang nakaharap sa akin. May liwanag akong napansin.
"May hinihintay ka bang tawag o text? Baka kasi importante kaya tumitingin ka sa phone mo."
"Hindi importante.."
"You are waiting your mother to--" Binigyan ako ni Aizen na isang malamig na titig. Biglang tumaas ang lahat na buhok ko sa katawan para kasing papatay ng tao si Aizen titig niyang iyon."
"Don't mention again about that woman! At kahit kailan wala akong pakialam sa babaeng iyon dahil simulang pinagpalit kami sa ibang lalaki ay kinalimutan ko na may ina ako."
"Sorry." Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang hiwalay ang magulang ni Aizen. Simulang mga bata pa lang kami ay hindi ko pa nakikita ang mama niya kasi pag may event ay palagi ang lola niya ang kasama niya. Noong 1st year high school ako, doon ko nakilala ang ama niya.
"Bumalik ka na sa kwarto mo dahil gusto ko na rin ang magpahinga."
"Okay. Good night, Aizen." Tumanga lang siya sa akin bago niya sinarado ang pinto ng kwarto niya. Bumalik na rin ako sa kwarto ko at doon ko rin naalala na hinihintay ko pala ang reply ni Caleb.
"Walang reply si Caleb. Bakit naman kaya?" Tiningnan ko na kasi yung laman ng inbox ko, wala akong new message. Ang huling nagmessage sa akin si Callie at kahapon pa ito.
"Baka nakatulog na siya. Hihintayin ko na lang bukas, baka bukas na rin siya magrereply sa text ko."
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...